top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 20, 2025





May hugot ang post ni Alden Richards sa X (dating Twitter) kahapon. ‘Yan ang reaksiyon ng mga followers ng aktor sa X.


Post ni Alden sa X, “No need to comment on my journey; just enjoy your own (like emoji).”


Tila may pinapatamaan daw si Alden, ayon sa ilang mga netizens. Baka kasi nabibingi ang mga kritiko ni Alden sa katahimikan ng takbo ng career nito ngayon, especially ang personal life ni Alden. 


Pagkatapos kasi ng super-mega hit na movie nila ni Kathryn Bernardo ay naputol na rin ang tsika sa closeness nila. And recently, nali-link na si Kathryn sa isang mayor. 


Pero ang “true” followers ni Alden ay naha-happy naman sa post ng Kapuso actor sa X:


“Ang nice mo pa rin. Instead please say, ‘Mind po your own business.’  magalang pa rin pero fierce (muscle emoji).”


“Basta enjoy ka sa journey mo, happy na kami (heart emoji).”

“Wishing you all the best on your journey. May God continue to bless you (praying emoji).”


Para sa mga “nabibingi” sa katahimikan ni Alden, makikita ang Kapuso actor sa 38th Star Awards for TV, kung saan makakasama niya sina Kim Chiu at Piolo Pascual as hosts sa star-studded event na magaganap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN this coming Sunday.


Mapapanood ang delayed telecast sa April 5, Sabado, 10:30 PM sa A2Z.

After 27 yrs. 

ALYNNA, HIWALAY NA KAY HAJJI


AFTER 27 years, hiwalay na ang singer na si Alynna sa kanyang partner na OPM icon na si Hajji Alejandro.


Kung inyong matatandaan, si Alynna ang kumanta ng hit songs na Kahit Gaano Kalaki at Pasumpa-Sumpa Ka Pa.


Pansamantala niyang itinigil ang kanyang career para suportahan si Hajji sa professional and personal career nito.


Kamakailan ay kumalat sa socmed (social media) ang balitang may malubhang karamdaman si Hajji. Katunayan, humingi ng dasal ang mga kaibigan at schoolmates ni Hajji para sa pagbuti ng kanyang kalusugan.


And now we heard, bumuti na raw ang lagay ng OPM icon. Although, naka-confine pa rin daw sa ospital para sa kanyang tuluyang paggaling.


‘Yun nga lang, hindi na mababantayan at masasamahan ni Alynna si Hajji sa kanyang recovery. Kaya marami ang nanghihinayang na natapos na ang relasyon nina Alynna at Hajji pagkatapos ng almost 3 decades.


Pero maaaring blessing in disguise na rin ang nangyari kasi this time, magkakaroon na ng time si Alynna to revive her singing career.


Sa true lang, mahusay na singer si Alynna. Kabilang si Alynna sa The New Minstrels batch 5 or 6. She’s the baby in the group when she joined The New Minstrels. And now, sa kanyang pagbabalik sa showbiz, todo-promote na siya sa latest song niya na composed ng another OPM icon na si Rey Valera titled Dapat Ba Akong Mangarap.

Bukod sa pagkanta, susubukan din ni Alynna ang umarte sa pelikula at telebisyon.

Niluluto na ang pelikulang gagawin ni Alynna and soon, we’ll give you details.

Abangan!



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 19, 2025





Love is lovelier the second time around nga kaya ang drama ni KC Concepcion at ng ex-boyfriend niyang si Aly Borromeo?


Spotted kasi sa latest Instagram (IG) post ni KC ang pictures nila ng dating team captain ng national football team ng Pilipinas (ang Azkals) na si Aly sa wedding ng non-showbiz couple na friends nila. 


Nagkarelasyon sina KC at Aly couple of years ago at naghiwalay noong 2018.

This time, nagkakasunud-sunod ang patikim ni KC sa kanyang posts sa socmed (social media) regarding the latest tsika about her love life.


Sa latest IG post ni KC, rumampa si Aly kasama ang isa sa mga groomsmen, habang si KC naman ay isa sa mga wedding guests. 


May picture rin sina KC at Aly sa reception ng wedding kasama ang isa pang miyembro ng Azkals na si Anton del Rosario.


Last year, kinutuban na ang mga netizens na may naganap na balikan kina Aly at KC nu’ng makita sila na magkasama sa Paris, France noong August, 2024.


Then, may post ulit si KC tungkol sa Azkals Celebrity Cup kung saan naglaro si Aly last October 7, 2024. Kaya duda tuloy ng mga netizens ay matagal nang nagkabalikan ang dalawa. 


If true, si Aly ang ikalawang ex-boyfriend ni KC na kanyang binalikan. Ang una ay ang French filmmaker na si Pierre-Emmanuel Plassart. 


Ang huling boyfriend ni KC ay ang Swiss businessman na si Steve Michael Wuethrich.

Dasal ng mga fans ni KC Concepcion, “Woot! woot! I hope it’s for good this time for Aly and KC.”


“Beautiful together”


“Sana, ikaw na ang next, KC. I love Aly for you (love and happy emoji).”



TIYAK na mas magniningning ang 38th Star Awards for Television sa pagsasama-sama ng tatlong sikat at bigating Kapuso at Kapamilya artists na sina Alden Richards, Kim Chiu at Piolo Pascual bilang mga hosts nito.


Gaganapin ang inaabangan at star-studded na gabi ng parangal ngayong Linggo, March 23, 2025, 7 PM sa Dolphy Theater sa Quezon City.


Bibigyang-parangal ng PMPC Star Awards, Inc. ang mga namukod-tanging programa sa telebisyon sa buong 2024, pati na ang mga performances sa larangan ng drama at comedy, hosts sa iba’t ibang kategorya tulad ng variety shows, talk shows, documentary, lifestyle, educational, game shows at iba pa, gayundin ang mga broadcasters.


Ang magbubukas ng programa ay isang pasabog na production number mula sa GMA big stars na sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista, kasama sina Kai Montinola at Jarren Garcia ng Pinoy Big Brother (PBB).


Magbibigay ng espesyal na tribute si Concert King Martin Nievera para sa Movie Queen na si Gloria Romero bilang isa sa mga icons of Philippine Television.


Hahataw naman sa finale number ang mahusay at award-winning singer na si Jed Madela kasama ang mga cutie na Eat… Bulaga! (EB!) Singing Queens.


Gagawaran ng pagkilala sina Janice de Belen bilang Ading Fernando Lifetime Achievement awardee (sa kanyang maraming taon bilang aktres at host sa local television) at Julius Babao bilang Excellence In Broadcasting Award Lifetime Achievement awardee.


Ang i-Witness na isa sa mga haligi ng programa ng GMA Integrated News ay iluluklok na sa prestihiyosong PMPC Hall of Fame bilang Best Documentary Program sa pagwawagi nito ng labinlimang beses sa nasabing kategorya.


Ngayong taon, napili rin ng PMPC media group ang mga sikat na tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino (para sa Linlang) at Barbie Forteza at David Licauco (para sa Pulang Araw) upang makamit ang German Moreno Power Tandem Award.


Sa pamumuno ng PMPC President na si Mell Navarro at over-all chairman Rodel Fernando, ang 38th Star Awards for Television ay mula sa produksiyon ng Airtime Marketing Philippines ni Tess Celestino-Howard at direksiyon ni Eric Quizon.

Mapapanood ang delayed telecast sa April 5, Sabado, 10:30 PM sa A2Z.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 17, 2025





Luhaang muli ang puso ni Kris Aquino. ‘Yan ang inilahad ni Kris sa kanyang latest post sa Instagram (IG) kahapon.


Ilang buwan lang ang lumipas nang mapangalanan ang bagong boyfriend ni Kris na doktor na si Mike Padlan, ngayon ay break na agad sila.


Narito ang mahabang pag-amin ni Kris sa lagay ng kanyang puso at kalusugan.


“During this time of uncertainty, I choose to share MY PAINFUL TRUTH, the doctor I loved left me because he wanted the freedom to travel, to break free from needing to care for & the reality of KRIS AQUINO who had multiplying autoimmune diseases with so few treatment options. Enough time has passed: he did not love me. In my defense, he did receive the correct professional fees— even when we were a couple. End of that chapter (never akong natakot umamin ng katotohanan).


“The TRUTH, in his words: ‘INIWAN KITA DAHIL MAHIRAP KANG MAHALIN, sobrang sikip ng paligid’— my prayer is that he will now STOP trash talking & cursing my best friends and doctors who are still doing all they can to improve my quality of life, proving everyday genuine love, compassion & loyalty.


“Last night my rheumatologist tried ultrasound-assisted targeted steroid shots on my knees… My body reacted the same way I did when we tried 34 months ago the steroid challenge.


“Bimb is now doing MMA training and I weigh less than 80 lbs, only 36 kilos. I cannot walk, each step is agony. The excruciating pain is from my knees all the way to my feet, a combination of deep bone pain (lupus arthritis, Polymyositis, and acute fibromyalgia).


“I decided to post my current reality because I want to give HOPE. When you are unconditionally loved, when like me, you are blessed with a son who will do all to lessen his mama’s physical & emotional suffering— HINDI KA SUSUKO. TINITIIS ko ‘yung matinding sakit na parte na ng bawat araw ko dahil ang pagmamahal ng anak ay walang katumbas.


“Life is difficult for all of us— but faith in God and REAL love proven by ACTION gives ALL the needed willpower to persevere. Thank you God, thank you TO ALL for your continued prayers for my healing, and to MY “northern star”— Bimb for being much more than your mama deserves. I love you ATE. Thank you ate @celdasan for taking care of kuya now. TULOY ANG LABAN (yellow heart emoji).”

Prayers pa more for Kris.



LAST Sunday ay nagkaroon kami ng chance na mapanood ang isa sa 8 full-length films na entry sa Puregold Cine Panalo, ang Tigkiliwi, sa Gateway Cinema sa Araneta Center, Cubao.


Ang Tigkiliwi ay isinulat at idinirek ng award-winning editor na si Tara Illenberger. Ang pelikula ay sumasalungat sa mga maling paniniwala tungkol sa libingan, aswang, at iba pang darker sides na kinatatakutan ng mga Pinoy.


How we wish na magkaroon din ng movie na ang kuwento ay tumatalakay sa mga nagligtas ng buhay ng mga tao gaya ng paramedics, nurses, firemen, rescuers, at iba pa na may Pinoy flavor, especially now na nadiskubre namin na meron nang school for paramedic course.


Recently, nalaman namin na nag-graduate ang kauna-unahang batch ng mga paramedics sa bansa mula sa Dr. R.A. Fernando School of Healthcare, Technology, Inc..


Luckily, isa kami sa mga taga-media na naimbitahan para um-attend ng commencement exercise ng mga nagtapos ng paramedic course sa Dr. R.A. Fernando School of Healthcare, Technology, Inc..


Special guest speaker sa paramedic course commencement ceremony si TESDA

Director General Francisco “Kiko” Benitez.


Ayon kay TESDA Sec. Benitez, “This is the first program registered under TESDA for MS, for emergency response services. So uhm, this is the first batch.


“Obviously, I think it’s clear naman to everybody that there is a need for professionalizing and ensuring that we have a baseline for the skills and technical capacities for emergency response.


“So uhm, which is why the Marylou (Hontiveros-Fernando) from the Doctor Fernando school devised this training that helps capacitate first responders for emergencies of many kinds. And it is after all benchmarked on what is expected, for example, in the United States. To make sure that the capacity is at least matched.


“So, sana naman, dumagdag pa, dumami pa ang mga estudyante n’yo because it’s an obvious need that people know how to respond beyond just first aid, for example.”

For the first batch, mga doctors and nurses muna ang inimbitahan ni Ms. Marylou, ang director-general ng school, to join the course na nag-last for 35 days.


Si Ms. Marylou ang presidente ng school at sa kanya nanggaling ang ideya na magkaroon ng paramedics sa Pilipinas based on her personal experience.

Couple of years ago, inatake ang kanyang mister na isang doktor habang may medical mission sa bansa. Naka-based ang mag-asawa sa Amerika.


Hindi umabot sa hospital ang kanyang mister sakay ng ambulansiya na 10 to 15 minutes away lang sa mga kilalang ospital sa San Juan.


After two years, pumanaw ang kanyang mister at bumalik si Ms. Marylou sa Pilipinas para ilunsad ang kauna-unahang kurso sa paramedic.


Sabi ni Ms. Marylou, “It’s been my passion. If I could just save one life, it’s worth my husband’s life.”


Isa sa mga kahalagahan ng paramedic ay, tulad sa US, in case of emergency, everybody calls 911, darating ang ambulansiya. Without a paramedic, dadalhin nila sa ospital ang pasyente kahit hindi naman kailangan ng emergency care.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page