top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 23, 2025





Pumalag ang ilang content creators sa ipinost ni Romnick Sarmenta sa X (dating Twitter) kahapon. Ikinumpara kasi ni Romnick ang kaibahan ng content creators (CC) at mga tunay na mamamahayag ng balita.


Sey ni Romnick sa kanyang post sa X, “There is a huge difference between content creators and true journalists.


“Content creators chase after views. True journalists chase after the truth.


“One understands accountability, the other wants to do accounting.”


May mga nag-react na content creators sa post ni Romnick.

Comment ng isang CC, “Paano naman kaming mga content creators na may accountability at tumutugis din ng katotohanan?”


Nag-reply si Romnick sa comment in a nice way.

Sey niya, “Then, continue. If you hold yourself accountable and answerable to your statements, by all means... continue.


“May the Lord guide you po (praying emoji).”


Ipinaliwanag naman ni Romnick na nauunawaan niya ang paghahanapbuhay, pero sana raw ay sa maayos na paraan.


Esplika ni Romnick, “‘Yung nagtatrabaho ka ng patas. Ng walang nilalamangan at dinadaya... ‘yung hindi ka nagkakalat ng kasinungalingan para lang dumami ang manonood, ‘yung ‘di ka nagkakalat ng maling kaalaman, kapalit ng katotohanan.


“Dahil kung kaya mong ibenta ang katotohanan at ipagkalat ang mga bagay na magdadala sa kapahamakan, malinaw na kaya mong ipagbili ang sarili kapalit ng salapi...


“Doon, doon mo ipagpalit ang pagkatao mo sa maliit na halaga. Sayang.

“Sinayang mo ang iyong sarili.”

‘Yun na!




 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 22, 2025





Ayun na nga, big surprise sa bonggang launch and mediacon ng bagong awitin ni Revival King Jojo Mendrez na Nandito Lang Ako under Star Music ang former StarStruck member na si Rainier Castillo.


Hindi tuloy napigilan ni Jojo ang maiyak nu’ng biglang umapir towards the end ng mediacon si Rainier at binati ang Revival King sa bago niyang kanta.


Kuwento ni Jojo, “Kasi nagsabi na siya (si Rainier) na pupunta raw siya rito. Pero wala ‘yung final confirmation na darating. Kasi parang may event na pupuntahan. 


“Si Mark (Herras) naman kanina, nag-message sa akin ng congratulations. Tapos nagbalita siya sa akin na nag-transfer nga raw siya ng bahay. Hindi ko naman siya ini-invite rito kundi ang usapan, ang sabi ni Rainier, ita-try niyang (Mark) makahabol.

Pero hindi ko in-expext na darating siya (Mark) rito.”


Anyway, we asked Jojo kung paano ang latag ng promo ng Star Music and his team para umani rin ng maraming views sa socmed ang Nandito Lang Ako gaya ng kanyang hit revival song na Somewhere In My Past.


Pahayag niya, “May airplay na sa FM stations. Sa maraming FM stations na siya pinatutugtog. At sa AM stations, tinutugtog na rin po at saka ‘yung mga social media influencers, nagtawag na sila for a collab.


“Ang first influencer po na gumawa ay si Brenda (Brenda Mage, vlogger). In two days, nag-500 views yung Nandito Lang Ako. But as of this time, may 30 na influencers na mga kilala ang gagawa ng content para sa song.


“At saka si Ms. Nora Aunor, may special appearance sa music video ng Nandito Lang Ako. ‘Yun po ang abangan ninyo.”


Then, nag-follow-up question kami kay Jojo regarding Ate Guy’s participation sa kanyang music video.


Sabi niya, “Kasi ano, si Ate Guy, very supportive sa akin. ‘Yung first major concert ko na Revival King, the first Revival King concert, nandu’n siya.”


Magkaibigan daw talaga sila ni Ate Guy.


“When isu-shoot ang music video ng Nandito Lang Ako? ASAP ‘yun. Siya kasi ang gusto ng Star Music na makasama ko sa music video. Nasa concept daw kasi ‘yun.


Hindi ko pa lang alam kung ano ang participation ni Ate Guy sa music video. Kasi idi-discuss pa ‘yung buong concept,” lahad pa ni Jojo.



Proud father si Richard Gutierrez sa eldest son niya na si Zion sa achievement nito which he posted sa kanyang Instagram. 


Sinamahan ng Kapamilya actor si Zion sa Amerika na isa sa mga members ng Philippine delegates para sa United Nations.


Si Zion ay ang panganay na anak ni Richard sa kanyang estranged wife na si Sarah Lahbati.


Caption ni Richard sa kanyang IG post ng photos nila ni Zion sa US, “Exploring New York City with my little man, Zion. So proud of his work with the Philippine delegates for the United Nations.”


Karugtong ng caption ng isa sa mga bida ng Kapamilya action-series na Incognito ang kanyang pasasalamat sa mga guro at kapwa niya parents ng mga estudyante na kinabibilangan ni Zion. 


Pagpapatuloy ng caption ni Richard, “To all the teachers and co-parents who worked tirelessly to make this trip an unforgettable experience for our kids, thank you.


“I will never take these moments for granted, watching Zion grow into a fine young man. Always remember, Dad is here cheering you on every step of the way. I love you, Zion.”


Samantala, isang heartwarming birthday message naman ang ipinost ni Richard para sa bunsong anak nila ni Sarah na si Kai.


Say ni Richard, “Zero sleep and still on East Coast time, but back in Manila in time for Kai's 7th birthday. Wouldn't miss his birthday for the world.


“To my youngest son whose infectious smile and limitless energy lights up every room, always remember that we love you, keep being yourself and keep being awesome. Always protect your kind heart and good intentions. Dad will always have your back. I love you Kai.”

Ang sweet naman ni Richard sa kanyang mga anak, ‘di ba?


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 21, 2025





Viral ang video ni Sen. Robinhood Padilla na hinalikan ang kababayang Pinay habang nasa The Netherlands.


Isang DDS (diehard Duterte supporter) na OFW daw ‘yung Pinay na hinalikan ni Sen. Robin base sa video na kumalat sa X kahapon.


Caption ng X post, “TAGAPAGMULAT (Philippine flag and fist emoji) @tagapagmulat. IN HEAT YARN? Sobrang lamig daw sa Netherlands kaya hindi napigilan ni Robin ang ‘in heat’ ng katawan.”


Siyempre, una agad naisip ng mga netizens ay ang misis ni Sen. Robin na si Mariel Rodriguez.


“Grabe, paano kinakaya and tinitiis ni Mariel ‘yan?”


“@marielpadilla Naku! Naisahan ka na naman. Hahaha!”


“Ano kaya’ng feeling ni Mariel? (skull emoji).”


“Naaalala ko na naman sinabi ni Mariel na Robin is trying so hard daw para maging loyal ba ‘yun sa kanya. HAHAHAHAHAHA hirap na hirap ang asawa makuntento sa isa, ‘teh?”


Sa isang interbyu ni Sen. Robin, nabanggit niya na mag-i-stay pa siya sa Netherlands ng 2 linggo.


Pero sa Netherlands na rin inabot ng Ramadan si Sen. Robin, kaya inakala ng mga netizens na nag-o-observe doon ng Ramadan ang senador.


Sey ng mga netizens, “AKALA KO BA, RAMADAN?”

“‘Di ba, balik-Islam ‘yan? Ramadan ngayon, ah (laughing emoji).”

“Puwede ang ganyan sa Ramadan?”

Ganern?!



TRUE pala ang kuwento sa amin ni Ara Mina tungkol kay ‘Ate Sarah’, ang businesswoman na si Sarah Discaya, na very generous ang puso sa pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap na kababayan natin sa Pasig City.


Personal naming nasaksihan kung paano naging “Little Pasig City Hall” ang grandiyosong building ng opisina ni Ate Sarah sa kanyang business na St. Gerard Construction.


Kahit marami ang tao, maayos na naa-assist ng staff ni Ate Sarah ang mga Pasigueños na humihingi ng tulong sa kanya. Kaya pati si Ara ay nakumbinse na ring tumakbo bilang konsehal sa District 2 ng Pasig City para makapagbigay ng tulong.


Pagbubulgar ni Ara, “Hindi ko na dadayain ‘yung edad ko, I’m already 45 and I want to help more people, para lalong maraming matulungan.


“And ‘yun nga, lagi tayong nagbo-volunteer and sumasali, nakiki-cooperate sa mga foundations. Nakasama na rin ako sa St. Gerard Foundation and doon kami nagkakilala ni Ate Sarah.”


Sa totoo lang, hindi na kailangan ni Ara na pasukin pa ang pulitika. Bising-busy siya sa kanyang showbiz career and at the same time, may sarili rin silang business na inaasikaso ng mister niyang si Dave Almarinez. And through that, nakakatulong na rin naman siya sa maraming tao.


Pero katwiran ni Ara, “‘Pag pinasok mo na ‘yung public service, parang mas magkakaroon ka na lalo ng authority at saka power to help people.”


Wala kaming masyadong alam sa background ni ‘Ate Sarah’ at du’n lang sa get-together nila ni Ara namin nalaman na may tatlong anak na siya at taal na taga-Bamban, Pasig City. Dating kagawad ang kanyang ama na may construction business.


Born and raised in UK si Ate Sarah. Bumalik siya ng Pilipinas at dito nag-aral ng high school hanggang college.


Sa ngayon, ramdam ni Ate Sarah na ang kailangang bigyan ng pansin sa Pasig ay ang health care ng mga tao.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page