top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 26, 2025





Personal na tinanggap nina Barbie Forteza at David Licauco ang kanilang award bilang Power Tandem sa katatapos lang na 38th Star Awards for TV na ginanap sa Dolphy Theater last Sunday.


Nagkaroon kami ng chance na makausap si Barbie sa labas ng Dolphy Theater at binati sa award nila ni David.


Kinumusta namin at ng ilang members ng media si Barbie sa estado ng relasyon nila ni David.


“Mas nagiging close kami ni David ngayon. But, uh, s’yempre, parehas busy. S’ya sa business n’ya, ako sa mga projects, ganyan. But yes, yes. He’s really a nice guy. He’s a good friend of mine,” bungad ni Barbie.


Ano ang masasabi niya na marami ang umaasa na magkakatuluyan sila ni David?

“Uh, well, siguro po ganoon ka-effective ang tandem namin na may ganoong hopes. Thank you. Thank you po sa suporta po ninyo,” sagot niya.


May upcoming show daw si Barbie sa primetime at may three movies in the works.

Ano ang feeling na ang daming naka-line-up sa kanya for 2025?


“Kailangan, oo, kailangang kumayod tayo sa buhay. So, I’m very, very grateful and thankful dahil busy tayo for 2025,” sabi ni Barbie.


S’yempre, hindi nakaligtaang kumustahin kay Barbie ang kanyang love life. Ready na ba siya na ma-fall in love again?


“Well, I’m so happy, so happy to be in a relationship with myself right now. I’m getting to know myself more and I love that about me.


“Parang ang dami kong nadi-discover na mga bagong bagay about me. (Like) Kaya ko palang tumakbo. Kaya ko palang maging morning person. Akalain n’yo ‘yun. I’m falling in love with myself everyday,” lahad niya.


Napabayaan ba niya ang sarili niya?


“Hindi ako morning person dati, oo. Tsaka wala akong exercise masyado dati. Ngayon, tumatakbo na ako,” tugon niya.


With regards to Jak Roberto, hindi na niya maalala kung kailan sila huling nagkita ng kanyang ex-boyfriend.


Pero ready ba naman si Barbie na makaharap si Jak?


“Of course, why not? Lahat naman, alam n’yo naman kahit sino, binabati ko, eh,” nakangiting sabi niya.


Wala rin daw tampo si Barbie kay Jak.


And lastly, may plano rin kaya si Barbie na mag-solo ng bahay na gaya ng ibang female celebrities?


“‘Di ba, dagdag-gastos pa ‘pag nagbukod ako? Susulitin ko muna ang bahay ko. Bagong patayo lang. So, sulitin muna natin ‘di ba?” diin niya.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 25, 2025





Nakatsikahan namin ang dating StarStruck grand finalist na si Rainier Castillo sa backstage ng Dolphy Theater. Kasama si Rainier ng controversial Revival King na si Jojo Mendrez na nag-present ng award for a special category.


Kinlaro ni Rainier kung ano ang tunay na relasyon niya kay Jojo.


Pahayag ni Rainier, “Ang samahan kasi namin ni ano, Sir Jojo, ang hirap kasing magsalita. Kasi, ‘pag sinabi kong friends lang kami, hindi maniniwala ang mga tao. 


“At ‘pag sinabi ko naman na kami, hindi rin sila maniniwala. So, siguro, kung makikita nila ako in public, ‘di ba, siguro it’s for you to find out na lang. So, what you see is what you get na lang.”


Hayan, ha? Galing mismo kay Rainier. Kung iisipin n’yo raw na may relasyon sila ni Jojo, then, that’s it, pansit.


Ilan sa mga nagustuhan daw niya na ugali ni Jojo ay ang pagiging sobrang humble ng Revival King. Mabait, mapagbigay at matulungin din daw sa kapwa si Jojo.


Nagkakilala sina Jojo at Rainier thru Mark Herras na na-link din sa Revival King. Ipinakilala raw ni Mark si Rainier kay Jojo.


No wonder may mga nag-iisip na inagaw ni Rainier si Jojo from Mark.


Depensa ni Rainier, “Wala namang mga ganoong pangyayari. So, nagkataon lang kasi na may mga inila-line-up sa ‘kin na mga projects, kaya lagi kaming nagkakaroon ng meeting.”

With regards to Mark, bihirang-bihira na raw silang magkita. Although, last week ay nagkausap daw sila dahil may kumukuha sa kanila for work out of town.


Itinanggi rin ni Rainier na sinisiraan niya si Mark Herras kaya nawala ang atensiyon ni Jojo sa dating kalabtim ni Jennylyn Mercado.

‘Yun naman pala!



Ramdam pa rin ang sakit at lungkot na nararanasan ni Maritess Gutierrez sa pagyao ng kanyang ina, ang Movie Queen na si Gloria Romero.


Halos hindi matapos basahin ni Maritess ang inihanda niyang speech dahil sa pagpigil niya sa pag-iyak after niyang tanggapin ang Posthumous Award para sa kanyang ina sa ginanap na 38th Star Awards for TV sa Dolphy Theater last Sunday night.


Understandable naman kung naiyak si Maritess dahil ilang linggo pa lamang nu’ng inihatid nila ng kanyang unico hijo na si Chris Gutierrez ang labi ng kanyang butihing ina.


Ewan lang kung babalik sa showbiz si Chris, maging ang kanyang ina na si Maritess.


Kailan lang kasi ay nakitang kasama ni Maritess ang ilang showbiz personalities na tila may nilulutong proyekto.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 24, 2025





Hindi naman pala totally nagdedmahan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa ginanap na fashion show ng isang sikat na clothing brand.


May video at mga larawan na naglabasan sa X (dating Twitter) na nagbatian at may “pa-haplos” pa si Richard sa likod ni Kathryn backstage.


Taliwas ito sa mga kumalat na video kung saan nagdedmahan sina Kathryn at Alden on stage sa pagtatapos ng fashion show.


Kitang-kita sa video na lumapit mismo si Kathryn kay Alden na nasa kabilang side kung saan nandoon ang ex-girlfriend ni Daniel Padilla habang nasa backstage sila.


Caption nu’ng nag-post sa video nina Kathryn at Alden na nagbeso-beso, “Nag-iiwasan pala? Oh, ‘yan, nagyakapan pa, bahala kayo d’yan.”


Dahil sa video na ‘yan, nasupalpal daw ang mga bashers at nagne-nega kina Kathryn at Alden.


“Naku, ano na naman kayang palusot ng mga bashers after nilang mapanood ito? Masakit sa mata nila ‘to.”


“Lahat na lang, ginagawan ng lusot. Tingnan natin ngayon kung ano’ng lusot nila rito. Hahahaha! All smiles pa ‘yung dalawa.”


May nakapansin naman sa body language ng mga bida ng monster hit na Hello, Love, Again (HLA)  nu’ng magbeso-beso sila.


“Parang friends level lang ang pagbati, hindi pang-jowa level. Gusto ko pa naman silang dalawa pero ganu’n talaga.”


“Siyempre, maraming camera, alangan namang magsabunutan sila (laughing emoji).”

“Ganda ng ngiti nilang dalawa + haplos na may karapatan. Soafer (super) cute. I miss them together (laughing emoji).”


“May pa-himas-himas ka pa sa braso, tisoy.”


“‘Yung haplos talaga ni Alden sa braso ni Kath.”


Naku, ha? I-remake kaya ng KathDen ang Haplos movie nina Star for All Seasons Vilma Santos at Christopher de Leon?



SPEAKING of fashion show, another pagrampa ng mga bagong clothing collection ang nadaluhan namin last Wednesday, ang Alexia Nuñez design collection.


Inilunsad ng fashion designer na si Alexia Nuñez ang kanyang kauna-unahang clothing design collection na tinawag niyang ‘The EON Collection.’


Hindi lang basta-basta ang EON clothing collection ni Alexia dahil may ka-attach na advocacy ang kanyang idinisenyong mga damit.


Ang The EON Collection ay sumusuporta sa mga indigenous communities sa Mindanao. Ang materials na ginamit ni Alexia sa kanyang first collection ay mula sa binili nilang second-hand maong clothing sa ukay-ukay at recyclable materials.


Sa naganap na bonggang launching ng mga designs ni Alexia, ipinakilala niya sa kanyang mga guests and members of the entertainment media ang mga katutubo mula sa T’boli tribe from Lake Sebu, South Cotabato.


Si Alexia ay nanggaling sa bansang Brazil at umiikot sa mundo dahil sa multi-sports niya na triathlon. And mind you, champion palagi si Alexia sa lahat na triathlon competition na sinalihan niya, ha?


Until a fellow co-athlete na isang Pinoy ang nagbanggit sa kanya about the Philippines. At gaya ng sabi nila, the rest is history.


And now, bukod sa pagiging fashion designer ay pinasok na rin niya ang pag-aartista. 

Nakatsikahan namin ang manager ni Alexia na si Tyrone Escalante after the fashion show. May nagawa na palang dalawang pelikula si Alexia, pero hindi pa raw puwedeng i-announce. Kaya abangers na muna tayo d’yan.


At this point, binabati namin si Alexia for her newest and successful endeavors, ang pagiging fashion designer at artista.


May her tribe increase!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page