top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 5, 2025





As of this writing, gaganapin pa lang ang ABS-CBN Star Magic Ball at isa sa mga inaabangan ay ang unang pag-attend ni Megastar Sharon Cuneta sa grandiyosong event.


Ngayon lang daw siya a-attend ng Kapamilya event dahil payat at seksi na siya ngayon.


Siyempre, marami ang ginulat at pinahanga ni Mega sa kanyang sexy figure ngayon. At kahit pumayat, hindi pa rin naapektuhan ang magandang mukha ni Sharon.


May suhestiyon naman ang mga netizens na sa pagpayat ni Mega ay sana i-share niya sa kanyang mga anak, especially kina KC Concepcion at Miel Pangilinan, ang naging journey niya sa pagpapapayat.


Mas mukhang “ate” na raw kasi ni Sharon ngayon sina KC at Miel.

Well….


Inalmahan ng ABS-CBN news anchor na si Karen Davila ang naging pahayag ng isang tumatakbong congressman sa Pasig ukol sa panawagan nito sa mga solo parents na babae na nalulungkot. Sinabi kasi ng kandidato na puwede raw sumiping sa kanya ang mga solo parents na babae na nalulungkot at nireregla pa.


Idinaan ni Karen sa pag-post sa X (dating Twitter) ang kanyang pagkadismaya sa kandidato. 


Post ni Karen sa X kahapon, “I rarely tweet but let me say this. This is a VERY SICK MAN. Please sa mga botante ng Pasig, do not vote for candidates like these. Read what he said. This man is gross.”


Tinranslate pa ni Karen in English ang sinabi ng kandidato sa karugtong na post niya sa X.


“Let me translate in English, ‘To all the single mothers who are still menstruating, you can sleep with me.’ Ito ang kalidad ng mga kandidato natin. Please lang po. Mag-isip-isip tayo,” panawagan ni Karen sa publiko.


Pinasalamatan ng mga netizens si Karen sa kanyang post:


“Thanks for pointing this out, Queen Karen!”


“Unfortunately, Ms. Karen, na-normalize na ang ganyang kabastusan sa Philippines since 2016. Just look at all those DDS fanatics.”


“Thanks Karen for speaking against this sick man. There’s no room for him in Congress, not with that attitude. Mayabang na, bastos pa.”


Pagkatapos ay sinundan pa ni Karen ng isa pang post sa X ang pagkadismaya niya sa kandidato.


“Ang single mother inirerespeto. Dapat nga bigyan pa ng tropeyo. 


“Parang awa, mga botante, pumili tayo ng karapat-dapat sa boto ninyo.


“Dinadaan tayo ng maraming kandidato sa kantong biruan, Tiktok na sayawan, tama na!”


“Puwede po ba, bumoto po tayo ng masipag, mapagkumbaba, nagtatrabaho, takot sa Diyos at hindi pagpapayaman ang inaatupag?


“Maawa tayo sa ating mga anak. Sa ating bayan,” madiing mensahe ni Karen.


Dahil sa post ni Karen, hiningan ng mga netizens ang news personality ng suggestion kung sino ang kanilang iboboto.


Sey ng isang netizen, “Sige, Karen. Magbigay ka ng halimbawa ng aming iboboto.”


As of this writing, naglabas na ng apology ang kandidato sa socmed. In fairness to Karen, ipinost din niya ang apology ng kandidato.


Samantala, kinol-out na rin ng Comelec ang naturang kandidato sa video nito patungkol sa hindi magandang biro sa mga solo parents na ayon sa komisyon ay paglabag sa Anti-Discrimination and Fair Campaign Guidelines ng ahensiya.


Hala ka!

Suportado ni Rainier…

MARK, TINULUYAN NA, KINASUHAN NI JOJO


TINULUYAN nang sampahan ng reklamo si Mark Herras ng singer at businessman na si Jojo Mendrez sa Quezon City Hall of Justice kahapon.


Siyempre, ‘di puwedeng i-reveal ang mga resulta ng pagpunta ni Jojo and his team sa QC Regional Trial Court kahapon or else, ‘di ba?


Pero ang nakaagaw-pansin sa video na kumalat sa socmed (social media) sa pagpunta ni Jojo and his team sa QC RTC ay ang presensiya ni Rainier Castillo.


Patunay lang na todo-suporta talaga si Rainier sa tinaguriang Revival King.


Sinikap din pala ni Rainier na pag-ayusin sina Mark at Jojo, pero mukhang malalim na ang gap na namamagitan sa dalawa.


Pero sinabi pa ni Rainier na si Jojo naman ang masusunod sa kung anuman ang kanyang maging desisyon.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 4, 2025





Pagkatapos umamin ni Klarisse de Guzman sa kanyang gender preference sa loob ng Bahay ni Kuya at banggitin ang pangalan ng kanyang partner for 4 years, nag-viral agad ang personality ng dyowa ng singer sa social media.


Base sa binanggit ni Klarisse sa loob ng Bahay ni Kuya, ang name ng partner niya ay Trina.


Sa X (dating Twitter), lumantad si Trina at nag-viral ang kanyang post, and she carries the account name of Christrina B. Rey.


Feeling proud siyempre si Trina sa pag-announce ni Klarisse tungkol sa relasyon nila.

Post ni Trina, “I AM PROUD OF YOU @Klarissedguzman! I’m always here, always! I’ll wait you here sa outside world. Love Wins (love & LGBTQ A+ flag emoji).”


Binati naman si Trina ng mga netizens sa socmed (social media):


“Ang suwerte n’yo sa isa’t isa. We love Ate Klang. All the love in this world, deserve n’yo.”


“Sending our love and support to both of you.”


“Damang-dama ko s’ya, unang pasok pa lang sa bahay ni Kuya, love wins mahal kita, kabaro (smiley & heart emoji).”


Marami rin ang pumuri sa ganda ni Trina sa socmed.


After a few hours, muling nag-post si Trina sa X.


Sabi niya, “Baliko man o tuwid, ‘yan ang mundo at walang mali sa ‘yo.


“Sa mga hindi raw nakatulog nang maayos nu’ng nakaraan, sana po mahimbing ang sleep n’yo last night (laughing emoji).”


“Sana po ay patuloy n’yong yakapin at mas mahalin ang nag-iisang KLARISSE DE GUZMAN! Keep on shining Our Soul Diva (star emoji).”

Awww…



Naiintriga na ang mga netizens sa maaaring pangmalakasang salpukan nina Coco Martin at Jake Cuenca sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) matapos humamig ng apat na milyong views sa loob ng 24 oras ang inilabas na special plug tampok ang kanilang mga karakter.


Isa na namang makapigil-hiningang komprontasyon ang nagbabadya dahil mauuwi sa maaksiyong engkuwentro ang ilegal na transaksiyon kung saan magkasosyo sa negosyo sina Tanggol (Coco) at Cong. Miguelito (Jake). 


Wala namang kamalay-malay si Miguelito na si Tanggol ang nagplano ng lahat para pagkaisahan siya para makuha ang milyun-milyong halaga ng pera.


Sa kabila ng namumuong tensiyon sa pagitan nina Tanggol at Miguelito, mukhang mas magiging kumplikado pa pala ang kanilang relasyon. Nabunyag na kasi ang masalimuot na nakaraan ni Tindeng (Charo Santos), ang lola ni Tanggol, sa kamay ng pamilya ni Miguelito dahil ang lolo pala nito ang nang-abuso kay Tindeng noon kaya ito nabuntis kay Marites (Cherry Pie Picache).


Matapos ang pasabog na rebelasyon na ito, sunud-sunod naman ang mga posts ng mga netizens ng kani-kanilang mga hula kung bakit maaaring magkamag-anak ang ilan sa mga karakter.


Magiging magkasangga kaya o magkalaban sina Tanggol at Miguelito? Magkadugo nga ba sila o may mga lihim pa na mabubunyag tungkol sa kanilang nakaraan?


Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa BQ na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 3, 2025





Naglabas na ng warrant of arrest ang Bacoor City Municipal Trial Court para sa komedyanteng si Archie Alemania.


Any moment ay puwedeng arestuhin si Archie ng mga awtoridad ng Bacoor City.

Ang arrest warrant kay Archie ay may kinalaman sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng Kapuso star na si Rita Daniela sa korte.


Maaaring magpiyansa si Archie ng halagang P36,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.


Ayon sa Bacoor City Municipal Trial Court, “After a careful evaluation of the information, the resolution, investigation data form, the complaint affidavit of the complaining witness, and other pertinent documents, the court finds probable cause to hold the accused for trial. Considering that the accused is at large, let a warrant of arrest be issued against him.”


Ang kasong acts of lasciviousness ay maaaring i-penalize under Article 336 of the Revised Penal Code with imprisonment ranging from six months and 1 day to 6 years depende sa pangyayari.


Matatandaan na naghain ng reklamo si Rita kontra kay Archie dahil sa diumano’y sapilitang paghalik at paghawak ng komedyante sa katawan ng aktres.


Inakusahan din ni Rita si Archie sa ‘di magagandang sinabi ng komedyante nang paulit-ulit sa thanksgiving party ng Widow’s War (WW) last September.


Pero bago lumabas ang warrant of arrest, nakapag-file na si Archie ng kanyang counter-affidavit against Rita’s complaints last December.



ANOTHER Kapuso star ang mukhang mai-involve sa isa na namang court case. Ang tinutukoy namin ay ang dating Starstruck Ultimate Survivor na si Mark Herras.


Usap-usapan na sa socmed ang plano ng singer/businessman na si Jojo Mendrez na ihabla sa korte si Mark.


Sa kanyang Facebook (FB) page nu'ng April 2 ay inihayag ni Jojo ang kanyang paghahain ng kaso laban kay Mark.


Paglalahad ni Jojo, “Bukas, April 3, 2025, sa ganap na 10:00 ng umaga, kami po ay opisyal na maghahabla ng kaso sa Quezon City Hall of Justice - Prosecutor’s Office. Ito po ay gagawin ko hindi para magpasikat, o gumawa lang ng pag-uusapan. Ito po ay para sa aking kapanatagan ng loob at para sa pagsasabi lang ng katotohanan.”

At the same time, may panawagan si Jojo sa publiko tungkol sa latest ganap sa kanila ni Mark.


“I'm calling the public na sana maging responsable po tayo sa ating mga pagkomento sa inyong mga nababasa o napapanood sa social media regarding Me, Mark Herras and Rainier Castillo.  


“Mali ang nasa isip po ng nakararami. Hindi po ako pinalaki ng mga magulang ko para sirain ang kanilang mabuting pagpapalaki sa akin at hindi po ako gagawa ng mga bagay na wawasak sa pangalan ko bilang isang businessman, at sisira din sa pinaghirapan kong konting pangalan sa music industry,” mensahe ni Jojo.

Madasaling tao raw siya at may takot sa Panginoon. Marami na ring natulungan, nadamayan at ginawan ng mabuti si Jojo na hindi niya isinapubliko.


“Pero ‘di ako nag-expect ng kanilang magiging utang na loob sa ‘kin. Hinihiling ko na sana, ‘wag kayong magpadala sa mga balitang naglalabasan na nakakasira at nakakasakit sa ‘kin. Maraming salamat po sa lahat ng nagmamahal, sumusuporta sa ‘kin at nagpapalakas ng loob ko sa aking pinagdadaanan ngayon,” sabi pa niya.


Samantala, nauna nang pumiyok si Mark nu’ng lumabas sa socmed ang balitang kakasuhan siya ni Jojo dahil diumano sa natanggap nitong pananakot at pagbabanta mula sa aktor na susunugin nito ang bahay niya.


Ang mensaheng ito ay ibinahagi ni MJ Marfori sa kanyang Instagram (IG) Story.

Pahayag ni Mark, “Okay lang naman ‘yan & pasabi na lang po na mas marami d’yan na ‘di hamak na mas sikat sa ‘kin, kasi ako naman hindi na talaga, Hahaha! gagawa na lang ng issue ‘yung halatang ka*****n pa.


“Unang-una, ‘di ko ugali manakot ng tao kahit gawan ako ng issue or what, ‘di ko ugali

‘yan. I’d rather give my time & energy sa pamilya o kaya naman sa mga work/raket.

“Sorry, I’m the wrong guy para isama n’yo or gawan n’yo ng issue kasi ‘di ko kayo papatulan, Hahaha! at isa sa mga kasabihan nga, eh ‘Always be the better person,’ so yeah salamat.


“Enjoy whatever you guys are doing marami akong ginagawa personal/work related, this will be the last time na sasagot ako sa issue, LOL (laugh out loud). Thank you!”

So, confirmed ang sinabi ni Jojo sa amin na nakita niya na puno na ang schedule ni Mark Herras nu’ng masilip ng Revival King ang calendar ng aktor.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page