top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 8, 2025





Nagpakita ulit kay Kris Aquino ang ex-boyfriend na si Dr. Mike Padlan during her PICC line treatment. 


Ikinuwento ni Kris sa kanyang latest Instagram (IG) post ang muli nilang pagkikita ng kanyang ex-lover/surgeon.


Paglalahad ni Kris, “Yesterday I had my PICC line changed, contrary to what you may assume, I am NOT a ‘diva’ patient. 


“I asked vascular surgeon Dr. James which hospital he was most comfortable to do my PICC Line change in and he chose Makati Med. 


“My medical team has grown because my diagnosed autoimmune diseases have now grown to 9. 5 of them that can cause my death. That has been hard to process. But slowly I am learning to leave everything to God’s will because He knows best.”


Ang PICC line ay ginagamit to deliver medications and other treatments directly to the large central veins near the heart, ayon sa mga eksperto.


Pagkatapos ng ginawa sa kanyang treatment, ginising daw si Kris ng kanyang anesthesiologist. And to her surprise, nandu’n ang kanyang ex-boyfriend.


“I thought I was still dreaming, unsure about who I saw when Dr. Cricket, my anesthesiologist was waking me up. But he was there. We didn’t get to speak, THANK YOU Dr. Mike Padlan, I was told I was sedated when you entered the OR.


“I am sad that you declined to remain as 1 of my lead physicians but I do understand what you meant when you said to ‘LET ME GO‘ - mahirap talaga ‘pag magkaibang mundo ang pinanggalingan at nakasanayan… In time, I still hope your anger will lessen and we shall both have PEACE IN OUR HEARTS. 


“I’m almost there because I appreciate all I have & everyone who pray for me & make the effort to express their concern and compassion,” kuwento ni Kris.


Sa last part ng kanyang post ay may magandang tsika naman si Kris regarding her physical condition. Thanks to her friends na patuloy daw siyang pina-pamper ng delicious and healthy food.


Pagpapatuloy ni Kris sa caption ng kanyang IG post, “@annebinay sent me delicious turon and chocolate chip cookies. @drkatcee found very good avocados- my nurses make me avocado shakes using carabao milk from my new friend Jing. Jessica Soho is so caring & is a real friend- weekly she sends me mangoes, I eat a minimum of 3 a day. 


“Chef Jessie for me makes the best angus Bistek Tagalog & her pistachio sans rival is superb. AMARE in Royce hotel, Clark has the best carbonara. I am now 88 pounds, that’s a WIN.


Because God helps those who help themselves.”

Makikita sa mga larawan ni Kris ang hitsura niya before, during and after her treatment sa Makati Medical Centre.

May isang close-up picture si Kris kung saan namumula ang kanyang ilong at magkabilang pisngi. Bunga raw ‘yun ng allergic reaction sa inilagay na oxygen mask sa kanya during the treatment, plus ang kanyang Lupus butterfly rash.


Cute at tisoy tulad ni Alden… 

FIRST CRUSH NI KATHRYN, DOCTOR NA NGAYON


MAY bagong pa-reveal si Kathryn Bernardo sa video na viral sa X (dating Twitter) kahapon.  


Kilig na kilig na ikinuwento ni Kathryn ang tungkol sa unang lalaki na naging crush niya habang nakikipagtsikahan kina Eugene Domingo at Melai Cantiveros sa dressing room ng Pilipinas Got Talent (PGT)


Pahayag ni Kathryn, “Ang first ever crush ko, uh, siguro nasa Grade 2 ako noon sa probinsiya namin. ‘Yung first ever (crush ni Kathryn), mestizo s’ya. Eh, ‘pag crush ko, mas lalong hindi ko ‘yun kakausapin. Parang mas lalong hindi mo talaga mararamdaman na kahit na isabit mo ako, hindi ko aaminin na crush kita.”  

Binuyo naman ni Melai si Kathryn na sabihin ang name ng crush niya.  

“Okey,” buwelo ni Kathryn. 


Sagot niya, “Ang name niya ay Kenneth. Kenneth! Hahaha!”  

Agad-agad ay nag-search ang mga netizens kung sino si Kenneth. Sa panahon ngayon, napakadali nang maghanap ng mga personalities. And true enough, natagpuan ng mga netizens kung sino si “Kenneth” na crush ni Kathryn.  

Sey ng mga netizens:


“So, umpisahan ko na bang isa-isahin ‘yung Kenneth dito sa Cabanatuan, Kathryn? Hahahaha! Na-curious tuloy ako bigla! How lucky you are, Kenneth. Hahaha! Naging crush ka lang naman ng isang Kathryn Bernardo.”  


“Nakita na namin, si Kenneth ay mestiso nga rin, maputi, eh, at doctor.”  

“Eto s’ya. Kenneth Hizon. He’s now a doctor. Baka ito. May nag-post sa FB.”  

“Parang siya nga. Kasi taga-Cabanatuan din. Bagay sila ni Kath (heart emoji).”  

Pero bigla ring binasag ng isang netizen ang kilig ng mga fans ni Kathryn, “Sorry to burst your bubble. Puro lalaki/beki pina-follow niya sa IG. He’s cute though.”  


Na-realize naman ng ibang fans na type pala ni Kathryn ang guy na maputi which is totally opposite ng kanyang first and only boyfriend, as of this writing, ha, na si Daniel Ford Padilla.  


Sabi ng netizen, “Mahilig si Kath sa tisoy, ah. Hahahaha!”  


Teka, sina Alden Richards at Dominic Roque na parehong na-link kay Kathryn ay mapuputi, ‘noh? At pati ang nabalitang boyfriend niya na politician from Lucena City ay maputi rin.  

‘Yun na!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 7, 2025





Rambulan sa ABS-CBN Ball 2025 ang pinagpiyestahan ng mga netizens sa social media. Gaya ng mga nakaraang ABS-CBN Ball, may tsika na nagkaroon ulit ng “kaguluhan” among the Kapamilya stars.


Involved daw sa “rambulan” ang “senior stars and Senior High (SH)”. 


Ang tinutukoy ng mga netizens sa X (dating Twitter) ay sina Richard Gutierrez-Daniel Padilla at ang male actors ng seryeng SH na sina JK Labajo at Kyle Echarri.


Ayon sa naka-post sa X, “Ganap sa Star Magic Ball kagabi, muntik magsuntukan sina Kyle Echarri at Daniel. Dahil sa sobrang lasing ni Kyle, medyo bastos na ang hawak at yakap niya kay Kathryn, kaya si Daniel, galit na ipinatanggal ang kamay at pagkakayakap nito kay Kath.


“To the rescue naman si JK Labajo sa kanyang kaibigan na si Kyle while to the rescue din si Richard Gutierrez na kasama ni Daniel sa kanyang teleserye! Ganda ni Kath. Hehehe!”


May kumalat din na video sa social media na magkakasama at magkakasunod na lumabas sa pinto sina JK (katabi si Belle Mariano), Donny Pangilinan, Kathryn Bernardo (na hawak-kamay ni Kyle) at Piolo Pascual.


Sa video ay maririnig na sinabi ni Kathryn ang mga salitang “Tama na!”

Kasunod nito ang malakas na tapik sa balikat ni Kyle mula kay Piolo.


May video rin na humahangos na paalis sa event ang magka-holding hands na sina Kathryn at Kyle, habang nasa kabilang side ni Kathryn si Dolly de Leon na nakasama niya sa pelikulang A Very Good Girl (AVGG).


Dahil dito, pinasalamatan ng mga fans ni Kathryn sina Dolly at Kyle:

“Thank you Kyle, Papa P, Ms. Dolly, JK, and DonBelle, sobrang thank you talaga. Buti nandu’n kayo (crying emoji).”


Sey naman ng mga fans ni Kyle, “Kyle Echarri is the kind of friend who is nice, supportive, protective, and a true gentleman, always looking out for those he cares about (smile emoji) @kyle_echarri.”


“Parang sa isip ni Kyle, ako bahala sa ‘yo, Queen Kath. Walang makakadikit sa ‘yo na halimaw sa paligid-ligid. Thank you, Kyle, sa pagbantay ng aming Queen.”


On the other hand, may nag-post sa X bilang depensa kay Daniel. Masaya raw na nagtatawanan si Daniel kasama ang kanyang ina at pamilya sa isang table.


Sey ng isang fan ni Daniel, “Mataas respeto n’ya sa mama n’ya. He wouldn’t do such drastic things knowing na kasama n’ya ang mama at kapatid niya. Kayo kasi, puro gulo lang hanap. Akala n’yo ata, sa inyo lang naikot ang mundo.”

So, there.



KINABOG ng power couple na sina Coco Martin at Julia Montes ang iba pang Kapamilya celebrities nu’ng dumating sila sa Solaire Resort North para sa ABS-CBN Ball last Friday.


Dumating sina Coco at Julia sa venue gamit ang mamahaling Tesla Cybertruck.

Siyempre, kuda agad ng marami ay pag-aari ng bida, direktor at producer ng FPJ’s Ang Probinsyano (AP) at FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na si Coco ang sikat na kotse na ibinebenta ng bilyonaryong si Elon Musk.


Hawig ng Tesla Cybertruck ang nag-viral din sa social media na sinakyan ng It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda when he had a show sa US.


Sa US lang nabibili at hindi pa available sa Pilipinas ang Tesla Cybertruck. Kaya kung bibilhin mula sa Amerika papunta ng Pilipinas, maaari raw umabot sa P18 million ang halaga ng Tesla Cybertruck.


Knowing Coco, if true na sa kanya ang Tesla Cybertruck, isa lamang ito sa mga super high-end cars ng aktor.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 6, 2025





Nangabog si Andrea Brillantes sa ABS-CBN Ball 2025 sa kanyang suot na pink-white suit.  


Hindi man siya naka-gown like the rest of the female celebs, agaw-eksena naman ang mababang neckline ng kanyang suit.  


Dahil d’yan, agaw-eksena ang cleavage ni Andrea at kalahati na ng kanyang magkabilang boobs ang nakalitaw.  


Ayon sa aming source, when asked by her manager na si Shirley Kuan kung ano ang susuotin ni Andrea sa ABS-CBN Ball, hindi in-elaborate ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) cast member ang kanyang outfit for the event.  


“Secret,” ang simpleng sambit lang ni Andrea sa kanyang manager.  


Si Eldz Mejia ang gumawa ng suit ni Andrea na kahit napakaseksi, elegante pa ring tingnan. Nadala kasi nang maganda ni Andrea at nai-project nang maayos ang kanyang suit.


Si Eldz ay ang 2024 Mega’s Best Stylist awardee.  


Sumakto rin ang suot na Bvlgari serpenti viper necklace ni Andrea sa kanyang pa-open neckline, kaya talagang mapapalingon ang lahat sa aktres that night.  


During the event, it was announced na pag-aari ni Heart Evangelista ang suot ni Andrea na Bvlgari serpenti viper necklace worth P10 million. Ipinahiram daw ni Heart ang kanyang kuwintas kay Andrea.  


Hmmm… ito rin kaya ‘yung Bvlgari serpenti viper necklace ni Heart na ipinasuot niya sa kanyang aso na si Panda Ongpauco-Escudero na tinawag ng fashion superstar na kanyang “heiress”?


Lucena Mayor, ‘di BF…

“I'M STILL SINGLE” — KATHRYN


NAGSALITA na si Kathryn Bernardo sa totoong status ng kanyang love life sa ginanap na ABS-CBN Ball 2025 last Friday.


Pagrampa ni Kathryn sa red carpet ng event, nainterbyu siya ng TV Patrol showbiz correspondent na si Gretchen Fullido. Tinanong ni Gretchen si Kathryn if she’s single or taken.


All-smiles na sinagot ni Kathryn ang tanong ni Gretchen, “I’m very happy. And yes, I’m still single.”


Malinaw na wala pa ring boyfriend si Kathryn ngayon, unlike her ex-boyfriend na si Daniel Padilla, na ang guwapu-guwapo that night, at balitang may bago nang girlfriend.


Anyway, kahit sinabi na ni Kathryn na she’s still single, may mga kuda pa rin ang mga netizens sa statement niya.


Sey ng mga netizens:


“Pero hindi itinanong kung dating s’ya, ‘di ba? Puwede namang single pero nagde-date sa mayor na ‘yun. Kita mo naman kulang sa conviction ang pag-debunk ng ibinibintang sa kanya.”


“Single but ready to mingle, charot! (laughing emoji) Stay happy @bernardokath (smiley emoji) your fangirl bestie.”


“She may mean technically single as in not married but dating.”


Mukhang nakikipag-date na si Kathryn. Iba ‘yung saya niya sa ABS-CBN Ball 2025 at lalo pang gumanda.


Pansin ng iba, tila may nabago sa mukha ni Kathryn. Mas tumaas ang bridge ng kanyang nose, ang tambok ng cheekbone at lumalim ang jawline.


Okey lang ‘yan kung nakatulong sa pagganda ni Kathryn. Ang nakakaloka, ‘yung tsumaka (pumangit) ang mukha ni Kathryn dahil may ginawang something sa face niya. 


Puring-puri naman si Kathryn ng kanyang mga fans sa pag-attend niya sa ABS-CBN Ball. Kinlaro na niya ang isyung boyfriend niya ang isang mayor sa south, nakipagbeso-beso and papiktyur pa siya kay Nadine Lustre na sinasabing kakumpitensiya niya sa showbiz.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page