top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 11, 2025




Humiling ng panalangin si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram (IG) kahapon. Ilang araw na kasing naibabalita ang iniindang karamdaman ni Sharon.


Until yesterday ay hindi pa raw bumubuti ang kanyang kalagayan. Madalas ay nakahiga pa rin daw siya and feeling sick.


Heto ang nakalagay sa art card na ipinost ni Sharon sa IG kahapon, “I am still always lying down on my bed as I am still always nauseated. I still dunno what hit me but if I stand or sit too long, headaches and hilo hit me hard, and am just scared that I might have to throw up again (sorry that’s graphic). Please pray for me. Thank you (heart & praying emoji).”


Kung anu-ano namang sakit ang ikinakabit sa nararamdaman ni Mega na naka-post sa comment section.


“Have you done a self-pregnancy test?”


“Nabati ka po siguro.”


“(Praying emoji) for recovery, maybe vertigo?”


“That’s what I thought, top shelf vertigo. Could be ear infection, you might need to see ENT instead of medical doctors, just my opinion.”



Na-miss ng mga fans ang beauty ni Jodi Sta. Maria sa ginanap na ABS-CBN Ball 2025 last week. May nag-akala na inisnab ni Jodi ang Kapamilya event considering na isa pa naman siya sa mga prime artists ng ABS-CBN.


Few days bago ang ABS-CBN Ball ay nakausap namin si Jodi sa launching niya as Philippine Animal Welfare Society’s (PAWS) newest celebrity ambassador. And we were able to ask her kung dadalo siya sa nabanggit na Kapamilya event.


Paliwanag ni Jodi, “As much as I want to attend the ABS-CBN Ball, I won’t be here during that time because I’m leaving for work in the first week of April.


“I’m actually leaving for a shoot. I’ll be leaving for a month to shoot a project and then I’ll be back at the end of April for the premiere of Untold the movie. I’ll also be away for Holy Week for work actually. So that’s the plan.”


Kahit daw wala siya sa Pilipinas during Holy Week, may sariling pamamaraan naman si Jodi on how to reflect during Holy Week.


“Naniniwala ako na in terms of reflection or retrospection and finding peace, hindi natin kailangang maghintay ng Holy Week for that.


“We can actually do that every day. We can actually find peace and stillness every day, just by meditating, by praying, remembering all the things that we’ve been blessed with, the things that we are grateful for.


“So, I think that we can find peace and stillness and all those things. Especially letting go of things that are beyond our control,” paglalahad ni Jodi nu’ng makausap namin sa Puso Para sa Puspin PAWS campaign launch.


Malaki ang paniniwala ni Jodi na biyaya ng Diyos ang lahat ng mga magagandang pangyayari sa buhay niya ngayon.


Ayon pa kay Jodi, “In general, I am at peace. In general, my life is happy. I am content.”

Samantala, ibinahagi ni Jodi ang status ng kanyang planong kumuha ng master’s degree in clinical psychology.


“Actually, this morning, I was just in touch with the administrator from school and ipina-follow-up na n’ya ‘yung application. Sabi ko, ‘I’m sorry I’ve been busy lang.’ Pero ipapasa ko na ‘yung application ko so I can start na with my masters.”

Kaya naman pala…

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 10, 2025





Few hours pagkatapos mag-post at burahin ni Dennis Padilla ang kanyang “budol” post tungkol sa appearance niya sa wedding ng anak na si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo, naglabas din ng kanyang hinaing ang younger brother ng komedyante na si Gene Padilla.


Umapir din sa wedding nina Claudia at Basti si Gene pati na ang ina nila ni Dennis.

Ipinost ni Gene ang dalawang larawan niya kasama si Dennis at kanilang ina sa loob ng simbahan kung saan ikinasal sina Claudia at Basti.


At sa caption ay ikinuwento ni Gene ang masaklap na naging karanasan ng kanyang kapatid sa kasal mismo ng anak nitong si Claudia.


Pahayag ni Gene, “Ngayon lang po ako magsasalita. By 1 PM nasa church na po ako galing Bulacan going to Alabang. Si mama po namin 5 AM gumising na excited, same kay kuya Dennis Padilla para sa kasal ng anak niya. 


“Ngayon lang ako naka-witness ng kasal na hindi part ng program ang ama ng bride, sa aga namin du’n na nandu’n mga event organizer, wala man lang nagsabi na hindi siya part ng program. Hindi kasama sa entourage na maglalakad sa gitna papuntang harapan ng altar, nagtatanong kami kung saan uupo ang nanay namin ang sabi kahit saan du’n at ‘yung ama du’n na lang daw sa tumabi sa mga Ninong. 


“Kaya kami ni Kuya Dennis, pumunta na lamang sa likuran, napaluha at napaiyak si Kuya sa mga nangyari. Kaya sabi ko umuwi na tayo after ng simbahan at pa-picture na lang sa ikinasal, naawa rin ako sa Nanay ko kasi naiyak na rin, naramdaman ko ‘yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama din ako. 


“Ang tagal na panahon na nanunuyo at nahingi ng atensyon ama niyo sa inyo mga anak, ‘yan ba itinanim ng mga nakapaligid sa inyo? Puro kayo karangyaan at kasikatan, sa inyo na lahat ‘yan. Sanay kami sa hirap at ‘di talaga kami nababagay sa inyo pero pinagkaiba namin sa inyo ay ‘yung puso namin at dignidad na ‘di n’yo kayang pantayan.


“Kahit magtanong kayo sa ibang magulang, tama ba o mali ang ginawa n’yo sa tatay n'yo? 

“‘Di pala father of the BRIDE! Guest of the BRIDE!!!”


Hindi natapos sa kanyang caption ang paglabas ng hinaing ni Gene para sa kapatid. Ipinagpatuloy pa ni Gene ang kanyang mga reklamo sa kanyang pamangkin at pamilya nito sa comment section.


Dugtong pa ni Gene, “‘Di nagpapansin kapatid ko sa inyo, longing sa inyo sa atensyon at pagmamahal... sobra na kayo!”


Sobrang nasaktan daw si Gene para kay Dennis sa ginawa ni Claudia sa kanyang ama.

Sey niya, “Sobrang sakit lang!”


May mensahe rin si Gene sa mga nagpo-post ng comment against Dennis.

“‘Yung iba mga nagkokomento kay Dennis Padilla. Alamin n’yo ang simula't simula ng kuwento at pangyayari mula 2007, baka masuklam kayo…,” komento pa ni Gene.

Hindi na nga tumuloy sa reception ng kasal ni Claudia ang kanyang ama, uncle at lola. Instead, tumuloy na lang sa isang restaurant ang mag-iina para kumain.



IPAGPAPATULOY ng Philippine rock titans na Urbandub and Typecast bands ang selebrasyon ng kanilang ika-25 anibersaryo sa Baguio Convention Center sa Sabado, April 12.


Prior to their concert sa Baguio, nagsimula ang Urbandub x Typecast 25th Anniversary Tour 2025 sa New Frontier sa Cubao, Quezon City last April 6.


Ang tour ay lilibot sa Pilipinas at sa labas ng bansa. Magpe-perform din ang dalawang banda sa iba’t ibang festivals sa Pilipinas pati na sa Timog-Silangang Asya and US.


Ang Urbandub Band ay nagsimula sa Cebu at binubuo ng singer/guitarist na si Gabby Alipe, guitarist John Dinopol, bassist Lalay Lim, guitarist Russell Manaloto, and drummer Sam Saldusong.


Ilan sa mga awitin ng Urbandub ay binuo mula sa una nilang releases Birth (2001), Influence (2003), Embrace (2005), and Under Southern Lights (2007).


Taga-Laguna naman ang bandang Typecast. Nabuo ang grupo mula sa kaibuturan ng noo'y baguhang underground punk/hardcore scene ng kanilang bayan. Ang Typecast ay binubuo ng mang-aawit/manunulat ng kanta/gitarista na si Steve Badiola, bassist na si Chi Resurreccion, gitarista na si Pakoy Fletchero at drummer na si Sep Rono.


Anyway, the Baguio leg of the tour will feature special guests Greyhoundz and hometown heroes Amateurish and an afterparty event at Hardin Resto Cafe at The Camp right after the show.


Si Paolo Valenciano ang nagdirek ng show sa New Frontier.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 9, 2025





Ibinahagi ni KC Concepcion kahapon (April 8) sa kanyang latest Instagram (IG) post ang larawan nila ng kanyang inang si Megastar Sharon Cuneta na magkasama sa isang resort sa Zambales kamakailan.


Ang kaarawan ni KC ay noong April 7, Monday. Walang ipinost na birthday greetings si Mega for KC nu’ng April 7 pero hindi dahil nakalimutan niya or may gap pa rin sila ng kanyang panganay kundi magkasama nga ang mag-ina sa isang resort kung saan nag-celebrate ng kanyang birthday si KC.


Naunahan na ni KC ang mga bashers sa pang-iintriga sa kanila ng kanyang ina.

Ang tanong ng mga Marites ay kung kasama rin ng mag-ina sa resort ang nababalitang boyfriend ulit ni KC na si former national team football player Aly Borromeo.

Posibleng ipinakilala “ulit” ni KC kay Sharon si Aly as her new boyfriend again.

Sa IG Story ni KC kahapon ay kasama sa ipinost ng anak ni Mega ang birthday greetings sa kanya ni Aly.


Samantala, mukhang hindi lang si Aly ang madalas na kasa-kasama ni KC ngayon. Pati ang family ni Aly ay madalas maka-bond ni KC especially si Annie Borromeo na kapatid ng football player. Magkasunod kasi ang birthday nina Annie at KC.


Kapag sinilip ang IG account ni Annie ay mapapansin agad ang view ng dagat na kapareho ng post ni KC, pati na ang picture na magkasama sina KC at Annie sa resort during their coffee date.


Nasa IG Story ni Annie ang coffee date nila ni KC kung saan tinawag niya ang mega daughter as her “Ate.”



NAKAKA-PROUD ang imbitasyon at pag-deliver ng speech ni Bianca Gonzales sa World Health Organization (WHO) Western Pacific recently.


Ang Western Pacific Region ay isa sa anim na regions ng WHO kung saan ang headquarters ay matatagpuan sa Manila.


Ang paghahatid ng mensahe ni Bianca sa WHO tungkol sa kritikal na kahalagahan ng pangangalaga sa ina at bagong panganak ay may kaugnayan sa World Health Day celebration this year.


Caption ni Bianca sa kanyang IG post: “Extremely honored to be invited to speak at this year’s #WorldHealth Day celebration at @whowpro. The theme ‘Healthy Beginnings, Hopeful Futures’ resonates with me so much as a mother, and it was inspiring to hear representatives from the government, diplomatic corps, partners and WHO colleagues from around the region come together to push forward efforts to end preventable maternal and newborn deaths, and prioritize support for the well-being of mothers.


“I shared my own journey-through a challenging pregnancy and an emotional start to my daughter's life-and I carry with me the stories of many other mothers who face even harder realities.


“Too many women in the Philippines and around the region do not have access to quality healthcare while they are pregnant and when they give birth, and that needs to change.

“We all have a stake in this-whether you're a parent, a son or daughter, a friend or an advocate, we all play an important role in making mothers everywhere feel safe, supported and cared for during pregnancy, childbirth and beyond.”


Binati at pinalakpakan si Bianca sa comment section ng ilang celebrities gaya ni Karen Davila na last year ay nandoon din sa WHO.


Ang iba pang celebs na nag-congratulate kay Bianca ay sina Dingdong Dantes, Enchong Dee, Stephanie Zubiri, Pinky Webb at Amy Perez-Castillo.


Si Bianca ay under ng The Boy Abunda Talent Management House ni King of Talk Boy Abunda.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page