top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 14, 2025



Photo: Echo at Janine - Instagram


Dahil ‘di matatawaran ang iniwang legasiya ni Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales sa entertainment industry, almost everybody, if not all, ay may kani-kanyang post bilang tribute sa yumaong icon.


And that includes actor Jericho Rosales na nababalitang boyfriend ng apo ni Pilita na si Janine Gutierrez.


Nu’ng last birthday celebration for Pilita ay nandoon si Jericho. And for sure, that was not the only time na nagkita sina Pilita at Jericho dahil mukhang palagay na sila sa isa’t isa sa mga kumalat na video and photos nu’ng party sa socmed (social media).


Nag-post si Echo ng same picture ni Pilita sa post ni Lotlot de Leon at video ng ina ng aktor na kinakanta ang isa sa mga pinasikat na kanta ng Mamita ni Janine.

Sa video ay masisilip na may babaeng nakasuot ng white t-shirt at short hair habang kumakanta ang ina ni Echo.


Obviously, si Janine ang babaeng nakasuot ng white t-shirt at short na buhok. Meaning, naipakilala na ni Echo si Janine sa kanyang ina.


Sa comment section ng latest IG post ni Echo ay makikita ang message ni Janine sa rumored boyfriend niya.


Comment-post ni Janine, “Thank you, Ba (white heart emoji).”

Kino-confirm na kaya ni Janine ang tunay na relasyon nila ni Echo at “Ba” ang kanilang term of endearment?

‘Kakakilig!


Well, si Jericho Rosales na nga sana ang matagal nang wini-wish na boyfriend ni Janine Gutierrez.



Madamdamin ang mensaheng ipinost ni Lotlot de Leon sa pagpanaw ng dati niyang mother-in-law, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales sa Instagram (IG) ng aktres last Saturday.


Of course, knows ninyo na si Ramon “Monching” Christopher ay anak ni Pilita at dating mister ni Lotlot.


Ipinost ni Lotlot ang black and white photo ni Pilita sa kanyang IG.


Caption ni Lotlot, “She loved her family like there’s no tomorrow. She would move heaven and earth just for them, for Ate Jacqui, for VJ, for Mon and most definitely for her grandchildren.


“She’s the kind of grandmother anyone would wish for.


“And I know that if she can just give and gift her family with so much more, she would. Everything that belonged to her in a heartbeat she would pass on to those who are precious to her.


“Her family was her number one.


“My children are very blessed to have and receive that kind of love. For that I am truly, truly grateful.


“Rest in paradise, Mamita.. A million thanks to you (white heart emoji).”


May mga tsika dati na nagkaroon ng iringan between Lotlot and Pilita pagkatapos ng hiwalayan ng aktres kay Monching.


Napawalang-bisa ang kasal nina Lotlot at Monching, hanggang sa naikasal muli si Lotlot sa kanyang mister ngayon na si Fadi El Soury.


Wala nang balita kung nagkaayos na sina Pilita at Lotlot. Although, very close ang mga anak nina Lotlot at Monching sa kanilang “Mamita” o grandmother.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 13, 2025



Photo: Kathryn Bernardo at Dr. Kenneth Hizon - Instagram

 

Nahanap na ang lalaking unang naging crush ni Kathryn Bernardo. 

Hindi talaga tinantanan si Dr. Kenneth Hizon ng entertainment media hangga’t hindi nakikita at siyempre, naiinterbyu.


Ayun na nga, nagpainterbyu rin naman si Dok Kenneth sa media. At sa X (dating Twitter) namin napanood ang interbyu rito.


Maputi at mukhang malusog si Dok Kenneth sa interbyu. Mukhang hindi rin siya katangkaran.


Ayon kay Kenneth, nalaman lang niya na pinag-uusapan na siya sa social media through his friends. Nasa duty daw kasi siya that time.


“Then my friends started tagging me du’n nga sa video ni Kathryn in PGT na naging viral.

Kaya ‘yun, doon ko nalaman,” pahayag ni Dok Kenneth.


Natuwa raw siya nu’ng nag-viral siya sa socmed at the same time, overwhelmed. Kasi, as a private person daw ay nakakabigla nga naman na pinag-uusapan na siya ng buong Pilipinas. Although, okay lang naman daw sa kanya.


Kuwento pa ni Kenneth, since nursery ay magkaklase na sila ni Kathryn sa Christian Faith Montessori. Then, lumipat daw si Kathryn sa Flowerlane Montessori Children’s House sa Cabanatuan. Nagkataong lumipat din doon si Kenneth at naging classmates sila ni Kathryn hanggang Grade 2.


“Nu’ng una, I was unsure. Kasi siyempre Kenneth, eh, hindi lang naman siguro ako ‘yung Kenneth sa buong Flowerlane. Pero nu’ng ni-recall ko, ‘Uh, baka nga ako,’” pagdududa raw ni Kenneth.

Dugtong pa niya, “Pero siyempre, hindi ko naman sinasabing ako. Malaki lang ‘yung chance na baka ako.”

Naalaala raw niya si Kathryn nu’ng kaklase pa niya bilang masayahing bata.

“At ‘pag nakita mo s’ya, s’ya talaga ‘yung parang bright kid, ganu’n. Tapos, siyempre, maganda kahit bata pa lang,” sey ni Dok Kenneth.


Inamin din ni Kenneth na si Kathryn din ang una niyang naging crush.

“Uh, maganda. Una, maganda. And pangalawa, sobrang bright n’ya talaga. As in, kapag

nakita mo s’ya, matutuwa ka talaga,” nakangiting sabi ni Dok Kenneth.

For sure, kikiligin na naman ang mga netizens sa naging pahayag ni Dok Kenneth tungkol kay Kathryn.



BURADO na ang post ni Dennis Padilla sa kanyang Instagram (IG) account tungkol sa pagmamarakulyo niya sa wedding ng anak na si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo.

Duda ng mga netizens, binura ni Dennis ang post niya regarding nabudol siya sa wedding ng kanyang anak pagkatapos ng interbyu kay Marjorie Barretto ni Ogie Diaz.


Pero baka naman nauna nang i-delete ni Dennis ang post niya tungkol sa budul-budol na ‘yan pagkatapos niyang magdeklara na parang tinatapos na niya ang relasyon niya sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon.


Anyway, it was revealed by Marjorie na si Claudia pala ang nagdesisyon na huwag na siyang ihatid sa altar ng kanyang ama at mag-isa na lang siyang maglalakad sa aisle. 

But it turned out, hinila ni Claudia si Marjorie para samahan siyang lumakad sa aisle nu’ng malapit na siya sa altar.


Baka naman ito ang ikinagulat ni Dennis, bakit nandoon si Marjorie gayung sinabi na sa kanya na walang maghahatid kay Claudia sa altar na parent niya, same with the groom’s parents. Kaya siguro nakapag-react si Dennis Padilla na nabudol siya.


Ano kaya kung itinuloy na lang ni Claudia Barretto ang sinabi niya na solo lang siyang maglalakad sa aisle, baka walang naging reaksiyon ang kanyang ama? 

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 12, 2025




Nasagot na ang tanong namin kung bakit mukhang hindi maganda ang galawan ng groom ni Claudia Barretto na si Basti Lorenzo sa kanilang wedding last April 8. 


Pansin talaga namin ang matamlay at pag-iwas-iwas ni Basti kay Claudia mula sa ceremony hanggang sa reception, batay sa mga videos na kumalat sa socmed (social media).


Sa piktyuran pa lang ay halos ayaw nang dumikit ni Basti kay Claudia. Ni hindi lumapat ang kamay ni Basti sa katawan ng bride. Ni hindi rin niya kinuha ang mga kamay ng kanyang bagong misis.


Si Claudia pa mismo ang humihila kay Basti para hawakan ang kanyang kamay. Wala ring kuhang tumawa si Basti, ni ngumiti.


Kaya naman pala, dahil ayon sa kuwento ni Dennis Padilla sa kanyang phone interview kay Ogie Diaz, muntik nang hindi matuloy ang kasal nina Claudia at Basti.


Ayon kay Dennis, “Si Claui (Claudia), sabi niya, ‘Good morning, Pa.’ Sabi ko, ‘Why?’ Sabi niya, ‘I want to tell you something... Pa, hindi na po tuloy ang kasal.’


“‘Sabi ko, ‘Why? What happened?’ Tapos, umiyak. She tried to control it kaya lang noong nagsalita na ako, na medyo nabasag na ‘yung boses ko, umiyak (siya).


"Sabi ko, ‘Why are you crying? What happened ba?’”


Hindi na raw hinintay ni Dennis na sagutin ni Claudia ang tanong niya.


“If you’re not happy with it, don’t do it. If you're not sure with it, don’t do it,” payo ni Dennis kay Claudia.


Pero sa huli, napagsalita rin ni Dennis si Claudia kung bakit nito sinabi na hindi na tuloy ang kasal.


Kuwento ni Dennis, “Napilitan s’yang magsalita [sabi niya], ‘Pa, kasi for the past one week, hindi ko nakikita ‘yung interes ni Basti na magpakasal kami. Parang hindi s’ya sure.’”


Pero after an hour, tumawag ulit si Claudia kay Dennis at sinabing tuloy na ang kasal.

Hindi na raw nagtanong pa si Dennis kung ano’ng nangyari at natuloy na ulit ang kasal.


Ang importante nga naman ay natuloy na ang kasal.


Para sa amin, ang wedding ay ilang oras lang ‘yan, pero ang marriage ay panghabambuhay na pagsasama nina Claudia at Basti.


Huwag naman sanang mauwi rin sa hiwalayan ang kasal nina Basti Lorenzo at Claudia Barretto.


Resbak sa pag-iingay ni Dennis sa kasal ng anak nila… MARJORIE: MALALAGPASAN KO ‘TO TULAD NG DATI


PAGKATAPOS ng pasabog na hinanakit ni Dennis Padilla sa “pagkakaetsapuwera” niya sa wedding nina Claudia Barretto at Basti Lorenzo, magkakasunod ang separate posts ng mga kapatid ng bagong kasal at ng kanilang ina na si Marjorie Barretto.


Yes, Jans, may cryptic post na rin si Marjorie sa kanyang Instagram Story kahapon.

Ini-repost niya ang isang art card kung saan nakalagay ang quote na, “I will survive this, just like I always have before.


“With trembling hands, tired eyes, and a heart that's known both ache and hope. Because God has never failed me, not once. And even when I thought I wouldn't make it, somehow I did.


“Not by my own strength, but by grace that held me quietly. By peace that passed understanding. By a God who's never left.


“Because I've made it before- and I will again.”

Ganern! 


Hmmm… makakarinig pa kaya uli tayo ng sagot mula kay Dennis Padilla after this?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page