top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | December 28, 2025



WINNER - AI AI, NAG-50-50 NU_NG BISPERAS NG PASKO_IG _msaiaidelasalas

Photo: IG _msaiaidelasalas



Inatake ng matinding ubo at asthma si Ai Ai delas Alas noong bisperas ng Pasko, na maaaring mag-cause ng kanyang untimely death. Ibinulgar ito ng comedianne sa Instagram (IG) kahapon.


Ipinost ni Ai Ai ang picture niya na naka-pang-gym na pink outfit, na kuha pagkatapos siyang atakihin ng matinding asthma. Mabuti na lang daw at healthy ang kanyang lifestyle.


Kuwento ni Ai Ai, “Parang ‘di ako nasalanta ng malalang ubo at asthma. Nagpapasalamat ako na naging ganito ang lifestyle ko at nag-gi-gym ako, kung hindi, the late Martina Eileen na ‘ko, Paskong-Pasko pa naman. 


“Grabe, magdamag at maghapon, non-stop ang ubo ko noong December 24, hindi na ako makahinga. Sabi ko, ‘Lord, ‘wag mo muna ako kunin ngayon, Paskong-Pasko. At naka-recover naman ako. Salamat din sa reseta ni Dr. Ayuyao, ang aking pulmonary doctor.”

First time raw naranasan ni Ai Ai ang ganoong klaseng ubo.


Promise ni Ai Ai, “‘Di na mauulit ‘yun. Super magpapalakas pa ako ng katawan. To God all the glory and honor.”


Sa Pilipinas nag-Pasko si Ai Ai delas Alas kasama ang kanyang anak na si Andrei. Nasa Canada naman ang panganay niyang si Sancho at wife nito. Ang only daughter niyang si Sophia, at isa pang anak na si Nicolo ay sa Los Angeles, USA.





Tilas may patama ang hugot ng It’s Showtime (IS) host na si Kim Chiu sa kanyang post about her family sa Instagram (IG) kahapon.


Obvious na masakit pa rin ang loob ni Kim sa ginawa sa kanya ng panganay niyang kapatid na si Lakambini Chiu ngayong Kapaskuhan.


Ipinost ni Kim ang pinagsama-samang pictures niya with her family at mga taong sumusuporta sa kanya.


Caption ni Kim, “They say Christmas is about family. This year, mine looked a little different.


“All my life, I’ve been blessed to find family in people who chose to love me, hold me, and stand by me—especially this year. Blood is different, yes, but bond is everything.

“These photos are just a part of the many souls who lifted me up. Not everyone fits in the frame, but every single one of you lives in my heart.


“As Christmas is still being celebrated somewhere in the world, I just want to say thank you for the gift of presence. For the laughter, the patience, the understanding, and the love.


“Wishing everyone peace and love as we welcome 2026. Merry Christmas.”

Nagparamdam naman ng suporta at pagmamahal sa Chinita Princess ang kanyang mga celebrity friends na bumati sa kanya sa comment section.


Kabilang dito ang mga kasama niya sa grupong AngBeKi na sina Angelica Panganiban at Bela Padilla, Bianca Gonzales, It’s Showtime co-host niyang si Amy Perez, at ABS-CBN executive Cory Vidanes.


Say ni Amy, “Love you, Kim. Merry Christmas. Tiyang Amy will always be here.”

In fairness, marami talaga ang nagmamahal kay Kim Chiu na kasamahan niya sa showbiz.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | December 27, 2025



WINNER - MAINE, NAG-POST NA SA SOCMED NG PIKTYUR NILA NI ARJO NU’NG PASKO_IG @mainedcm

Photo: IG @mainedcm



Nagparamdam ulit sa social media si Maine Mendoza matapos mag-post ng picture niya kasama ang kanyang controversial husband na si Quezon City District 1 Cong. Arjo Atayde.


Nagpahatid ng pagbati ang TV host-aktres sa kanyang mga followers sa socmed (social media) para sa pagse-celebrate ng Pasko.


Caption ni Maine: “Christmas as we are. Merry Christmas, everyone!”


Ilang buwan na ang nakalipas mula nang huling mag-post si Maine sa socmed ng picture niya kasama si Cong. Arjo.


Matapos kasing maugnay ang pangalan ng mister sa isyu ng korupsiyon at maglabas ng controversial statements si Maine, bigla na lang siyang nanahimik sa socmed.


Anyway, pinusuan ng sister-in-law ni Maine na si Gela Atayde ang IG post ng misis ni Cong. Arjo, gayundin ang aktor na si Enchong Dee.




Mag-utol, war daw… 

IAN AT PAMILYA, OUT SA PA-CHRISTMAS PARTY NI LOTLOT



WALEY na naman si Ian de Leon sa ipinatawag na Christmas party ng ate niyang si Lotlot de Leon para sa kanyang family and friends last Monday.


Present ang buong family ni Lotlot. Meaning, nandoon ang mga anak niya sa pangunguna ni Janine Gutierrez, at mister na si Fadi El Soury. 


Present din sa party ang ex-husband ni Lotlot na si Ramon Christopher.

May mga pictures din si Lotlot kasama ang mga kapatid na sina Matet at Kenneth, kasama ang kani-kanilang asawa at mga anak.


Hinahanap ng mga netizens si Ian at ang kanyang pamilya. Na-confirm tuloy nila na may malaking gap ang magkapatid na Lotlot at Ian. Dito umano naiipit ang iba nilang mga kapatid sa warla ng kanilang elder siblings.


Malabo na rin daw magkabati sila ngayong Pasko at Bagong Taon.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | December 12, 2025



Kaila Estrada at Daniel Padilla - FB Circulated

Photo: Kaila Estrada at Daniel Padilla - FB Circulated



Spotted si Kaila Estrada sa loob ng kotse ng rumored boyfriend niyang si Daniel Padilla sa video na kuha ng mga netizens.


Mapapanood ang video na naka-post sa X (dating Twitter) na ini-upload ng isang fan na nakaabang kay Daniel pagkatapos ng ABS-CBN Christmas special.


Papunta ang aktor sa kanyang sasakyan habang pinagkakaguluhan ng mga fans. Pagbukas ni Daniel ng pinto ay may nakaupo na sa loob ng kotse na may hawak na cellphone.


Pati kulay ng suot na pantalon na khaki cream nu’ng nasa loob ng kotse ay nakita rin ng mga fans. ‘Yun daw ang kulay ng pantalon ni Kaila sa Christmas special.

Caption ng isang netizen, “Kaila waiting for DJ inside his car while the latter’s still accommodating his fans. Mom and dad went home together last night. My heart.”


Sinegundahan pa ng netizen ang kanyang caption at dinepensahan si Daniel.

Sabi ng isa, “And yes, we have actual proof at hindi lang basta delulu (delusional).


Kung may inabangan man si DJ, it’s definitely his girlfriend na pinauna n’ya sa sasakyan so that she can comfortably wait for him. End of story.”

Tama.





MAS nagkalaman na ang mukha ni Kris Aquino sa latest picture niya na lumabas sa Instagram (IG). Ang dating business staff niya ang nag-post ng selfie nila habang nakahiga sa kama si Kris at balot ng comforter.


Tanging mukha lang ni Kris ang nakalitaw sa picture, pero kita na lalo pang nagkalaman ang kanyang mga pisngi. 


Although sinasabi ng ilan na pamamanas daw ang paglaki ng mukha ni Kris, kasi na-diagnose rin siya ng sakit na lupus, bukod pa sa marami niyang autoimmune disease.

Fighting pa rin daw si Kris sa kanyang karamdaman kahit na bumubuti ang kanyang katawan sa panlabas. 


Sa dami ng nagdarasal para kay Kris Aquino, hindi nakapagtataka kung maging mabilis ang recovery niya.



‘DI nga ba sinipot nina Megastar Sharon Cuneta and Asia’s Songbird Regine Velasquez ang Christmas special ng ABS-CBN?


Hinanap kasi ng mga netizens si Regine sa mga lumabas na mga pictures sa socmed (social media) sa naganap na Kapamilya Christmas special, pero hindi nila nakita si Songbird.


Kaya ini-repost niya ang isang group picture ng Kapamilya stars sa labas ng studio at nasa background ang pamosong tower ng ABS-CBN.


Post ng netizen, “Oh my! Saan si Ate Reg? @reginevalcasid Parang wala rin s’ya sa taping ng Christmas special kanina.”


May nag-reply na ibang netizen at sinabi kung nasaan si Regine.


Sey nito, “She was in a big corporate event. Kumita lang naman s’ya nang milyun-milyon sa isang gabi, kesa d’yan na libre. Hahaha!”


Bukod kay Regine, may naghanap din kay Sharon Cuneta at sa singer na si Jona sa group picture.


Sey ng mga fans, “Oo nga, wala rin yata ang ate n’yang si Megastar @sharon_cuneta12.”

“Wala rin ata si Ate Jona.”

Ganoon?







MULING nanggulat si Direk Nijel de Mesa sa bago niyang proyekto, ang limited edition ng Direku commemorative figurine. 


Kabilang kami sa mga sinorpresa ni Direk Nijel sa paglulunsad ng Direku na based sa viral hand-drawn online comic strip noong 2011.


Si Direku ang kauna-unahang IP character collectible ng NDMstudios na parang Pop Mart figurine. Mismong si Direk Nijel ang nag-design kay Direku dahil kilala rin siya bilang animator and illustrator.


Ayon kay Direk Nijel, “Isa s’yang director sa pelikula na obsessed humanap ng kanyang Ikigai o katuturan sa buhay.


“Super hyper, laging busy at todo-bigay sa pagtulong… pero ‘yun, madalas nauuwi na ‘di s’ya nauunawaan ng kanyang mga tinulungan.”


Limited talaga ang paandar dahil 500 pieces lang ang ginawang Direku figurine—kaya collector’s gold ito. 


S’yanga pala, si Direk Nijel ang President-CEO ng NDMplus.

Dahil special si Direku and another milestone ito for NDMstudios, dagsa ang mga artistang dumating sa paglulunsad ng limited edition commemorative figurine na ginanap sa Le Verre Café & Bar sa Sct. Torillo, Quezon City last Friday.


Present sina Arci Muñoz, Kim Rodriguez, Richard Quan, Robert Seña, Nico Locco, Anthony Ocampo, Direk Rahyan Carlos, Josh Yugen, Ynez Veneracion, Gene Padilla, Moymoy Palaboy, Chichirita, Arnold Reyes, at marami pang iba.


Bukod sa launch, ipinakita rin nila ang bagong milestone ng NDMstudios para sa 2025: ang NDMplus.


Ang NDMplus ay isang premium global streaming platform na dedicated para sa mga solid fans ng NDMstudios.


Nauna itong inilunsad sa Singapore noong October at simula noon, sunud-sunod na sila sa paggawa ng films at series. 


Nang dahil sa kanilang NDM Expo sa Singapore, nakipag-collab na sila sa international entertainment giants tulad ng Sony, AMC Networks’ Acorn TV, ALLBLK, HIDIVE, Shudder, Sundance Now, Crunchyroll, Tubi, Roku Channel, OUTtv, Rakuten Viki at marami pang iba. Bigatin, ‘di ba?!


Nagbigay din ng suporta si Annette Gozon-Valdes, Senior Vice-President ng GMA Network.


“We are here to show our support and appreciation sa creative collaborations ng NDMstudios with GMA and Sparkle,” sey ni Ms. Annette.


Nandoon din ang ibang big bosses ng NDMstudios at NDMplus—Executive Vice President Jan Christine, Chief Legal Counsel Atty. Jiji Jorge, at Board Member/Director Carlo Alvarez.


Good news sa collectors abroad, available rin ang Direku figurine sa Japan ngayong Christmas season hanggang early next year.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page