top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 6, 2025



Photo: KIm Chiu - IG



IBINUKING ng mga netizens na may something sa mga kapatid ni It’s Showtime (IS) host Kim Chiu.


Sa post ni Kim sa Instagram (IG) kahapon, marami ang nakapansin sa malungkot na mga mata niya sa video when she went sa condo ng kanyang kapatid at pamangkin.

Caption ni Kim sa kanyang IG post na video, “Didn’t expect it. I didn’t prepare for it. I just needed this moment to breathe. Thank you, sis @twinklechiu @carlo\_anton22 and baby #carlita.”


May nag-akala na may kinalaman sa relasyon niya kay Paulo Avelino ang sadness na na-feel ng kanyang mga followers sa mukha niya.

Sey ng mga netizens:


“Kimmy, sana magkaroon din ng sarili mong anak balang-araw (red heart emoji).”

“Ay, maghintay tayo kung kailan n’ya gusto, bhie. ‘Wag natin i-pressure.”


“Kimmy, excited na kami makita ‘yung sarili mong anak. Sana magpakasal ka na (red heart emoji).”


Pero ini-reveal ng mga followers ni Kim ang posibleng dahilan ng sadness sa face ni Kim sa video.


“Who’s cutting onions right now? Feel ko sad ka today, Kimmy. Always remember whatever happens, our love and support for you is always there; hindi mababawasan ‘yun so much, Kimmy. We love you! TIGIL. HINGA. KALMA, AH!”


“About sa role n’ya ‘yan. She’s a bit stressed kasi very challenging. First time for her to do a role as challenging as this.


“Nope, sibling’s problem ‘yan. ‘Yung ate nila since 2023 pa, ‘di okey kay Twinkle at JP now, si Kim naman unfollowed na… masyado rin matandang dalaga.”

So, may problema pala si Kim sa kanyang mga kapatid? At tila naiipit siya sa “gap” ng kanyang mga kapatid.


Pinalakas naman ang loob ni Kim ng kanyang mga fans/followers sa kanilang comments. 


Sey nila, “You might not see it, Kimmy, but you’re doing better than you think. We’re proud of you. Keep going, I am always rooting for you.”


“Ang sarap balikan kung saan ka nagsimula at makita ‘yung achievements na napaghirapan mo, para sa pamilya at congratulations para sa ‘yo, Kimmy. Ikaw ang role model na dapat i-look up kahit ano man ibato sa iyo. Eto, naipakita mo ‘yung mga bagay na ‘di makukuha sa ‘yo ng kahit na sino.”


“Kaya mo ‘yan, Chinita. Mahusay ka talaga.”


Hopefully, magkaayos na ang mga kapatid ni Kim Chiu, kung meron mang problema.



DALAWANG celebrity teams na binubuo ng tatlong miyembro ang nakisaya at nakipagkulitan sa MASA-sagot Mo Ba? segment ng It’s Showtime (IS) kahapon.

Ang Team Viva Hot Babes na kinabibilangan nina Maui Taylor, Jaycee Parker at Zara Lopez at ang Team Miss Q & A nina Anna Patricia Lorenzo, Karen Montecillo at Matrica “Matmat” Centino ang nagharap sa MASA segment.


Sa pagtatapos ng segment, ang Team Miss Q & A ang nanaig at naglaro sa jackpot round, kung saan sila ang pinakaunang naka-perfect score mula nang i-launch ang larong ito noong Hulyo at nag-uwi ng kabuuang premyo na P70,000.

Okey na okey talaga ang Monday dahil sa pambihirang pagbisita ni Kapamilya heartthrob at It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO) star Joshua Garcia na bumati sa lahat ng “Happy day!”


Nakasama niya sa panel of board members ang mga naggagandahan at naggagalingang aktres na sina Iyah Mina at Max Collins, na naghatid din ng kakaibang entertainment sa lahat.


Dalawang nagguguwapuhang kalalakihan muli ang nagpamalas hindi lamang ng kanilang tikas, kundi pati na rin ng kanilang talino at talento sa Escort Mo, Show Mo. 


Si John Michael Baterna, a.k.a. Ongkoy, ipinakilala ang sarili niya bilang ang “Lee Min Ho” ng Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal, habang si Richard Libario, a.k.a. Chabo, naman umano ang “Joshua Garcia” ng Brgy. San Fernando, Malvar, Batangas.

Muling napasabak si Ate Girl Jackie Gonzaga sa on-the-spot aktingan kasama si Ongkoy, na pinagkamalan pa nga siyang si Kim Chiu! 


Well, parehas silang maputi, chinita, matangkad, maganda, at mahaba ang buhok kaya ‘di rin talaga natin siya masisisi. Habang isang nakakakilig at nakakatawang harana naman ang inialay ni Chabo kay Jackie na kinaaliwan naman ng lahat.


Samantala, hindi napigilan ni Baby Doll-referee Juby na mapa-open up tungkol sa kanyang problema sa pag-ibig nang pansinin ni Vice Ganda ang hindi niya pag-react matapos humampas ang pito sa mukha niya habang nagsasayaw. 

Dahil dito, inihingi ni Vice ng love advice si Baby Doll Juby kay board member Joshua, na noong una ay nahiya pa at napatanong kung bakit biglang napunta sa

kanya. 


Sa huli, pinayuhan niya si Baby Doll Juby na, “It’s okay to not be okay.”

Matapos nila tayong pakiligin sa kanilang karisma, kakulitan, at katalinuhan sa unang bahagi ng Escort Mo, Show Mo segment, nagpakitang-gilas naman sina Ongkoy at Chabo. Hinarana ni Ongkoy ang lahat sa kanyang rendisyon ng She Will Be Loved ng Maroon 5, habang kinagiliwan naman ng tanan ang dance number ni Chabo.


Sa bandang huli, si Chabo ang itinanghal na “Escort of the Day” matapos na makakuha ng 95% na grado mula sa kapita-pitagang board members, habang si Ongkoy naman ay nakakuha lamang ng 91%.

Nakakaaliw talaga ang It’s Showtime!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 5, 2025



Photo: SB19 Josh



Humingi ng apology kahapon ang SB19 member na si Josh Cullen sa kanyang naging post sa X (dating Twitter).


Meron kasing post si Josh tungkol sa LGBTQIA+ community noong April, 2014 pa na muling kumalat sa socmed. 


Dahil sa “binuhay” na tweet ni Josh a decade ago, umani ng batikos ang SB19 member mula sa mga bashers niya.


Eto ang tweet ni Josh 10 years ago, “Interesting fact: you’re a faggot.”


Post ni Josh sa X kahapon, “Hello everyone! I just want to sincerely apologize if my tweet last night caused any confusion or tension, especially to those affected. It was never my intention to bring discomfort or heavy energy.


“Yes, I’ve been reading your tweets. The timing was off, and I admit the way I explained things wasn’t the best. Akin 'yun... It was never meant to come off the wrong way. I’ll keep learning, and evolving from moments like this. I promise. And I’ll never be ashamed to say ‘SORRY’ if I feel I’ve done something off or brought negativity to those who weren’t part of it (praying hands emoji).


“I won’t make this long. I just want to spread positivity before anything else. Thank you for all your efforts. I see it, I appreciate it, and I’ll never invalidate that.


“I hope I’m not too late to join the celebration for our successful US tour! I'm grateful to everyone who attended! 


“Sana rin I made you smile, and I’ll always try to do my best to bring smiles to everyone (heart on fire emoji). Thank you for always being there.


“P.S. Don’t worry, wish ko rin sa sarili ko na. Hopefully this will be the last time I’ll need to use X for things like this.”


Sobrang na-appreciate ni Josh ang SB19 fans sa suporta, pagmamahal at pagtatanggol sa kanya sa socmed (social media).


Sa hiwalay na post ni Josh sa X, inihayag niya ang kanyang appreciation sa kanilang mga fans.


“Ramdam ko lahat ng concerns n’yo. Some people noticed that my thoughts were all over the place… and honestly, I couldn’t quite piece together or articulate the words I really wanted to say. I was trying to be careful, careful not to be misunderstood, and not to say anything that might be taken out of context,” lahad ni Josh sa X.


At the same time, humingi rin ng pang-unawa si Josh sa kanyang nai-tweet ten years

ago.


“That said, I just want to ask for a bit of understanding. I hope we can avoid making negative comments about the people who genuinely care for me. Whether it’s family, friends, or anyone close to me, these people have been a big part of my strength and growth, just like many of you.


“Not everything is visible online. And sometimes, the way things are presented can lead people to believe something that isn’t fully true. There has been a lot of false or misleading information out there… not because people twisted it on purpose, but because that’s how it was fed or framed.


“Let’s not drag them into things they had nothing to do with. It’s not always about me, or them,” esplika pa niya.


Marami raw magagandang bagay ang nangyayari whether it’s for us or for others.

Umaasa siya na mag-focus na lang sa magaganda at positibo ang lahat at “continue moving forward together.”


“I know your opinions come from a place of care, and I respect that. But if that concern unintentionally affects the people around me, it hurts me as well (frowning face emoji).

“I know you’ve always been understanding, and I trust that this message won’t be misunderstood. I just wanted to share this with honesty and calm (praying hands emoji). Thank you again, everyone.


Love y’all (heart on fire emoji),” sabi pa ni Josh.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 4, 2025



Photo: Klea at Janella - IG


Obvious na may nagpapakalat ng maling information tungkol sa lagay ng kontrata ng aktres na si Bea Alonzo sa GMA-7.


May nagpadala sa amin ng picture ni Bea na nakakalat sa socmed (social media). Nakalagay sa picture, “‘Di na s’ya nag-renew sa Kapuso Network.”


May nakalagay din na ganito, “Bea Alonzo no longer a Kapuso,” at “May pagbabalik kaya sa ABS-CBN?”


Malinaw na isang malaking fake news ito.


Ayon sa aming source, malayo pa ang renewal time ng contract ni Bea sa GMA-7. Posible raw na may mga tao na nagkakalat ng maling info about Bea.


At ang matindi pa raw, sinabi pa ng nagpapakalat ng fake news kay Bea na sisiguraduhin nito na hindi ire-renew ang kontrata ng aktres sa Kapuso Network.

Ganern?!



Happy kami na personal na mabating muli ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza sa kanyang intimate birthday celebration na ginanap sa bonggacious house niyang The Secret Garden sa Busilak St., Mandaluyong City last Wednesday.


Present sa kanyang party with almost the same people na loyal friends ni Direk Brillante from his previous birthday celebration ang mga nakasama niya as founders ng Sinag Maynila Film Festival and Solar Entertainment Corporation president na si Wilson Tieng.

Spotted din namin sa party sina Ronnie Lazaro, Vince Rillon, Mark Dionisio, Ihman Esturco, Dennis Evangelista, Dante Balboa, Direk Lawrence Fajardo, at Jomari Angeles.


Marami sa mga bisita ni Direk Brillante ang nakapansin sa kakaibang glow at paglusog ng kanyang katawan kumpara last year. At 65, mas mukhang bumata si Direk Brillante.


Halatang natuwa at natawa siya nu’ng banggitin ito sa kanya ng entertainment media na inimbita niya on his 65th birthday party.


“Wala akong ipino-promote na gluta,” sabay tawa ni Direk Brillante.


Aniya, “I think it’s just a matter of feeling good inside. S’yempre the last time na nakita ninyo ako, katatapos ko lang magkasakit noon.


“Hindi ko naman inano ‘yun, ‘di ba? Pero nagkita-kita pa rin tayo kahit na ano, ‘di ba? Kasi sa akin, ‘yan ‘yung mga kaibigan, gusto ko lang makita, ganyan-ganyan.


“Nakikita n’yo naman, paulit-ulit lang ang mga guests ko, wala namang bago. Kung may madagdag, isa, dalawa lang, ‘di ba?”


When we asked his birthday wish, wala na raw siyang ganoon.


Esplika niya, “Napakaplastik pero totoo, para sa iba… Marami tayong problema ngayon, ‘di ba? Ayoko nang magbasa ng news. Nakakasakit lang ng dibdib. Hahahaha! Nakaka-depressed.”


Pero okey lang daw, basta gawa lang siya nang gawa at malakas ang katawan.

Last month ay naging overall mentor siya sa Sinag Maynila Masterclass 2025, habang ang mga mentors sa masterclass on filmmaking ay sina Carlitos Siguion-Reyna, Arvin Belarmino, Javier Abola, Zig Dulay, Odie Flores, Ben Padero, Mike Idioma, Teresa Barrozo at Ruby Ruiz.


Pahayag ni Direk Brillante, “Sobrang nag-e-enjoy talaga ako pagdating sa ganyan. Kasi alam mo 'yun, parang ‘yun na ‘yung aking giving back. Nakakatuwa, kasi ang mga participants, mga professional, ‘di ba? May mga festival director na nga.


“Nand’yan si Harlene (Bautista), nand’yan si Dante Balboa, nand’yan ‘yung mga direktor. Nakagawa na rin sila ng mga pelikula. Nag-Cinemalaya.


“So, parang the mere fact na nandoon sila, nakakatuwa. Kasi parang gusto pa nilang matuto, ‘no? I hope I didn’t fail them. Eh, ako naman, napaka-competitive ko pagdating sa ganyan.


“Gusto ko, ‘yung mga estudyante, ‘yung mga participants, may natututunan sila.”

Sinimulan ni Direk Brillante ang workshop noon pang 2014 hanggang 2016.


“Tuwang-tuwa ako dahil iyong mga produkto kong artista, at saka naging direktor, nagkaroon na sila ng mga pangalan,” pagmamalaki ni Direk Brillante.


Aniya, “Nag-compete sa ibang bansa. Alam mo ‘yun, nakakatuwa. Kasi sa akin, sa mga nagbibigay ng ganyan, ng workshop, magme-mentor ka, parang fulfillment mo na ‘yan so far, alam mo ‘yun? Alam mong may natutunan.”


Ayaw namang isipin ni Direk Brillante na ‘yun ang way niya of leaving his legacy.

“Well, hindi ko naman iniisip ‘yun. Actually sa akin ngayon, dahil alam mo ‘yun, hindi na tayo bata, ‘di ba? ‘Pag nandu’n ka na sa age na kailangan mo talagang mag-give back, this is the time.


“I mean, basta feel good. Tapos just do good, kung ano ang magagawa mo,” lahad pa ni Direk Brillante.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page