top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 15, 2025



Photo: Sofronio Vasquez - IG



Mainit pa rin ang usapan tungkol sa Super Divas (SD) concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda — isang matagumpay na gabi sa Araneta Coliseum na sinabayan ng kontrobersiya matapos kumalat ang tsismis na ipinamigay lang umano ang ilang VIP tickets.

Sey ng mga netizens:


“Ganu’n din kay Vice, ipinamigay na nga lang daw kahit VIP, hindi kasi ata priority ng mga Pinoy.”


“Ang mahal po kasi.”


‘Yan ang nakita naming comments sa Facebook (FB) account ng isang blogger na nagko-cover ng mga concerts dito. 


Sa thread ng post ng naturang FB page nu’ng blogger ay nabanggit din ang lagay ng mga concert ng mga local artists.


Ipinost nu’ng blogger sa kanyang FB page ang picture ng seats para sa venue ng nalalapit na concert ng kauna-unahang Pinoy na nanalo sa The Voice (TV) sa USA na si Sofronio Vasquez with Jed Madela atbp.. Halos marami pang seats (tickets) ang hindi pa naibebenta.


Caption nu’ng blogger, “Bumili naman kayo ng tickets ng #BravoManila happening August 23 sa Solaire featuring Sofronio Vasquez, Jed Madela, Lyka Estrella, Carmeland Collado, and Bituin Escalante.”


Sa true lang, halos sunud-sunod ang malalaking concert events lately. At marami pa ang naka-schedule na malalaking concerts ng Pinoy singers mula ngayon hanggang end of the year.


Comment ng iba pang netizens sa FB post ng blogger:

“SOFRONIO? NO THANKS, HAHAHAHA!”


“Mas sinusuportahan pa kasi ng mga Gen Z ‘yung mga Korean, laging sold out.”

“Mahal po ang ticket, ‘di po namin kayang bilhin.”


“Maloka ka sa ticket ng concert ni Lani Misalucha, halos doble price.”

Reply nu’ng blogger, “Don’t compare. Lani is a bigger artist, and guess what? Her ticket sales aren’t moving either.”

Sabeee?




PATAY na rin ang karakter ng isa sa mga kinaiinisang kontrabida sa hit action-series ng ABS-CBN, ang FPJ’s Batang Quiapo (BQ), na si Edwin na mahusay na ginampanan ng aktor na si Ping Medina.


Bilang pagpupugay, ibinahagi ng CCM Film Production ang isang reel na nagtatampok kay Ping na nagbabalik-tanaw sa kanyang paglalakbay sa serye.


Nagpakita rin ito ng isang sulyap sa kanyang huling taping day kung saan nakatanggap siya ng espesyal na sorpresa mula sa mga kasamahan niyang artista sa Batang Quiapo (BQ).


Para kay Ping, ang BQ ang unang palabas na nalungkot siya sa pagkawala ng kanyang karakter sa serye.


Lagi raw niyang tatandaan ang “brotherhood” na binuo niya kasama ang kanyang mga co-actors sa loob ng halos 3 taon sa BQ.


“Ang tagal na pala namin na parang magkakapatid na kami sa set, lalo na ‘yung mga Tondo boys,” sabi ni Ping.


Ang BQ daw ang nagturo sa kanya kung paano talagang tingnan ang kaluluwa ng isang tao lalo na ang mga nakatira sa Quiapo.


“Ang pinakanatutunan ko sa Batang Quiapo ay hindi puti o itim ang buhay ng tao, may grey area ‘yan. Mas nakilala ko ang mga tao ng Quiapo at mas na-appreciate ko sila,” pahayag ni Ping.


Tulad ng maraming manonood, pinangalanan niya si Roda bilang isa sa mga paboritong niyang panooring karakter dahil sa mga witty adlibs ni Direk Joel Lamangan.


At the same time, malapit sa kanyang puso ang mga karakter na sina Marsing, na ginampanan ng kanyang ama na si Pen Medina, at Nita, na ginagampanan ng beteranang aktres na si Susan Africa.


Binanggit din niya kung gaano siya nag-enjoy kaeksena si Ronwaldo Martin na gumaganap naman bilang si Santino.


“Nag-umpisa s’ya na medyo alangan s’ya tapos pagtagal, pagaling nang pagaling at paganda nang paganda ang performance n’ya.


“Minsan nasa eksena lang ako, tapos biglang napapansin ko, pinapanood ko na lang si Santino. Ang galing n’ya,” bulalas ni Ping.


One memorable scene para sa kanya ang confrontation nila ni Lovi Poe as Mokang.


“Noong nasampal ako, nagulat talaga ako,” kuwento niya.

S’yempre, todo-pasalamat si Ping sa lead actor, director, and producer ng BQ na si Coco Martin.


Mensahe niya kay Coco, “Utang na loob ko sa ‘yo na binigyan mo ako ng ganitong role. Nagtiwala ka sa akin bilang Edwin. First time na may nagtiwala sa akin na mag-comedy, na mag-action at kontrabida.


“Sobrang nag-enjoy talaga ako. Nabago ang buhay ko ng role ko as Edwin. Marami akong utang na loob sa ‘yo, Direk. Alam mo na ‘yan kaya maraming-maraming salamat, Direk Coco, I love you.”


Huwag palampasin ang kahit isang episode ng FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, TV5, at iWant.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 12, 2025



Photo: KC Concepcion - IG


Pinagkamalang suitor/boyfriend ni KC Concepcion ang kasama niyang foreigner sa picture na naka-post sa kanyang Instagram (IG) kahapon.


Kaya biglang nag-aligaga again ang kanyang mga followers/fans sa socmed (social media).


Ang sweet naman kasing tingnan ni KC sa kasama niyang foreigner sa picture.

Pero sa caption ng kanyang IG post ay nalaman kung sino ‘yung guy na ka-sweetan ni KC sa picture.


Caption ni KC, “Morning well spent with the ever-inspiring Dr. @drdennissempebwa speaker, mentor, and visionary leader. Grateful to be sitting across someone who speaks life, wisdom, and truth in ways that stretch and grow you!


“Good health isn’t just in the body, wellness is in the spirit and the mind, too. Voices that shape the journey! Grateful for.


“Btw (by the way) Doc D’s brand-new podcast ‘Honest Conversations’ actually drops today! If you’ve ever wished you could pull up a chair to a nurturing conversation visit sempebwa website.”


Sey ng mga netizen:


“Wow! Congrats po, perfect couple (face with hearts emoji).”

“Best wishes to both of you.”

“Blacked dot com (laughing with tears).”


Kinorek agad ng mga followers ni KC ang mga netizens sa pagkatao ng kasama niyang si Dennis Sempebwa.


Paliwanag nila:


“They are not a couple. Ptr. Dennis Sempebwa is the family’s spiritual mentor.”

“Thank you for sharing! Dr. Dennis is such an amazing man of God! He preached at our home church @creativeschurch yesterday. God is so good! (raising hands, fire & praying hands emoji).”


Samantala, may netizen ang nag-comment at pinagkukumpara si KC kay Bea Alonzo. Tsika ng mga netizens:


“Si Bea me bilyonaryo na, si KC, wallet pa rin?”


Ang tinutukoy ng netizen na bilyonaryo ay ang boyfriend ni Bea na si Vincent Go. Habang may mapangahas na nag-comment kung sino talaga ang boyfriend ni KC ngayon.

“May Aly na po ‘yan, private lang ang relasyon nila.”


‘Yun na!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 11, 2025



Photo: Roderick at Tonton via Bulgar



Super-nakakaaliw kahit trailer pa lang ng comeback movie ng iconic comedian na si Roderick Paulate, ang Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI) sa direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso under CreaZion Studios.


Sulit ang ilang taong pagtigil ni Roderick sa paggawa ng gay role sa big screen dahil sa kanyang maingat na pagpili ng proyekto. So there must be a big difference kaya niya tinanggap ang MABI.


Paliwanag ni Kuya Dick, “‘Yung role na Mudrasta sa umpisa pa lang, catchy na, na-curious na ako. Gusto ko agad malaman kung paano at bakit s’ya naging mudrasta.


“And ‘yung narrative n’ya, nakaka-challenge kasi magko-comedy pero serious ang tema. Ganito na kasi ang gusto ko sa mga ginagawa kong proyekto, na kahit nagpapatawa, nagpapahalakhak, may istoryang tatahakin. Hindi basta puro tawa lang, tapos paglabas mo sa sine, okey lang, wala kang ibang inuwi. Dito, bukod sa laugh out loud moments, may lessons about life, love and family.”


Ang pangalan ng karakter ni Kuya Dick sa Mudrasta ay Victor Labrador. Pero ang term of endearment kay Victor ay Beki.


“Simple s’ya, laki sa probinsiya. Naglalako ng empanada sa kalye na ang nanay n’ya ang may gawa. Masayahin s’ya, hindi ko naman masasabing easy go lucky kasi maayos at mataas ang grades n’ya sa school.


“He has a happy childhood kasi nga lumaki sa isang pamilya na loving, walang judgment. ‘Yung tatay n’ya nga, strict pero ‘pag tungkol na kay Beki at sa damdamin nito, protective talaga s’ya sa anak n’ya.


“Lovable s’ya kasi he has a caring heart. Lovable s’ya kasi grabe ang kanyang capacity to understand,” sabi ni Kuya Dick about his character.


“Lovable s’ya kasi he is a romantic in the truest sense of the word and because of Enrique, na name of Tonton’s character, his heart throbs, bounces and screams in the most lovable manner,” paglalarawan pa ni Kuya Dick sa kanyang role sa Mudrasta.


First time nakatrabaho ni Kuya Dick si Direk Julius.

Aniya, “Favorite film ko ‘yung gawa n’ya, ‘yung Deadma Walking and before we meet, friends na kami sa FB. He is a good director.


“There is no doubt about that. He is collaborative. On the set and during the shoot, we discuss a lot, share concepts and ideas. Open s’ya at broadminded.


“I also like the fact that he respects the needs and boundaries ng aktor n’ya. Mabait s’ya, sweet, caring, and he uses his charms in such a way na hindi gagawin mo ang mga eksena for him kasi alam mo he truly cares for you and the project.


“Alam mong his request is coming from sincerity. Hindi kapritso. May ipinapagawa s’ya sa ‘yo kasi tunay s’yang nagmamalasakit.”


Bilib naman si Kuya Dick kay Tonton Gutierrez as his leading man sa Mudrasta. Napakahusay daw ni Tonton.


“This is not the first time na magkasama kami. He is easy to work with, congenial and he always gives that special extra sa character that he plays. Dahil sa kanya, mas madali ang work at parang hindi ka nagwo-work kasi nga mahusay. Alam mo naman, ‘di ba, acting is reacting.


“Close kami ng mommy n’ya kaya parang kapatid ang turing ko kay Tonton, kaya palaging

magaan. ‘Yung chemistry pa namin, organic, nandu’n kaagad.


“At grabe ang emotional truth na ibinigay n’ya kay Enrique, alam mong galing sa puso ang mga sinasabi, kilos at galaw n’ya. ‘Yung katotohanan na ibinigay namin kina Beki at Enrique, I believe ‘yun ang agimat ng movie,” diin niya.


Garantisadong magugustuhan ng mga manonood ang Mudrasta kasi nga ‘yung mga ine-expect nilang flare of comedy ni Kuya Dick and so much more ay nasa pelikula.


“Masaya ang movie pero we never sacrificed the truths na meron ang movie. Audience ang makakaramdam ng lahat and ang truth sa Mudrasta ay tungkol sa pagmamahal.


“A different kind of love na hindi mo maiiwan, hindi ka manghihinayang, kasi totoong mai-involve at mai-in love kay Beki at sa mga taong minamahal n’ya. Yes, ang intention namin ay magpatawa at magpasaya. Pero one thing is certain, Mudrasta is all about the glory and power of love,” sabi pa ni Kuya Dick.


Showing in cinemas ang Mudrasta: Ang Beking Ina on August 20, Wednesday.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page