top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 6, 2024



Showbiz News

    

Nangabog si Vice Ganda sa paandar niyang pagsakay sa Tesla Cybertruck na nakunan ng video na nag-viral sa X (dating Twitter). 


As of this writing, kasalukuyang abroad ang It’s Showtime (IS) host para sa kanyang concert, kaya malamang ay kuha sa ibang bansa ang video ng pagsakay ni Vice sa Tesla Cybertruck na isa sa mga produktong ibinebenta ng may-ari ng X na si Elon Musk.


Makikita sa video na nag-aabang si Vice sa pagdating ng kanyang sasakyan. At hindi nagtagal, dumating na ang Tesla Cybertruck na ikinagulat ng mga kasama ni Vice.


May netizen na nag-post ng short video sa X at ganito ang inilagay na caption: “@vicegandako and her new Php18M Tesla Cybertruck??? (fire emoji).”

Kani-kanyang react ang mga netizens sa video.

“NAKAKALOKA! MEME (Vice Ganda)!!! DDDDZZZZRRRRVVVV (deserve)!!!”

“Wala na s’ya mapaglagyan ng pera. Deserve naman.”

“Hard work pays off. Congrats, Meme! ‘Pag ‘di ka madamot, talagang pagpapalain ka.”

“Dasurv (deserve) ni Meme.. Ang dami n’yang napapasaya, kaya dapat ay mapasaya rin naman n’ya ang sarili n’ya.”


May nagsabi rin ng tamang presyo ng Tesla Cybertruck.

“Not worth it for P17 million. $100 thousand lang ‘yan dito sa US.”

“Cybertruck is P2-3.9 million only.”

“OA ka, P18 million. $101 thousand US dollars lang ‘yan, P5.5 million pesos. Masyadong hype.”


Tsika naman ng isang netizen, “Tapos sasabihin na naman ng mga pakialamera na ‘dapat itinulong na lang n’ya.' Hahaha!”


May nag-react din sa pagtakbo ng partner ni Vice at isa rin sa mga hosts ng IS na si Ion Perez sa distrito sa Concepcion, Tarlac under Nationalist People’s Coalition sa pamumuno ni Tarlac Gov. Susan Yap.


“Tapos, iisipin nila, kaya tatakbo si Ion para mangurakot? Kay Meme pa lang, tiba-tiba na! (joking emoji).”  

Sabeee?



SA pagdiriwang ng ika-40 taon sa showbiz ng singer/actor na si Raymond Lauchengco sa pamamagitan ng isang concert next month na isang milestone ay hindi lamang tungkol sa pagiging singer at aktor, kundi pati na rin ang pagiging manlilikha niya o bilang artist ang malalaman ng manonood. 


The title of his concert is Raymond Lauchengco, Just Got Lucky (RL,JGL) na gaganapin sa Nobyembre 23, 2024, 8 PM sa The Theater at Solaire. 


Dito ay tutuklasin ang hindi kinaugaliang ebolusyon ng isang Gen X performing artist, at kung paano siya naimpluwensiyahan ng kultura ng dekada '80 sa kasalukuyan.


Ang boses sa likod ng mga kantang I Need You Back, Farewell, So It’s You at marami pang ibang hit ay isa ring mahusay na artist.


Sa ginanap na mediacon para sa JGL concert ni Raymond, hosted by East Ocean Palace, binanggit ni Raymond ang kanyang iba pang malikhaing pagsisikap bilang photographer, sculptor, at direktor. 


Ang mga hilig na ito ay nakatulong kay Raymond na makayanan ang panahon ng pandemya ng COVID-19 nang ang mga live na konsiyerto ay napahinga. 

Noon, nagtatrabaho siya nang ilang oras sa isang araw—paggawa ng mga kasangkapan, pagpapanumbalik ng mga keramika na istilong ‘Kintsugi’ (isang sining mula sa Japan na tumutukoy sa pag-aayos ng sirang pottery gamit ang lacquer na hinaluan ng ginto, pilak, o platinum) at paggawa ng mga iskultura na lalong nakapagpagaling kay Raymond. 


Pahayag ni Raymond, “To this day, even as I have gone back to performing, restoring something every now and then still serves as a powerful reminder to me that it’s okay to have imperfections. It’s okay to have problems, it’s okay when the world breaks you. So, learn from what breaks you, then watch yourself become stronger.”


Joining Raymond on stage at JGL is another multi-talented performer, Bituin Escalante. Waya Gallardo is the concert director, while Marvin Querido (formerly of Neocolors) is the musical director.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 5, 2024



Showbiz News

    

Kalat na sa socmed (social media) ang tsikang nag-unfollow na sina former Miss Universe Pia Wurtzbach at Heart Evangelista sa isa’t isa.  


Nakiuso na rin kaya sina Pia at Heart sa “unfollow-unfollow” na ‘yan na ginawa ng mga sikat na celebrities kamakailan?  


Post ng isang netizen, “Tama na ang plastikan. Heart Evangelista and Pia Wurtzbach finally unfollowed each other on IG.”  


Ang nakakaloka, ipinagbunyi pa ng ibang mga netizens ang tsikang ito: 

“War kung war, 'kakaloka.”  

“Ganern dapat, hahaha! Tama na ang plastikan talaga. Dami kasi talagang plastic sa mundo (covering mouth emoji), hala.”  


Curious naman ang iba na malaman kung sino ang unang nag-unfollow.  

“True ba na si Queen P unang nag-unfollow?”  

“Paano mag-unfollow kung ‘di naman naka-follow?”  

“‘Di s’ya naka-follow kay Heart.”  


Samantala, pati ang mga naiambag nina Pia at Heart ay sinukat din ng mga netizens.  

“Du’n lang tayo sa may ambag sa society at never binitawan ‘yung advocacy from the start. ‘Di puro paganda at pasosyal lang, Queen Pia.”  


“Okay naman si Pia pero pagdating sa advocacy and charities, consistent d’yan si Heart Evangelista. So stop saying na walang ambag sa society si Heart. What if Pia didn’t win MU, ano’ng magiging ambag n’ya while Heart is still doing charities ever since and consistently.”  

“At kung sa advocacy lang, mas consistent si Heart hanggang ngayon, ‘yung Heart Can, Thalassemia, at iba pang charities at foundation na tinutulungan niya, active. Eh ‘yung sa idol n’yo? Advocacy ‘pag kailangan ng publicity?”  


Siyempre, nadamay din ang mister ni Heart na si Senate President Chiz Escudero at ikinumpara sa asawa ni Pia na si Jeremy Jauncey.  


“Hahahahaha! Du’n tayo sa nagbigay ng parangal sa Philippines at ‘di sa asawa na nagtatanggol na bawasan ang PH holidays (smirk emoji).”  


“Team Pia, pass sa may asawang tumanda na sa Senado na gustong magbawas ng holiday.”  

“Du’n tayo sa ‘di corrupt ang asawa, just to sustain a certain lifestyle (happy emoji).”  


Sa true lang, kabog na kabog si Heart ni Maymay Entrata dahil sa pagrampa talaga niya sa Paris Fashion Week (PFW).  


Heart Evangelista at Maymay Entrata

Sey ng ibang netizens:


“Isang Maymay Entrata pala ang kakabog sa isang Heart Evangelista - on short notice. Sakit nu’n, besh.”  


“Bakit naman kasi sa kalye pinapalakad si Heart (laughing emoji).”  

Ouch! 



MARAMI ang kinilig sa “date” nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez sa isang museum sa Manila.


Binati ni Jericho si Janine sa kaarawan nito, kung saan ibinahagi rin niya ang naging date nilang dalawa sa Instagram (IG).


Caption ni Jericho, “Happy birthday to my museum/tabing-ilog date @janinegutierrez (cake, white heart, sunflower, sheep emoji).” 


Nag-post naman ng reply si Janine sa IG post ni Jericho, “I’m so happy, thank you (red heart emoji).”


Pinusuan naman ng unico hijo ni Jericho na si Santino ang IG post ng ama, nangangahulugan na boto ito kay Janine na maging dyowa ni Echo.


Samantala, no wonder na ang daming mga fans nina Jericho at Janine ang nanonood sa Kapamilya teleserye nila na Lavender Fields (LF).


Kaya ang mga nakatutok na sa LF ay diretso na rin sa panonood ng Pamilya Sagrado (PS) sa primetime. Ang taas-taas din ng online viewership records nila sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) nitong Miyerkules (Oktubre 2).


Nakamit nga ng LF ang bago nilang all-time high peak concurrent views na 657,514 matapos pakinggan ni Zandro (Albert Martinez) ang paliwanag ni Jasmin (Jodi Sta. Maria) tungkol sa kanyang pagtatago sa katauhan ni Lavender at sa pagpapatakas dito mula kina Iris (Janine Gutierrez). 

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 3, 2024



Showbiz News

    

Dumagsa ang celebrities na nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa mga Comelec centers nationwide simula nu’ng Lunes.


Ilan sa kanila ay sina Cong. Arjo Atayde, Councilor Alfred Vargas, It’s Showtime (IS) host na si Benigno “Ion” Dungo Perez na asawa ni Vice Ganda, social media personalities Rosmar Tan-Pamulaklakin at ang Pares Queen at FPJ’s Batang Quiapo (BQ) star na si Diwata. At pati na rin ang mga aktor na sina Marco Gumabao at Enzo Pineda, join din. 


Tatakbo bilang councilor sa kanilang distrito sina Enzo, Ion at Rosmar. 


Ion is eyeing for councillor sa Concepcion, Tarlac sa ilalim ng partido ng Nationalist People’s Coalition under Tarlac Gov. Susan Yap.


Si Enzo naman, sa ika-limang distrito sa Kyusi balak manilbihan bilang konsehal. 

Pangalawang term naman ang isini-seek ni Alfred bilang konsehal din sa 5th District ng Kyusi. So, puwedeng magkasama sa isang council sina Enzo at Alfred.


Habang si Rosmar naman ay sa distrito sa Maynila piniling magserbisyo-publiko. This is her second attempt na pumasok sa pulitika, sabi nga ng sikat na kanta sa TikTok ngayon, ‘Maybe This Time’ ay manalo na si Rosmar. 


Pahayag ni Rosmar sa isang interbyu, “Nagkataon lang na ngayon nakumbinse nila ako dahil sabi, mas marami raw akong matutulungan kapag nakaposisyon. ‘Yun ang nagpaoo sa ‘kin.”


Una siyang tumakbo bilang konsehala sa fourth district ng Manila noong 2022, pero nasa 20th na posisyon siya bumagsak. 


Among them, si Rosmar ang nakausap namin recently and asked about her political plans since left and right ang ginagawa niyang pagtulong sa ating mga kababayan.

Kuwento niya sa amin, “Ano po, nu’ng unang beses na tumakbo po ako bilang konsehal, ‘di po ako nakapagkampanya noon kahit isang beses.


“Kasi, sabihin na natin na parang pinilit lang talaga ako noon. Kaso parang ako ‘yung nakikita nila, napupusuan nila, na simula po kasi nu’ng 10 years old ako, tumutulong na po ako sa mga tao.


“As in, dumating na ang panahon na said na said na ang pera ko (sa katutulong) at P20,000 thousand na lang ang natira nu’ng pandemic, parang ako na ‘yung naubusan. Kaya naisip po nila na saktung-sakto na pumasok ako sa pulitika. Pero tumutulong po talaga ako na hindi dahil gusto kong tumakbo or what.


“So, pinilit-pilit po nila ako noon. Eh, buntis po ako, hindi ako nakapagkampanya. Pero, muntik na po akong lumusot nu’n that time.”


At heto nga, nakumbinse na rin finally si Rosmar na sumubok ulit na tumakbo. Sana naman, huwag kalimutan si Rosmar Tan ng mga taga-Tondo na pinakain niya ng lechon nitong nakaraang mga buwan.


Sumikat dahil sa Pares Overload… 

DIWATA, TUMAKBONG PARTYLIST REP. PARA SA MGA TINDERO


Diwata Pares Overload - PTV

Kung lechon ang ipinakain ni Rosmar Tan-Pamulaklakin, magpapasiklab kaya si Diwata ng kanyang “pares” sa pagtakbo sa 2025 election bilang member ng Vendors Partylist para sa Kongreso? 


Isa si Diwata sa mga nagsumite ng kanyang COC kasama ang iba pang members ng kanilang partido na binubuo ng street at wet market vendors.


Ang tunay na pangalan ni Diwata ay Deo Balbuena at tatakbo siya bilang 4th nominee ng Vendors Partylist. Sa pagkakaalam namin, this is not the first time na nagbuo si Diwata ng kanyang partylist. 


Just in case na manalo ang Vendors Partylist ni Diwata, may nagsabi na baka magkaroon na ng “unli pares” sa Kongreso.


Sey ni Diwata sa isang interbyu, “Ay, bakit hindi? Kung gusto nila, mag-a-unli rice tayo at free softdrinks pa.”


Anyway, ang mga kasama pa ni Diwata sa Vendors Partylist ay sina Malu Lipana and Lorenz Pesigan na nag-file ng kanilang COC kahapon.


Inihayag din ni Diwata sa interbyu ang kanyang intensiyon sa pagtakbo, “Magtatayo (tayo) ng kooperatiba, kung saan hindi mahihirapan lumapit ang maninindang Pilipino.

‘Yung mga walang puwesto, tutulungan naming makakuha na abot sa kanilang makakaya.”

In case na manalo nga si Diwata, sana ay matupad ito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page