top of page
Search

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| September 23, 2020




‘Ika nga, kung mayroon kang empathy, matututo kang makaramdam o maka-relate sa emosyon ng mga tao sa iyong paligid. Ito ay maaaring ma-achieve sa pamamagitan ng pagtingin, pakikinig at pakikiramdam para sa ibang tao at puwede itong simulan sa maliliit na hakbang.


Ngayong panahon ng pandemya, higit tayong kailangan ng isa’t isa, lalo na ng ating mga mahal sa buhay.


Maging compassionate sa iyong loved one sa pamamagitan ng simple actions na ito:

1. MAG-OPEN TUNGKOL SA SARILI. ‘Wag kang matakot na ibahagi ang iyong kinatatakutan, thoughts at kapritsuhan. Ito ang unang hakbang para magkaroon ng genuine relationship sa ibang tao.

2. MAKINIG. Makinig kang mabuti at ‘wag munang sumagot kung hindi pa tapos magsalita ang iyong kausap. Magpokus ka at ‘wag mag-multitask sa gitna ng pakikipag-uusap dahil ang pagko-concentrate ay nakatutulong upang marinig o mabigyang-atensiyon ang maliliit na bagay na may malalim na kahulugan.

3. HINGIN ANG OPINYON. Nakapagbibigay ng ibang outlook ang opinyon ng ibang tao. Kumbaga, puwede nating makita ang ibang bagay mula sa ibang point of view. Dahil dito, hikayatin natin ang lahat na magbahagi ng kanilang opinyon nang sa gayun ay magkaroon tayo ng mas mabuting desisyon.

4. MAGING KALMADO. Kung tsansa mo na para magsalita, ipahayag ang iyong sarili sa kalmadong paraan at maging bukas sa suhestiyon ng iyong kausap.

5. IPAGPALAGAY ANG SARILI SA SITWASYON. Magtanong nang magtanong para maging pamilyar sa sitwasyon. Pagkatapos nito, saka mo imadyinin ang kanilang nararamdaman. Kung ikaw ang nasa kanilang posisyon, paano ka magre-react o aaksiyon?

6. BODY LANGUAGE. ‘Ika nga, ang facial reactions at gestures ay nagpapakita ng iba’t ibang emosyon. Maging maingat sa bawat pagkilos o body language, gayundin sa iyong mga sinasabi.

7. PURIIN. Halimbawa ang pagsasabi ng “Good job!” o kaya, maging espisipiko ka. Ang iyong compliment ay maaaring mag-motivate sa ibang tao para maging best version ng kanilang sarili.

Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang para sa ating loved one kundi puwede ring i-apply sa mga kakilala o kaibigan.


Maging mabuti tayo sa isa’t isa dahil sa panahon ngayon, ito ang ating kailangan para manatiling matatag na lumalaban sa pandemya. Okie?

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| September 19, 2020




Ngayong tag-ulan, hindi lang trangkaso ang usong sakit dahil nar’yan din ang dengue, malaria, diarrhea, typhoid fever, cholera at leptospirosis. At kung ikokonsidera pa ang sitwasyon kung saan nahaharap tayo sa COVID-19 pandemic, talagang masakit sa ulo at bulsa na magkasakit o may maaksidente sa pamilya. Kaya para maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari sa tahanan, narito ang ilang paraan para protektahan ang sarili at pamilya laban sa mga sakit o sakuna:

  1. INSPEKSIYUNIN ANG BUBONG AT ALULOD. Aminin na natin, ilan ito sa mga hindi gaanong nabibigyan ng atensiyon. Dahil tag-ulan na naman, simulan nang tanggalin ang mga tuyong dahon at iba pang dumi na naipon sa bubong dahil kailangang makadaloy nang maayos ang tubig-ulan sa mga alulod. Alamin kung kailangang i-repair ang bubong para makatiyak na hindi papatakan ng ulan ang loob ng bahay.

  2. PESTE ALERT. Madalas na bahayan ng mga daga, ipis, lamok at iba pa ang maruruming lugar. Kaya kung maulan at marumi ang bahay n’yo, alam na! Para matiyak na walang peste sa inyong tahanan, regular na maglinis ng bahay. Takpan ang mga butas na maaaring pasukan ng daga at linisin ang mga sulok ng bahay na puwedeng pamahayan ng ipis o lamok.

  3. ‘WAG IPASOK AGAD ANG SAPATOS AT PAYONG. Para iwas-aksidente sa bahay, ugaliing magpatuyo ng basang sapatos at payong sa labas. Tiyaking may basahan na puwedeng punasan ng mga paa para hindi madulas.

  4. GENERAL CLEANING. Kahit busy tayo sa trabaho at paghahanda sa pasukan sina bagets, ugaliin pa ring magkaroon ng general cleaning kahit isang beses kada linggo. Kung tulung-tulong ang buong pamilya, mas mabilis itong matatapos, gayundin, maiiwasan ang pagtambak ng mga dumi na maaaring pagmulan ng germs at iba pang sakit. Isama na rin ang regular na pag-disinfect ng sahig at mga areas na laging nahahawakan tulad ng door knob, telepono, countertops at iba pa.

  5. REGULAR NA PAGTAPON NG BASURA. Hassle talagang lumabas para magtapon ng basura ‘pag umuulan, pero mga bes, ‘wag tayong tamarin. Kapag natambak ang basura sa bahay, babaho ito at pamamahayan ng langaw at ipis. Once na napuno ang basurahan, magtapon na agad. Gayundin, tingnan kung may puwedeng i-recycle tulad ng plastic bottles.

  6. CLEANING SUPPLIES. Para regular na makapaglinis, dapat may sapat kang cleaning supplies. Tuwing mamimili sa grocery, ‘wag kalimutan ang mga panlinis tulad ng sabon, bleach at disinfectant.

  7. CLEANING SCHEDULE. Kung busy ang lahat ng tao sa bahay, mahalagang magkaroon ng schedule kung kailan maglilinis at ano’ng partikular na parte ng bahay ang lilinisin. Maganda ring isama rito kung sino ang gagawa ng task. Halimbawa, si ate para sa kusina, si kuya para sa garahe o si bunso bilang taga-assist. Sa paglilinis ng bahay, kailangan din ng dedication at pagsunod sa itinakdang iskedyul. Kung masusunod ito, tiyak na mapananatiling ligtas ang ating tahanan.


Sa totoo lang, nakakapagod at hassle ang paglilinis ng bahay gayung tag-ulan dahil sa malamig na panahon. Pero sa halip na matulog maghapon, mas maganda kung may magagawa tayong makabuluhan, lalo na kung para ito sa kaligtasan ng ating pamilya.

Sundin lamang ang tips na ito para sa mas malinis at ligtas na tahanan ngayong tag-ulan. Gets mo?

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| September 15, 2020




Hanggang ngayon, marami pa rin ang natatakot magpakasal o mag-asawa dahil sa posibilidad na mauwi ang pagsasama sa “bad marriage”. May ilan namang naniniwala na mas oks na ang pagli-live-in para maging madali ang kanilang paghihiwalay kung sakaling hindi mag-work ang relasyon.


Well, totoo talaga na ang pag-aasawa ay hindi basta-bastang desisyong gagawin kaya para maging happy ang marriage, narito ang ilang tips para sa mga beshy natin d’yan na nagbabalak nang magpakasal:

1. PAREHAS NG CORE VALUES. Kahit magkasintahan pa lang ang couple, dapat ay napag-uusapan na kung tugma sila ng mga pinaniniwalaan at pangarap sa buhay. Sey ng experts, may core values na negotiable o napag-uusapan para baguhin habang meron ding non-negotiable o hindi puwedeng baguhin.

2. EMOTIONALLY MATURED. Ibig sabihin, kailangang marunong na tayong mag-adjust, makinig, magbigay at tumanggap. Ayon sa mga eksperto, mahalaga ang pagiging “flexible” o ang kakayahang umangkop sa pabagu-bagong sitwasyon dahil ang isang bagay na hindi mawawala sa marriage ay ang mga pagbabago.

3. ‘WAG MAGING NEGA. Maraming naniniwala na negative emotions ang numero-unong dahilan ng bad marriage. Ang pagiging nega ay maaaring mauwi sa disappointment, tensiyon at hindi pagkakaintindihan. Ang susi sa masayang pag-aasawa ay ang pagpopokus sa mga positibong bagay at emosyon kesa sa insecurities na nakasisira ng relasyon.

Lahat tayo ay may “breaking point” at walang sinumang may gusto na manatili sa nega na tao. Kapag hindi ka okay, gamitin mo ang pagkakataong ito para makaisip ng paraan upang harapin ang iyong emosyon. Okie?

4. KOMUNIKASYON. Ang pagsasalita at pagbabahagi ng iyong nararamdaman ay isa sa mga hakbang para manatiling masaya ang inyong marriage. ‘Ika nga, hindi natin kayang manghula ng mga naiisip ng ating partner at kapag feeling natin ay kailangan niyang malaman ang nasa isip o nararamdaman mo, mabuting pag-usapan ito agad. Mas mabuti nang vocal kayo sa inyong thoughts kesa magsisihan kapag may hindi pagkakaunawaan.

5. ALAMIN KUNG KAILAN HIHINGI NG TULONG. Kung feeling mo ay nakararanas ka ng depresyon, ‘wag kang matakot na pag-usapan ito kasama ang iyong partner at humingi ng propesyonal na tulong kung sa tingin mo ay kailangan. Gayundin, sa mga pagkakataong sa tingin mo ay kailangan mo ng iba pang makakausap bukod sa iyong asawa, puwede mong tawagan ang iyong mga kaibigan o kapamilya.

Kaya sa mga nagbabalak nang magpakasal d’yan, alam n’yo na, ha? Make sure na hindi n’yo kalilimutan ang tips na ito nang sa gayun ay happy ang inyong pagsasama at hindi mauwi sa hiwalayan. Copy?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page