top of page
Search

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| February 23, 2021





Minsan, ang boundary ng healthy at unhealthy relationship ay madaling lagpasan, ngunit mahirap malaman kahit may mga signs nang obvious para naman sa iba.


Kaya ang tanong, paano nga ba malalaman kung toxic o abusive na ang isang relasyon? Para sa mga beshy natin d’yang confused kung dapat pang ipagpatuloy ang kanilang relasyon o sadyang nais lang malaman ang mga “red flag”, narito ang ilang senyales:


  1. KULANG SA TIWALA. ‘Ika nga, ang partner ay “someone to rely on,” gayundin, puwede ka ring maging mahina o vulnerable sa harap niya at dapat, kakampi mo siya. Pero besh, lahat ng ito ay imposible kung wala kayong tiwala sa isa’t isa.

  2. HOSTILE CONVERSATION. Sey ng experts, ang ibang form ng ganitong uri ng pag-uusap ay ang pagsigaw, pagbibitiw ng masasakit na salita, pambabato o paninira ng mga gamit at paggamit ng katawan upang manakit. Bukod pa rito, maituturing ding “hostile communication” ang silent treatment, paninisi sa partner, pagsabat habang nagsasalita ang isa at ang pakikinig upang sumagot sa halip na pakikinig upang umunawa. Ayon sa mga eksperto, ang ganitong paraan ng pag-uusap ay nagdudulot ng tensiyon at kawalan ng tiwala ng mag-partner sa isa’t isa.

  3. CONTROLLING BEHAVIORS. Walang karapatan ang iyong partner na kontrolin ang iyong paniniwala. Dahil dito, ayon sa mga eksperto, ang isa sa mga ugaling dapat nating bantayan ay ang pagbabanta sa financial stability at oras sa mga anak. Ito ay dahil ang mga nabanggit na threat ay dahilan kaya nananatili ang ilang tao sa unhealthy at unhappy relationship kahit gusto na nila itong tuldukan. Ilan sa mga senyales ng controlling behavior ay ang pagtuturo sa iyo ng “tama”, pagbabanta, nakikialam sa iyong finances, inilalayo ka sa iyong mga mahal sa buhay at nakikialam sa iyong privacy.

  4. MADALAS NA PAGSISINUNGALING. Maliit man o malaki, tandaang ito ay nakasisira sa credibility ng iyong partner sa paglipas ng panahon. Kapag nagsinungaling siya sa iyo, ito ay senyales na hindi ka niya nirerespeto bilang partner kahit dapat ay honest siya sa iyo.

  5. PURO TANGGAP, WALANG BIGAY. Hindi financially, ha? Kapag ang inyong relasyon ay umiikot na lang sa kaligayahan ng iyong partner at hindi sa iyong pangangailangan, sign ito ng toxicity. Ang pagiging considerate sa iyong partner ay mahalaga, pero kung madalas ay kailangan mong tanggihan o balewalain ang iyong sarili para sa iyong partner, kailangan mong mag-set ng boundaries. At kung dedma o minamaliit niya ang mga ito, alam na.


Siguro naman, knows n’yo na kung anu-anong mga ugali o senyales ang dapat n’yong bantayan sa inyong partner. Kung alam n’yong may mali, maglakas-loob kayong mag-voice out upang hindi ito mauwi sa misunderstanding, na kadalasang nagreresulta sa away o worse, sa hiwalayan. Awww! Gets mo?

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| February 14, 2021





For sure, lahat tayo ay gusto ng full, healthy-looking at magandang eyelashes dahil sa magandang effect na naibibigay nito sa ating mga mata. Well, true naman, kaya marami sa atin ang nagpapa-perm, nagpapalagay ng eyelash extension o madalas na gumagamit ng mascara at lash curler para ma-achieve ito.


Pero hindi sa lahat ng oras, may magandang epekto ang mga gawaing ito dahil may mga pagkakataon ding nalalagas ang eyelashes. Yes, besh! Tipong, akala mo mas gaganda ka, pero hindi pala. Awww!


Ang isa sa mga dahilan nito ay ang poor hygiene at mga kemikal, kaya naman, narito ang ilang natural na paraan upang mapaganda ang ating pilikmata:


  1. CASTOR OIL. Ito ay nakatutulong upang mabawasan ang pagkalagas ng pilikmata sa pamamagitan ng pagbawas sa lebel ng prostaglandin D2 (PGD2), isang uri ng fatty compound na may kaugnayan sa hair loss. Gayundin, ang castor oil ay nagpapakalma sa inflammation o pamamaga na dulot ng mascara at iba pang eye makeup. Ang paglalagay ng castor oil sa pilikmata ay nakatutulong upang makondisyon ang strands nito, gayundin upang kumapal.

  2. NUTRITIOUS DIET. Inirerekomenda ng American Academy of Ophthalmology ang diet na may maraming protein, iron, prutas at gulay upang ma-maintain ang healthy eyelash growth. Knows n’yo ba na ang Vitamins A, B, D at E ay mahalagang bitamina para sa hair growth?

  3. HEALTHY HYGEINE HABITS. Ang ating mga mata ay napakasensitive sa anumang irritation at hindi magandang hygiene habits na nakaaapekto sa pilikmata. Mga beshies, mahalagang tanggalin ang lahat ng makeup bago matulog, iwasang gumamit ng expired na makeup at ugaliin ang regular na paglilinis ng mga makeup brushes at sponge upang maiwasan ang inflammation.

  4. CONSERVATIVE USE OF EYELASH PRODUCTS. Ang madalas na paggamit ng mascara, false eyelashes at eyelash curler o pag-expose ng pilikmata sa mga produkto o treatment na maraming chemical ay nakasisira sa pilikmata. Mas oks ang hydrating routine tulad ng paggamit ng castor oil, petroleum jelly para sa natural at healthier eyelashes.


True na mas magandang gumamit ang natural na paraan para maiwasan ang anumang bad effects ng kemikal. Sa susunod na gusto nating magpabyuti, make sure na hahanap tayo ng ibang paraan na mas healthy at iwas-aberya dahil baka sa halip na ma-achieve natin ito, stress ang abutin natin. Copy?

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| February 9, 2021





Ang tagal na nating nasa bahay!


Ang tanong, kumusta ang bills n’yo? For sure, marami sa inyo ang nagkaroon ng malaking bayarin dahil naka-work from home setup, naka-distance learning at kung anu-ano pa. At gustuhin man nating bawasan ang paggamit ng electronic appliances, mahirap naman.


Kaya worry no more dahil narito ang ilang paraan para mabawasan ang ating bills kahit sa maliliit na paraan:


MAGBAYAD NG BILLS ON TIME. Isa sa mga dahilan kaya mabilis tumaas ang bayarin ay dahil late na ito nababayaran. Ito ay dahil sa penalty ‘pag hindi pasok sa due date ang pagbayad ng bill. Hangga’t maaari, iprayoridad natin ang pagbabayad nito dahil maliban sa pag-iwas sa mga penalty, puwede ka ring maputulan ng kuryente, internet o tubig kung hindi ka agad makakapagbayad. Dahil ngayong sa bahay nag-aaral ang mga bagets at ganundin ang ilang empleyado, ‘di natin dapat hayaang mawalan tayo ng resources.


LIMITAHAN ANG PAGGAMIT NG APPLIANCES. Halimbawa, ang TV, laptop, air conditioner at iba pa. Puwedeng lagyan ng timer ang mga ito nang sa gayun ay makabawas sa bayarin kahit papaano. Gayundin, kung hindi ginagamit ang ibang appliances tulad ng electric fan, bunutin muna ito sa saksakan dahil tandaan, kahit hindi ito ginagamit, basta naka-plug, may singil ‘yan.


IPATAY ANG WiFi SA GABI. Sa panahon ngayon, napakahalaga ng internet dahil maraming bagay ang nakadepende rito tulad ng pag-aabang ng latest news, pag-contact sa mga mahal sa buhay at entertainment. Gayunman, para mabawasan ang gastos dito, kung hindi kailangan ng internet sa gabi, patayin na lang ang WiFi.


IWASANG MANGUTANG. ‘Ika nga, ‘di natin alam kung kailan darating ang sakuna, kaya mahalagang matutunan nating magkaroon ng emergency funds para maiwasan ang pangungutang na nakaaapekto sa pagba-budget at pag-iipon ng pera. Gayundin, iwasang mangutang kung para lang ito sa luho dahil ang bawat utang o loan ay mayroong katumbas na interes. Bagama’t hindi maiiwasan ang kakapusan ng pera, piliing mag-loan sa mga creditors na may mas mababang interest rate para hindi mahirap ang buwanang bayarin.

Gawin nating habit ang pag-iipon at pagtitipid dahil malaking tulong ito sa future. Sa panahon ngayon, talagang kailangan nating maging matalino sa paghawak at paggastos ng pera, kaya it’s time para bawasan ang luho at paggasta nang wala sa budget. Keri?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page