top of page
Search

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| February 21, 2022





Pagdating sa ating skin, madalas tayong naka-focus sa mga produktong ginagamit natin, kung ito ba ay ‘good’ para sa ating balat. Gayundin, madalas nating tinitingnan ang ingredients kung swak sa ating skin type at hindi magiging sanhi ng pimples o acne.


Pero mga besh, knows n’yo ba na hindi lang skin care products ang dapat nating bantayan para makaiwas sa pimples?


Sey ng experts, puwede ring maging sanhi ng acne ang mga kinakain natin, kaya anu-ano nga ba ang mga pagkaing dapat nating iwasan o kontrolin?


1. DAIRY. Ayon sa mga eksperto, partikular mga produktong gawa sa cow’s milk o gatas ng baka. Paliwanag ng isang celebrity esthetician sa US, dahil mayorya ng gatas sa US ay mula sa mga pregnant cow, ang hormone levels sa gatas ay may malaking role sa “excess sebum production” na nagiging sanhi ng acne. Samantala, ang dairy ay common food sensitivity sa karamihan, kung saan tinatayang 68% ng tao sa mundo ay lactose intolerant. At base sa isang pag-aaral sa Science of the Total Environment noong 2010, ang mild food allergies at sensitivities ay nagiging acne at inflammation.


2. SUGARY DRINKS & FAST FOOD. Ayon kay Dr. Muneeb Shah, dermatologist, ang high processed sugar content sa mga fast food ay maaaring maging sanhi ng acne. Samantala, ayon sa American Academy of Dermatology, ang sugary foods and drinks ay posibleng maging sanhi ng pagtaas ng blood sugar, na nagreresulta sa hormonal acne response.


3. WHITE BREAD. Sey ni Dr. Yorum Harth, board-certified dermatologist and specialist in acne phototherapy, ang white bread ay posibleng sanhi ng acne dahil ito ay ‘high glycemic food. Ibig sabihin, nagiging dahilan ito ng mabilis na pagtaas ng blood sugar level gaya ng sugary drinks.


4. WHEY PROTEIN. Ang whey protein ay karaniwang nakikita sa protein powders, na kapag nasobrahan sa pagkonsumo ay nakapagti-trigger ng acne. Tulad ng white bread, ang whey protein ay high glycemic food na nagpapataas ng blood sugar level, na nagreresulta sa oil buildup, na nagka-clog naman ng pores.


Hindi natin sinasabing bawal kainin ang mga nasa itaas, ipinaaalala lang natin na importanteng kontrolado natin ang diet upang hindi maging sanhi ng iba pang problema sa ating katawan, partikular sa ating balat.


Kaya para sa mga ka-BULGAR nating conscious sa skin, lalo na sa acne, take note, ha?



 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| February 14, 2022





Isa sa pinakaayaw nating feeling ay ‘yung masakit ang tiyan. Bukod sa hindi natin alam kung ano’ng nagti-trigger dito, pahirapan ang pagkain dahil tila ‘di natin malaman kung ano ang gusto ng tiyan natin.


Marahil, ‘yung iba ay may kaalaman na kung ano ang dahilan ng pananakit ng kanilang tiyan, for sure, marami pa sa atin ang walang kaalam-alam kung bakit tayo nakakaramdam nito at kung ano ang dapat gawin para maibsan ito.


Kaya naman, kung isa ka sa mga taong ‘di mapakali ang tiyan, read mo ‘to dahil narito ang iba’t ibang sanhi ng pananakit ng tiyan at paraan upang solusyunan ito:


1. GAS. Bagama’t normal ang ‘gas’ o utot dahil parte ito ng digestive process, ang sobrang gas ay maaaring maging sanhi ng pananakit ng tiyan, cramping at bloating. Gayunman, ang “excess gas” ay posibleng resulta ng pagkonsumo ng mga pagkaing nagpo-produce ng gas tulad ng beans, cruciferous vegetables tulad ng broccoli, repolyo, cauliflower, collard greens, kale atbp. Samantala, may mga medical conditions din tulad ng celiac disease, irritable bowel syndrome (IBS), o small intestine bacterial overgrowth.


2. CONSTIPATION. Ito ‘yung hirap ka sa pag-“poop” at sa ibang salita, bihira kang dumumi sa isang linggo. Sey ng experts, posibleng ito ay dahil sa hindi magandang diyeta, kakulangan ng pag-e-ehersisyo o ibang kondisyon tulad ng IBS. Kapag may constipation ka, posible kang makaramdam ng paninikip, cramping o “sharp pain” sa iyong abdomen, gayundin ang pagkahilo. Inirerekomenda ng mga eksperto ang pagdaragdag ng fiber sa diet, regular na pag-e-ehersisyo at pag-inom ng mas marami pang tubig. Gayundin, puwedeng mag-take ng over the counter laxative. Ngunit kung matagal-tagal ka nang nakararanas ng chronic constipation, mas mabuting kumonsulta sa doktor upang magkaroon ng mas angkop at mabisang treatment.


3. GASTRITIS. Ang gastritis ay pamamaga ng stomach lining, na nagreresulta sa pagkahilo at pagsusuka pagkatapos kumain. Ito ay kadalasang resulta ng pag-inom ng alak, helicobacter pylori bacteria, ang karaniwang sanhi ng peptic ulcer disease. Para naman mabawasan ang gastritis symptoms, bawasan ang pag-inom ng alak, iwasan ang acidic at maanghang na pagkain at bawasan ang portion ng pagkain. Ngunit kung hindi nabawasan ang mga sintomas kahit ginawa na ang mga nabanggit, mas oks na magpa-check up na.


4. LACTOSE INTOLERANCE. Ibig sabihin, hindi nada-digest ang lactose o ang sugar na nasa gatas. Kung ikaw ay lactose intolerant, ang pagkonsumo ng gatas ay maaaring mauwi sa abdominal pain o cramping, diarrhea, bloating at pagkahilo.


5. FOOD POISONING. Nangyayari ito kapag nakakain ka ng pagkaing contaminated ng bacteria, parasites, virus o iba pang toxins. Ayon sa mga eksperto, ang karaniwang sintomas ng food poisoning ay pagkahilo at pagsusuka, abdominal pain at cramping, at pagtatae. Gayunman, ang ilang kaso ng food poisoning ay puwedeng magamot ng antibiotics o anti-parasitics, pero kadalasan, kusang nakakarekober ang nabiktima ng food poisoning at habang nagpapagaling, inirerekomenda ng mga eksperto ang pag-inom ng tubig kahit pakonti-konti. Gayundin, para ma-replenish ang nawalang electrolytes dahil sa pagsusuka at pagtatae, uminom ng sports drinks, sabaw at fruit juice.


Ayan, mga besh, no more hulaan kung bakit masakit ang inyong tiyan at mas malinaw na ang mga dapat at ‘di dapat gawin ‘pag nakaramdam ng pananakit nito.


Pero tandaan, kung paulit-ulit ang nararamdaman, tiyaking kumonsulta sa doktor para sa mas angkop na treatment. Okie?


 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| February 7, 2022





Sino ba naman ang may ayaw ng successful career? Siyempre, wala! Marahil, ito ang dahilan kaya marami sa atin — millennial man o hindi— ang nagsisikap upang magkaroon ng maunlad na career.


‘Yung iba, bumubuo muna ng career plan para magkaroon ng direksiyon ang kanilang professional growth. Well, malaking hakbang ito at magandang simula, lalo na para sa mga pursigidong ma-establish ang kanilang sarili. Pero bukod sa pagkakaroon ng career plan, anu-ano pa nga ba ang mga hakbang para magkaroon ng successful career?



1. IMPROVE SKILLS. Bago ang lahat, kailangang “skilled” o hasang-hasa ka sa ginagawa mo. ‘Ika nga, kailangan mong ma-master sa industriyang pinasok mo at para magawa ito, kinakailangang maglaan ng effort at oras para hasain ang iyong skills. Gayunman, advantage para sa iyo kapag sumubok ka ng mga bagong skills kaya naman, ‘wag matakot na gamitin ang iyong strengths nang sa gayun ay maging asset ka ng kumpanya.


2. TIYAGA PA MORE. Kailangan mong maging matiyaga dahil bago ka magtagumpay, tiyak na mahaharap ka sa maraming pagsubok. Gayunman, isapuso ang mga iyong mga gagawin — matagumpay man ito o hindi — at tiyak na makikita mo ang resulta ng iyong pinaghirapan. Okie?

3. MAG-ADJUST SA MGA PAGBABAGO. ‘Ika nga, “Change is constant,” at hinding-hindi natin ito maiiwasan, kaya naman kailangan nating matutong mag-adapt. Ang isang taong magaling mag-adapt, kayang mag-handle ng mga gawain at magtrabaho sa kabila ng pressure ay ang hinahanap ng mga kumpanya. Ang mabilis na pag-adapt o pag-a-adjust sa mga pagbabago ay isang mahalagang skill para magkaroon ng successful career, lalo na ngayong nahaharap tayo sa pandemic.


4. WORK-LIFE BALANCE. Tandaan, ang pagkakaroon ng career ay hindi nangangahulugan na hindi ka na puwedeng magpahinga. Bagkus, ang indikasyon ng successful career ay ang pagkakaroon ng work-life balance. Kaya sa kabila ng hectic schedule, huwag mong kalimutan ang boundary sa pagitan ng trabaho at personal na buhay.

5. REWARD. Huwag mo ring kalimutang i-celebrate ang mga ‘victories’ o mga successes mo sa trabaho dahil deserve mong i-reward ang iyong sarili dahil sa pagiging masipag mo sa trabaho. Okie?


‘Ika nga, bago natin marating ang tagumpay, katakot-takot na mga pagsubok ang kakaharapin natin. Kaya upang malampasan ang mga ito, ‘wag kalimutan ang limang tips na nasa itaas para sa magaan na journey ng inyong successful career. Gets mo?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page