top of page
Search

ni Jeff Tumbado | March 10, 2023




Itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang kongresista sa ikatlong distrito ng nasabing lalawigan na si Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.


Ito ang lumalabas sa imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG)–Degamo na siyang nangunguna sa pagsisiyasat sa nangyaring paglikida sa gobernador.


“These are information that we already knew from the moment we arrested the four suspects six hours from the incident. We then turned over to the DOJ the suspects and the pieces of evidence, as part of the process,” pahayag ng SITG.


“When we forwarded the case for inquest, we have already the complete picture of what transpired before, during and after the incident, including the identities of the suspects. Right now po, the prosecution of the case is under the control of the Department of Justice,” saad pa ng task group.


Sa isang panayam, itinuro rin ng dalawang dating sundalo na kabilang sa mga suspek ang isang ‘Congressman Teves’ umano ang nag-utos na patayin si Degamo na tinukoy umanong drug lord.


Samantala, nanawagan naman ang lead counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio ng kahinahunan ng publiko kaugnay ng pagkakasangkot ng kanyang kliyente sa masaker.


“We call on all concerned to observe sobriety in their pronouncements regarding the allegations against Rep. Arni Teves in the face of certain accusations against him in connection with the killing of Governor Roel Degamo and several other persons,” ani Topacio sa kanyang official statement.


“The killing has already been denounced strongly by Rep. Teves, who has denied involvement therein. It will not serve the ends of justice any by publicly obfuscating the issues prematurely before a thorough investigation in accordance with procedures provided for by law,” saad pa nito.


Kinumpirma naman ng Department of Justice (DOJ) na kabilang si Cong. Teves sa mga iniimbestigahan kaugnay ng mga patayan sa nabanggit na probinsiya.


 
 

ni Jeff Tumbado | March 4, 2023




Asahan na umano ng mga kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) ang mataas na singil sa kuryente ngayong Marso dahil sa nagmahal na halaga ng suplay.


Ayon sa Meralco, tumaas ang presyuhan ng suplay ng kuryente bunsod ng halos dalawang linggong maintenance shutdown at gumagamit na ng mas mahal na fuel ang mga planta sa halip na natural gas.


“Sana ‘di umabot ng piso pero baka malapit sa piso so eh ‘di pa natin alam kasi wala pang billing. Kung diesel pa lang ang titingnan mo nasa around 70-80 centavos na,” pahayag ni Atty. Ronald Vallez, head ng Meralco Regulatory Affairs.


Sa gitna ng inaasahang dagdag-singil, naghahanap na ng paraan ang Meralco upang hindi maging matindi ang epekto nito sa mga kustomer.


“We plan to write to the ERC to request for assistance kung paano ima-manage and I am taking generators to request kung pwedeng i-defer ng ilang buwan ang mga collection para mahati ang impact sa customers kasi medyo malaki nga,” ani Vallez.


 
 

ni Jeff Tumbado | March 3, 2023




Tuloy pa rin ang malawakang tigil-pasada ng ilang transport group sa darating na Lunes, Marso 6, kahit pa hindi na matutuloy ang pag-phaseout sa traditional jeepney sa buong bansa sa Hunyo 30.


Ito ang tiniyak ni Mar Valbuena, pangulo ng Manibela, na magsasagawa sila ng isang linggong tigil-pasada bilang protesta sa jeepney modernization program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Ayon kay Valbuena, kahit pa iniurong ng LTFRB ng hanggang Disyembre 31, 2023 ang deadline sa pagkuha ng konsolidasyon ay hindi sila matitinag sa kanilang ipinaglalaban.

Dagdag pa ni Valbuena, hindi pa niya nakikita ang kopya ng dokumento pero may nakapagsabi umano sa kanya na hindi kasama sa mga tinalakay ang solusyon sa kanilang mga karaingan.


“2021 pinutol ang consolidation. May mga iba-ibang transport cooperative tapos nu’ng pinutol ‘yun, ‘di kami natapos, basura na. Back to zero. Ngayon, kung gusto namin sumali, poproseso ulit kami pero doon na sa naunang kooperatiba na nag-comply,” ani Valbuena.


“Ano implications nito? Hindi na kami magiging kooperatiba. ‘Yung mga miyembro po namin na kasama sa kooperatiba sasali sa existing kooperatiba na naunang nakapag-comply o napayagan. Ano mangyayari du’n? Magmimiyembro na naman kami… May membership fee na naman. Panibagong gastos ulit,” paliwanag nito.


Nasa 100,000 public utility vehicles (PUV) ang umano’y lalahok sa welga na maaaring magparalisa sa transportasyon.


Sa ilalim ng programang modernisasyon ng PUV, inoobliga ang mga operator at driver ng mga tradisyunal na jeepney na magbuo o sumali sa kooperatiba para makakuha ng prangkisa, at ng mas mahal, moderno at environment-friendly na jeepney.


Nitong Miyerkules nang ihayag ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz sa ipinatawag na pulong balitaan na maglalabas sila ng bagong memorandum circular na nagsasaad ng pagpapalawig ng deadline ng prangkisa para sa mga tradisyunal na jeepney hanggang December 31, 2023.


Nakatakda sanang mapaso ang naturang mga prangkisa sa darating Hunyo 30.


“To be honest there is no pressure for us for this strike because more than 90% of the transport groups have signified their support to the program of the LTFRB,” pahayag ni Guadiz.


“In deference to the Senate resolution of Senator Grace Poe and to the request of the secretary of the Department of Transportation, we will be extending the deadline to allow the transport sector more time to consolidate,” dagdag pa ng opisyal.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page