top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 26, 2024



Photo: Marian Rivera / Home Credit - Instagram


For sure ay maraming hindi maniniwala at magtataas ng kilay sa 10th floor na kahit ang isang Primetime Queen na si Marian Rivera, nangungutang din pala!


But yes, it's true, at 'yan ang inamin ni Marian kahapon sa renewal of contract niya with Home Credit, kung saan pumirma siya ng another 2 years as ambassadress ng country’s leading consumer finance company na nagse-celebrate na ngayon ng 11th year with 11 million customers na rin!


Paliwanag ni Marian kung bakit kailangan pa niyang mangutang sa Home Credit gayung kayang-kaya naman niyang bumili nang cash ng anumang magustuhan niya, "Sabi ko naman, hindi ko ieendorso kung 'di ko nasubukan talaga."


Dagdag pa niya, "Eh, bakit naman hindi? Why not? Paano naman 'yung mga mahal ko sa buhay? Paano nila malalaman na puwedeng gamitin ito kung 'di ko sasabihin at hindi ko susubukan?


"Kung sarili ko lang ang iniisip ko, hindi ko ieendorso si Home Credit. Pero bilang marami akong mahal sa buhay at ine-extend ko 'yan sa inyo, gagawin ko 'yan dahil ang tiwala ko sa Home Credit ay 100%," sagot ni Marian, na kahit ang Chief Marketing Officer na si Ms. Sheila Paul ay napapalakpak sa bilib sa galing magsalita ng aktres.


Biniro namin si Yan kung hanggang magkano ba ang puwedeng i-loan sa Home Credit at puwede kayang ibili ng milyones na bag ng Primetime Queen?


Natawa sina Marian at Ms. Sheila at maging ang HCPH Business Development Officer na si Mr. Zdenek Jankovsky na katabi ng aktres sa mediacon.


Pabirong sagot din ni Ms. Sheila, "Hindi po namin kaya 'yung bag ni Marian Rivera."

Pero ang good news sa paliwanag ng Home Credit Chief Marketing Officer, kahit nagsisimula sa maliit ang puwedeng i-loan, 'pag maganda naman daw ang performance ng nangungutang, puwedeng lumaki nang lumaki ang hinihiram.


Kaya nga ang misis ni Dingdong Dantes, dahil good payer, aba, nakapag-loan pala ng iPad at cellphone para sa kanyang pretty dyunakis na si Zia, bukod pa 'yung mga needs ng mga kasambahay niya, ha?


So bongga naman! 


Basta ang payo lang ni Marian sa mga mahilig mangutang, know your priorities at dapat marunong magbayad para 'di malubog sa utang, 'no?!



Baguhan ang pambato sa Maynila… PBBM, INILAGLAG SINA HONEY, ISKO AT SAM SA 2025 ELECTIONS


Photo: PBBM, Mahra Tamondong, Isko Moreno, Sam Verzosa at Honey Lacuna - FB


NA-MEET namin recently ang isa sa mga aspiring mayors ng Manila na si Super Mahra Tamondong.


Siyempre, ang tanong ng lahat sa kanya, saan siya humuhugot ng lakas ng loob para banggain ang mga big personalities at pader nang sina incumbent Mayor Honey Lacuna, ex-Manila Mayor Isko Moreno, Tutok to Win Partylist Rep. Sam Verzosa at maging ang magaling at sikat na aktor na si Raymond Bagatsing na pare-parehong naghahangad na mamuno at maging ina/ama ng lungsod.


Sagot ni Super Mahra, hindi raw siya natatakot sa mga babanggain niya dahil naniniwala siyang ang pagtulong niya sa mga senior citizens ang magdadala sa kanya sa pangarap niyang mahalal bilang alkalde.


At sa tanong namin kung may background ba siya sa pulitika or kung nag-aral ba siya ng batas para sa kanyang posisyong inaasinta, ang sagot ng pambato ng KBL (Kapisanan ng Bagong Lipunan), kahit naman daw ang ilang artista at kandidatong tumatakbo, marami ring walang alam sa batas dahil ang mas mahalaga ay ang malasakit nila sa kanilang mga nasasakupan.


At confident si Super Marah na may laban siya dahil dinadala nga raw siya ng partido ni Pangulong Bongbong Marcos.


Hmmm… Bakit nga kaya isang baguhan na never pa namang nahalal sa anumang posisyon sa gobyerno ang sinusuportahan ni PBBM at hindi ang mga kilala nang personalidad na sina Mayor Honey, Isko at Sam?


Well, ang mga taga-Maynila na lang siguro ang makakasagot niyan.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 25, 2024



Photo: Sanya Lopez / Instagram


Napaiyak ang Pulang Araw actress na si Sanya Lopez sa ginanap na Pandesal Forum kahapon sa Kamuning Bakery nang mapag-usapan ang tungkol sa mga lolang biktima ng panggagahasa ng mga Hapon nu’ng panahon ng giyera o mas kilala sa tawag na ‘comfort women’.


Ang topic kasi ng forum ay “Justice for Filipino Comfort Women” kung saan naimbitahan si Sanya at ang co-star niya sa Pulang Araw na si Ashley Ortega na magbahagi ng kanilang saloobin tungkol sa usapin ngayong naranasan na nga nila ang pinagdaanan ng mga comfort women dahil sa kani-kanilang role sa GMA-7 serye.


Naging emosyonal si Sanya habang nagkukuwento ng mga istoryang nalaman niya mula sa ilang lola na nakausap niya bago nila inumpisahan ang Pulang Araw, kung paano inabuso ang mga ito at ang kanilang mga kapamilya nu’ng panahon ng giyera.

Masyadong naapektuhan si Sanya sa kuwento ng mga comfort women at talagang dinibdib niya ito lalo’t mukhang emosyonal na tao rin ang aktres.


Pero nang matanong naman siya kung ano’ng mga natutunan at naging realization niya playing her role in Pulang Araw na rape victim din ng Hapon at kung gusto pa rin ba niyang magpunta sa Japan, ang sagot ng aktres, love na love raw niya ang mga comfort women at nakikisimpatya siya sa pinagdaanan ng mga ito. 


Nakikiisa rin daw siya sa mga grupong kumokondena sa ginawang pang-aabuso sa mga comfort women at sa panghihingi ng hustisya sa sinapit ng mga ito.


Gayunpaman, aminado si Sanya na masarap ang mga pagkain sa Japan at mababait din naman ang mga Japanese na nakilala niya sa mga travels niya roon, kaya hindi naman daw nangangahulugan na magagalit na rin siya sa mga Hapon dahil sa mga nangyari nu’ng World War II.


Ganu’n din naman ang naging pananaw ni Ashley, hindi naman daw lahat ng Hapon ay rapist at masama, may mabubuting Japanese pa rin daw.

Pabirong tinanong nga namin ang dalawa, paano kung may Hapon na manligaw sa kanila, ie-entertain ba nila?


Natawa rin sina Sanya at Ashley at ang sagot nila, as long as mabuting tao naman at may values na makakasundo nila, why not?


Ohhh, “hashtag marupok” lang daw ang peg nila. Char!


Para naman kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na present din sa Pandesal Forum kasama ng grupong Flowers for Lolas, naniniwala siyang kailangan lang na patuloy na i-educate ang mga kabataan tungkol sa ating kasaysayan at ‘wag isawalang-bahala ang malupit na pinagdaanan ng mga comfort women upang magsilbi itong paalala sa bagong henerasyon na ‘wag nang hayaang mangyari uli ito.


Ang isa sa mga hangad lang daw nila kaya isinusulong ang justice for comfort women ay mag-sorry ang Japanese government sa mga comfort women nang sa gayon ay makamit nila ang hustisya. Kaya pati sa ating gobyerno ay patuloy silang nananawagan para bigyan ng pansin at aksiyon ang hustisyang hinihingi ng mga biktima ng World War II mula sa kamay ng mga sundalong Hapon.



First time lang nagsama, game agad… 

JASMINE, 'NATIKMAN' NA NI JOHN LLOYD


HINDI naman tuluyang iniwan ni John Lloyd Cruz ang showbiz kahit medyo matagal na rin itong nagpahinga sa paggawa ng serye at sitcom.


In fact, may ginawang pelikula si John Lloyd na hindi lang siya actor kundi co-producer pa, ang Moneyslapper na isa sa mga pelikulang iso-showcase sa gaganaping 12th Edition ng QCinema International Film Festival na magsisimula sa Nov. 8 hanggang Nov. 17.

First time makakasama ni John Lloyd sa naturang film ang younger sis ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith. 


Dahil nasa iisang management lang sila, ang Crown Artist Management na pinamamahalaan ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez, si JLC na rin ang nag-suggest na si Jasmine ang makasama niya sa movie.

Tinanong namin si Jasmine kung ano’ng natutunan niya kay JLC working with him for the first time.


Sagot ng aktres, “Magpakatotoo ka talaga pagdating sa pagtatrabaho mo.”

Tulad daw ng ginawa ni JLC na dahil gusto nitong gumawa ng film na kakaiba kahit pa indie, nag-produce ito para mapagbigyan ang pangarap nito.


Tinanong namin si Jasmine kung na-experience ba niya ang sinasabi ng ilan na pagiging “malalim” ni John Lloyd dahil artist nga ito at ‘di basta artista lang.


“Oo, I think so naman, na-experience ko ‘yung tunay na pagkatao niya,” ani ng aktres, sabay kuwento na natuwa siya nang makita si John Lloyd na kumakain sa isang pares house sa Pampanga after ng shooting nila, mga around 11 PM na.


‘Yung akala raw ng iba na sosyal at maselan si John Lloyd dahil artista, nakita raw niya kung gaano kasimple ang aktor, kaya ginaya na rin daw niya ito at kumain na rin ng pares.


Inamin din ni Jasmine na may love scenes sila ni John Lloyd sa Moneyslapper pero wala naman daw naging issue sa non-showbiz boyfriend niya dahil suportado nito ang kanyang career.


Kinumusta na rin ng press ang love life ni Jasmine at aniya, lagi nilang napag-uusapan ni Jeff Ortega ang kasal, though hindi pa naman daw ito nagpo-propose.


At tungkol sa pagkakasangkot niya sa fake news na hiwalay na ang sister na si Anne Curtis at mister na si Erwan Heussaff na siya ang dahilan, pare-pareho na lang daw nilang tinawanan ito dahil alam naman nila ang totoo.


Samantala, The Gaze ang tema ng 12th edition ng QCinema International Film Festival

kung saan tampok ang 77 pelikula na kinabibilangan ng 22 shorts at 55 full-length features sa iba’t ibang kategorya.


Sa unang pagkakataon ay apat ang napili para sa short films na produkto ng Directors’ Factory Philippines. Isang omnibus film project na nagsimula sa Cannes Directors’ Fortnight na ipinalabas sa 77th Cannes Film Festival noong Mayo ang magbubukas ng filmfest simula Nobyembre 8.


Ang QCinema 12 na gaganapin mula Nov. 8 to 17 ay mapapanood sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma, Red Carpet sa Shangri-la Plaza, at Powerplant Mall.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 23, 2024



Photo: MMFF 2024 / Instagram


Nakakatuwa naman na bago pa man magbalik-pulitika si Star for All Seasons Vilma Santos ay nakagawa muna ito ng pelikula na take note, pasok pa sa Metro Manila Film Festival 2024 sa December.


Yes, in-announce na nga kahapon ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang natitirang limang entries na pasok sa gaganaping taunang film festival sa December at isa nga ang Uninvited nina Ate Vi at Aga Muhlach kasama ang magaling ding aktres na si Nadine Lustre sa 10 official entries.


Maging ang Mentorque Productions producer na si Sir Bryan Dy ay tuwang-tuwa sa pagkakapasok ng Uninvited sa MMFF 2024 dahil pagbubuking nga niya sa amin nang makapanayam namin siya kahapon sa announcement ng MMDA, dream project pala ni Ate Vi ang Uninvited at istorya raw talaga ito ng aktres. Meaning, siya ang nag-suggest ng kuwento na ididirek nina Dan Villegas, Antoinette Jadaone at Irene Villamor. 


Samantala, bukod sa Uninvited, tuwang-tuwa rin ang Nathan Studios producer na si Ms. Sylvia Sanchez dahil pumasok din sa natitirang 5 entries ang Topakk na pinagbibidahan ng anak niyang si Arjo Atayde at ni Julia Montes. 


Napanood namin ang trailer ng Topakk at ngayon pa lang, excited na kaming mapanood ito tulad din ng excitement naming mapanood ang Uninvited nina Ate Vi,


Aga at Nadine na trailer pa lang din, magkakainteres ka na talagang panoorin.

Ang tatlo pang pelikulang masuwerteng pumasok sa 10 official entries ng MMFF 2024 ay ang My Future You na pagbibidahan ng young love team nina Francine Diaz at Seth Fedelin mula sa Regal Films; Hold Me Close nina Julia Barretto at Carlo Aquino mula naman sa Viva Communications, Inc.; at Espantaho nina Judy Ann Santos at Ms. Lorna Tolentino.


Una nang nai-announce few months ago ng MMDA sa pamumuno ni Chairman Romando Artes at ng MMFF Committee kung saan kabilang din si Ms. Boots Anson-Rodrigo ang first 5 official entries.


Kabilang naman dito ang And The Breadwinner Is na pinagbibidahan ni Vice Ganda; Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid; Himala, Isang Musikal na pagbibidahan nina David Ezra, Victor Robinson, Aicelle Santos & Bituin Escalante; Strange Frequencies: Haunted Hospital tampok sina Enrique Gil, Rob Gomez, Jane De Leon, Alexa Miro & MJ Lastimosa; at The Kingdom na first time pagsasamahan nina Bossing Vic Sotto at Dingdong Dantes kasama sina Sue Ramirez at Cristine Reyes.


Kasabay ng ginanap na announcement kahapon, ini-reveal na rin ng MMFF Committe ang design ng trophy na ginawa ng renowned Filipino artist na si Jefre.


Ang ganda at ang sosyal ng trophy na bagay na bagay sa 50th anniversary ng MMFF.


Ngayon pa lang, tiyak na hindi lang ang manonood ang excited sa magiging salpukan ng mga big stars sa box office sa upcoming MMFF 2024 sa December, kundi maging ang mga artistang tampok sa bawat pelikula, tiyak na excited na rin sa gagawing parada, promotion at awards night, lalo’t very remarkable nga sa kani-kanilang career ang mapasama sa 50th year ng Metro Manila Film Festival, lalo na kung mag-uuwi pa sila ng trophy.


Sylvia, no choice kahit gustung-gusto nang i-post… RIA AT ZANJOE, AYAW ILANTAD ANG MUKHA NG ANAK SA SOCMED




SPEAKING of Ms. Sylvia Sanchez, bago namin ito nakita kahapon sa announcement ng MMFF second batch of entries, nakapanayam din namin ito sa last mediacon para sa upcoming concert ni JK Labajo na Juan Karlos Live na gaganapin sa Nov. 29 sa Mall of Asia Arena.


Ang Nathan Studios kasi na pag-aari ng pamilya Atayde ang producer ng first major concert ni JK Labajo.


Nakumusta kay Ibyang ang kanyang pagiging lola for the first time at siyempre, tuwang-tuwa ito at excited na nagkuwento tungkol sa kanyang unang apo kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.


Enjoy na enjoy nga si Ibyang sa pagsa-shopping at pag-i-spoil sa kanyang apo na aniya, kamukha ni Zanjoe pero kakulay ni Arjo na tisoy.


‘Yun lang, hindi pa niya maipakita sa publiko ang mukha ng apo kahit pa kating-kati na raw siyang ipagmalaki ito dahil inirerespeto niya ang kagustuhan ng mag-asawang Ria at Zanjoe na ‘wag munang ipakita ang mukha ng anak sa social media.

Kaya fake raw ‘yung picture ng batang kumalat sa socmed na sinasabing anak nina Zanjoe at Ria.


Anyway, natanong din si Ms. Sylvia kung totoo bang dapat ay tatakbo siyang konsehal sa Kyusi tulad ng napabalita pero hindi nga natuloy.


Pag-amin niya, marami talaga ang nag-alok sa kanya, pero aminado naman siyang wala pa siyang alam sa batas ngayon, kaya ayaw naman niyang basta na lang pumasok sa pulitika.


Bukod diyan, ang dami rin niyang inaasikaso tulad nga ng mga projects ng Nathan Studios na producer ng Topakk na isa nga sa mga official entries sa MMFF 2024.


Nae-enjoy din daw niya ang pag-aalaga sa kanyang apo, kaya wala raw talaga sa isip niya ngayon ang pagpasok sa pulitika at ipinaubaya na niya ito kay Konsehal Arjo Atayde at sa kanyang manugang na si Zanjoe na tatakbong ASAP Partylist representative.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page