top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 6, 2024



Photo: Jinkee Pacquiao - IG


Naku, aminiiin… bukod sa pagiging Marites nating mga Pilipino, isa talagang ugali natin ay mahilig tayong sumunod sa uso. 'Yung kung ano ang trending, kailangan join tayo d'yan at kesehodang maglustay ng datung, kahit hindi naman natin kailangan ay buy pa rin!


'Yun, eh, kung sobra-sobra ang cash natin at wala tayong mapaglagyan, tulad na lang ni Mrs. Jinkee Pacquiao, ang misis ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.


Bukod kasi sa collection niya ng mga designer bags, shoes at clothes, aba'y isa rin pala si Jinkee sa mga nababaliw at nagko-collect ngayon ng usung-usong Labubu dolls.


Nadaanan namin sa Instagram ang mga recent posts ni Jinkee ng kanyang Labubu dolls collection.


Ay, grabe, mukhang kinabog niya sina Marian Rivera at Heart Evangelista sa dami ng Labubu dolls niya, ha?


Imagine, meron siyang mga Labubu dolls sa kanilang sofa sa sala (sana all, nakakaupo sa mamahaling sofa, char lang!), may mga naka-display sa cabinet na nakasuot pa ng damit na tatak-Chanel, Gucci at LV with matching bag pa, then may mga nakasabit din sa gilid ng malaking-malaking mirror nilang nakasandal sa wall.


Bukod pa riyan 'yung mga palawit sa bag ni Jinkee, ha?


Well, for sure, barya lang naman kay Jinkee 'yan kahit mala-department store na ang kanilang bahay ni Manny sa dami ng Labubu collection niya. 


Ang mahalaga naman, pera nila ang ipinambibili niya at 'di naman ninakaw sa bayan.

But wait, hindi ba't tatakbo si Jinkee sa 2025 midterm elections bilang nominee ng MPBL Partylist?


Para sa amin lang, ha, di mas maganda sanang ang ipino-post niya sa kanyang Instagram account ay 'yung pagdamay at pagtulong nila sa mga nabiktima ng bagyo at baha. 


Though dati pa naman ay may mga charity works na ang mag-asawa, mas convincing lang kasi para sa gustong maging public servant 'yung makita mong consistent ang pagtulong kesa 'yung kaiinggitan mo siya dahil tila naging status symbol na rin ang pagkokolekta ng Labubu dolls.


Sige siya, baka mamaya, mga "Labobong" botante lang ang bumoto sa kanya sa eleksiyon. Awww!


Mga bagong filmmakers, ginagastusan ng mayor… LIZA DIÑO, TODO-EFFORT PARA MAGING "HOLLYWOOD" ANG KYUSI 



Nakakabilib ang dedikasyon at effort ni dating Film Development Council of the Phils. Chairwoman Liza Diño na tulungang patuloy na mabuhay ang movie industry sa pamamagitan ng mga projects na makakapagpalawak ng reach ng mga Filipino filmmakers.


Nawala man si Chair Liza sa FDCP, hindi ito tumigil sa pag-iisip at pag-i-implement ng mga proyekto para sa ating local film industry, kaya bilang Executive Director ng Quezon City Film Commission (QCFC) at Managing Director of QCinema Project Market, lipad dito-lipad doon sa kung saan-saang bansa ang ganap ni Chair Liza para makipag-negotiate at makahanap ng mga investors na makikipag-co-produce sa mga filmmakers ng ating bansa.


Ang taba-taba rin ng utak niya sa pag-iisip ng mga proyektong makakatulong para sa mga local filmmakers para patuloy na sipaging mag-produce ng mga de-kalidad na pelikula na maipagmamalaki natin sa iba't ibang bansa at maging globally competitive.


Kaya sa pamamagitan ng QCinema Project Market na ipinagkatiwala sa kanya ni QC Mayor Joy Belmonte since 2023, ultimate goal ni Chair Liza na maging "Hollywood" ang Kyusi at kilalanin ang lungsod maging sa aspeto ng turismo kung makakagawa tayo ng maraming pelikula na maipapakita ang mga maipagmamalaki ng Quezon City.


Aminado si Chair Liza at ang kanyang team sa QCinema Project Market at maging ang mga bumubuo sa QCinema International Film Festival na taun-taon ay may inilalaang budget sa kanila ang QC government para makatulong nga sa ating film industry at the same time ay mai-promote rin ang lungsod upang makapang-engganyo ng mga foreign investors na makakatulong sa ating ekonomiya.


Kaya naman iniimbitahan din nilang suportahan ang QCinema International Film Festival na magsisimula na ngayong Nov. 6 hanggang 12 kung saan 55 full-length films at 22 short films ang puwedeng mapanood sa iba't ibang sinehan sa lungsod.


Mas marami nga namang makakapanood ay mas okay dahil may mababalik sa kaban ng bayan para magamit pa sa mga susunod na proyekto ng QCinema.


Samantala, para naman sa second year ng QCinema Project Market ni Chair Liza na magaganap from November 14 to 16, 2024, kasabay ng much-anticipated Asian Next Wave Film Forum and Creative Industries Day, these events offer filmmakers, directors, producers, and industry leaders unparalleled opportunities for collaboration, learning, and networking.


Kaya inaanyayahan ang lahat ng filmmakers na sumali at mag-submit ng kanilang story dahil sa pamamagitan ng QCinema Project Market, puwede nga silang makahanap ng mga sponsors na handang gumastos para i-produce ang kanilang pelikula.


Magkakaroon din ng awarding ang QPM na divided into ten categories, providing financial support and essential post-production services.


Three Filipino projects will receive the QPM-PH Co-Production Grant, with each project

awarded PHP 2,000,000. Meanwhile, the QPM-SEA Production Prize will grant PHP

1,000,000 to one outstanding Southeast Asian project and PHP 750,000 each to two others.


Post-production services also play a significant role in the prizes. The Mocha Chai Award

offers post-production support worth USD 50,000, while the Kongchak Studio Award provides USD 10,000 in sound post-production services at their studios in Cambodia. Color correction services are made available through the Central Digital Lab Award which grants two projects USD 10,000, and the Barebones Award, offering four color-correction grants of USD 14,000—two each for Filipino and Southeast Asian projects. The T6xBB Award also provides USD 14,000 worth of post-production services for one Filipino and one Southeast Asian project.


Bukod diyan, ang CMB Discovery Award offers equipment rental support of PHP 1,000,000 for one project and PHP 500,000 for another. 


Lastly, one project receives the Nathan Studios Development Prize of PHP 250,000, while the TAICCA Award gives a cash prize of USD 5,000.


The winners of the QPM awards will be announced on November 16, 2024.

And wait, there's more!


Sa November 15, QCFC will hold the Creative Industries Day, an immersive event

designed to foster collaboration across sectors in the creative economy. Kasama rito ang workshops, networking mixers, and roundtable discussions on film industry policies, international collaborations, and funding mechanisms, emphasizing local and international partnerships to foster the growth of Quezon City's local film industry.


Ang QC Film Commission (QCFC) naman ang magho-host ng Asian Next Wave Film Forum on November 16, 2024. This forum delves into the evolving landscape of Asian cinema, with panels and masterclasses focused on blending art-house and genre filmmaking, international co-productions, and the role of film festivals in elevating Asian stories.


So, 'wag nang magpapetiks-petiks, 'no! Galaw-galaw at mag-join na sa maraming opportunities na ino-offer ng QCinema Project Market!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 4, 2024



Photo: Priscilla Meirelles - IG


Palaban at hindi talaga magpapaagrabyado ang estranged beauty queen wifey ni John Estrada na si Priscilla Meirelles.


Heto nga't matapos mag-viral at pagpiyestahan ng mga netizens sa social media ang photos at videos ni John na nakaakbay sa isang tisay at matangkad na girlalu sa isang bar, may mga pa-shade nang posts si Priscilla sa kanyang Instagram account.


Isa sa mga latest IG Stories ni Priscilla ay ang video ng isang lalaki na nagsasalita

tungkol sa “Karma is real”.


Ayon sa lalaki sa naturang video clip, "Karma is real. The way you treat people will always come back to you. So never lower yourself to somebody else's level. You do the right thing and it comes back that way every time." 


Bukod dito, may isa pang IG post si Priscilla na isang artcard na black ang background at ang mensaheng nakalagay ay: “When someone makes you an option, make them a memory.”


Komento naman ng mga affected much sa nangyari kina John at Priscilla…


He will never change. From Janice to Vanessa... hihihi”


“Ginawa kay Janice, kay Vanessa, sa kanya. Kaya malamang gawin ulit du’n sa bago. Wait lang tayo.”


Pag-aanalisa naman ng isang netizen kung bakit naghanap pa rin ng iba si John kahit super-ganda at sexy na ng kanyang misis, “Girls, I’m not siding with John, ha? I’m a mother also. Thankfully this is not my experience pero ang lalaki ‘pag ayaw na sa ‘yo, ayaw na talaga. No amount of pa-sexy or parinig will make him come back. Ang napapansin ko kay John is depressed s’ya maybe because maaga siyang nag-asawa. Madaming anak or maybe because of work. It could be any reasons. So my point is just let them go. Kahit kasal kayo, just let him go. You cannot force someone to stay in your life, let them be free.”


Well, lagi naman nating sinasabing there's always two sides of a coin in any issues, pero dahil may record si John at may pattern na ang kanyang pakikipagrelasyon na nauuwi sa hiwalayan dahil sa third party, eh, ‘wag siyang magagalit o mapipikon kung inuulan siya ngayon ng pambabatikos lalo't hindi pa man annulled ang kasal nila ni Priscilla, hayan at may ipine-flex at idini-display na siyang bagong girlalu.


GF ni Rayver, dedma sa bashers…

SEXY CALENDAR PHOTOS NI JULIE ANNE, EDITED LANG DAW



Maingay ang pagiging Ginebra San Miguel Calendar Girl ni Julie Anne San Jose dahil may kani-kanyang opinyon at komento ang kanyang mga fans at maging ang mga bashers na rin ng Kapuso actress.


Natuwa ang mga fans ng girlfriend ni Rayver Cruz dahil level-up na raw ang career at image ni Julie sa pagiging Calendar Girl niya ng GSM at ka-level na nga niya ngayon sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Yassi Pressman at Heaven Peralejo na mga unang naging endorsers at Calendar Girl ng liquor brand.


Kaya lang, may mga inggiterang frog na hindi happy sa pagiging Calendar Girl ni Julie Anne kaya ang ipinagkakalat nila, edited daw ang mga sexy shots ng singer-actress sa naturang calendar photos na for the year 2025.


May mga nanlalait pa sa hitsura ni Julie Anne gayung fresh and blooming naman ngayon ang Limitless Star dahil sobrang in love sa BF na si Rayver.


As we write this, mukhang dedma lang naman si Julie Anne sa mga bashers niya. 

Oo nga naman, kahit ano pa ang sabihin nila, siya ang pinili ng GSM bosses para maging Calendar Girl 2025 kaya umapela na lang sa barangay ang mga mema. Hahaha!!!


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 2, 2024



Photo: John Estrada - Instagram


Mukhang no second chance na talaga sa mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles dahil idini-display na raw in public ng Batang Quiapo actor ang kanyang bagong “apple of my eye”.


Nag-viral nga ang ilang pictures ni John kasama ang sinasabing bagong girlalu nito na hitsurang foreigner din dahil tisay at matangkad at hawig pa nga kay Priscilla.


As expected, kahit pa una nang nabalitang hiwalay na sina John at Priscilla, na-bash pa rin ang aktor dahil ang paniwala ng mga netizens, ang pagiging womanizer na naman ni John ang dahilan ng paghihiwalay nila ng beauty queen na misis. 


Ilan sa mga komentong nabasa namin sa socmed kasabay ng paglabas ng picture ni John at ng kanyang rumored new GF, tumanda na lang daw ang aktor nang hindi na nagbago at ‘di na talaga magbabago.


May mga nagsabi pang ‘di talaga makuntento si John at sakit na nito ang pambababae. 

Nakakatawa namang pati sina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral ay nadamay pa dahil may bago raw silang karibal kay Rigor (karakter ni John sa BQ). 


Well, abangan na lang natin ang reaksiyon ni Priscilla ngayong lantaran nang inirarampa ni John ang kanyang bagong girlalu. 



Baon lang daw ang ibinibigay ng padir…

ANAK NI WILLIE, NAGING TAGALINIS PARA MAKABILI NG KOTSE




FIRST time naming na-meet in person at naka-one-on-one interview ang unico hijo at bunsong anak ni Willie Revillame na si Juan Emmanuel Revillame a.k.a. Juamee last Thursday (Oct. 31).


Nag-birthday last Oct. 30 ang 19-year-old son ni Kuya Wil sa ex-wife na si Liz Almoro at imbes nga magpa-party, naisip daw ni Juamee na gayahin ang pagtulong ng kanyang ama sa mga mahihirap at nangangailangan ng tulong kaya ‘yung pa-birthday sa kanya ng ama ay ibinili na lang nito ng food packs at mga gifts para sa mga cancer patients sa National Children's Hospital sa QC.



Nag-solicit din si Juamee sa kanyang mga kaklase na isinama rin niya sa gift-giving nila sa NCH.


Wala si Kuya Wil that time kaya ang mga trusted staff niyang sina Wheyee Lozada at Ms. Dada Cruz ang umalalay kay Juamee sa pagbibigay ng food packs at pagpapasaya sa mga batang pasyente.


Nakausap namin si Juamee after ng gift-giving at naikuwento niya na hindi naman ito ang first time na gumawa siya ng charity event. Third time na raw niya ito at last time ay mga lolo at lola naman ang pinasaya niya, na siyempre ay inspired sa kanyang ama na bata pa siya ay nakikita na niyang tumutulong.


Tinanong nga namin si Juamee at biniro kung generous din bang daddy sa kanya ang kanyang Papa Willie.


Pagpapakatotoo naman ng bagets, kung disciplinarian boss si Willie sa kanyang mga staff sa Wil To Win, ganu'n din ito magdisiplina sa kanya.


Although binibigyan naman daw siya ng baon o food allowance ng ama, kinailangan niyang magtrabaho bilang tagalinis ng jetski at naging car sales agent at the age of 16 bago siya nakabili ng kanyang first car.


Tough love raw talaga ang style ni Kuya Wil, though hindi naman ito nagkulang financially at sa oras kahit pa super busy nito bilang TV host at businessman.


Ang dami pang ikinuwento sa amin ni Juamee tungkol sa kanya at sa relasyon nila ng amang si Kuya Wil na panoorin n'yo na lang sa aming exclusive interview sa kanya sa eBulgar YouTube Channel.



NA-HOT seat si Sen. Alan Peter Cayetano sa birthday episode niya sa CIA with BA last Oct. 27.


“Debate sa Senate o debate kay misis?” isa sa mga tanong na sinagot ni Sen. Alan sa episode ng CIA with BA sa espesyal na edisyon ng segment na Payong Kapatid bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan.


Ang tanong ay mula kay Angelo Borlongan, isang pulis na minsang itinampok sa segment na Salamat.


“Mas madali sa Senate. Kahit papa’no, may panalo ako du’n sa debate. Kay misis, kahit panalo, talo pa rin. Kay misis, pakiusap, hindi debate,” biro ni Sen. Alan.

Isa pang tanong ang nagmula kay Mocha Uson: “Paano ba maging feeling young forever? Ano’ng sikreto mo?”


Seryoso itong sinagot ni Sen. Alan, “Ang dami kong gustong sabihin pero bottomline [is] tiwala lang sa Panginoon. Live by faith, not by sight.”


Nagbigay naman ng mas seryosong tanong si Jimmy Bondoc: “Is being a Christian an asset or a liability in the political world? I really want to know.”


“It’s not about being an asset or a liability. It’s really what you value. So to me, seeking God’s kingdom, being a Christian, is everything. If you go into public service and you have to give that up, public service is not worth it,” sagot ng senador.


Bilang pagtatapos, sinabi ni Cayetano, “This birthday, I know it’s special, but there are so many people struggling din so I hope Ate [Pia], Kuya Boy, myself, the show, our family can also be a gift to you. We hope to continue to do more through CIA with BA.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page