top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 14, 2024



Photo: Nakausap namin ang mga pambatong radio hosts ng Radyo 630 TeleRadyo Serbisyo na sina T’yang Amy at si Winnie Cordero na napapakinggan sa DWPM mula sa dating DZMM sa thanksgiving mediacon. (Bulgar Photo)



Pinabulaanan ni T’yang Amy Perez ang ayaw tumigil na tsismis na hanggang December na lang ang noontime show nilang It’s Showtime na umeere sa GMA-7.


Nakausap namin ang isa sa mga pambatong radio hosts ng Radyo 630 TeleRadyo Serbisyo na napapakinggan sa DWPM mula sa dating DZMM sa thanksgiving mediacon na ginanap last Tuesday sa Seda Vertis North sa QC kung saan kasama rin ni T’yang Amy si Winnie Cordero. 


Aniya, wala naman daw sinasabi sa kanila ang mga bosses nila sa It’s Showtime kaya ang mga ito na lang ang tanungin. 


“Wala kaming alam d’yan. Pero kami ay mga sundalo lang na susunod kung saan kami dadalhin ng panahon.”


Hayaan na lang daw ang mga taong nagkakalat ng tsismis kung ayaw ng mga ito ng positibong bagay. 


Secured naman daw siyang hindi totoo ang mga kumakalat at nagpapasalamat siya sa kanyang mister na si Carlo Castillo na pinapayagan pa rin siyang magtrabaho. 


Samantala, dahil public service ang show ni T’yang Amy na Ako ‘To Si T’yang Amy sa DWPM TeleRadyo Serbisyo, naitanong namin kung may posibilidad bang pumasok din siya sa pulitika? 


Ang bilis ng sagot ng TV-radio host, ha? 

“Nooo! Puwede ka namang tumulong. Wala, wala akong plano. Wala, wala talaga. 

“Panahon pa lang ng MTB, tinatanong na ako d’yan if gusto kong tumakbo. Marami na, since MTB days, konsehal, ganito, ganyan, it’s a no for me.”

Bakit ayaw niyang pumasok sa pulitika? 


Ang bilis uli ng sagot niya, “Matahimik ang buhay natin, masaya. Ayaw natin ng kumplikasyon. Puwede naman tayong tumulong kahit wala sa pulitika.”


Sabagay, tama naman siya ru’n. At least, sa kanyang radio show na Ako ‘To Si T’yang Amy, nakakapagbigay siya ng tulong sa pamamagitan ng kanyang mga payo na at the same time ay natututo rin daw siya.


At dahil isa lang naman ang kanyang show sa Radyo 630 TeleRadyo Serbisyo na about mental health at napapakinggan at napapanood tuwing Mondays, Tuesdays, and Thursdays at 3 PM, nagagawa pa rin niyang mag-host sa It’s Showtime at gampanan ang kanyang role sa bahay bilang ulirang asawa at ina. 




Sa huling media conference ng Ultimate Heartthrob at batikang aktor na si Piolo Pascual para sa kapana-panabik na pagtatapos ng kanyang socio-political action-drama teleserye na Pamilya Sagrado sa ABS-CBN ngayong linggo, hindi maiwasang mapunta ang usapan sa pulitika. Kasama na rito ang kanyang pagganap bilang isang public servant sa top-rated primetime series, kung saan umabot pa ang kanyang karakter na Rafael Sagrado sa pagiging presidente sa masalimuot na kuwento. Pati na rin ang mga naglalakihang billboard ni Piolo sa kahabaan ng EDSA at iba pang pangunahing lansangan, na may mga mensahe para sa ikabubuti ng mga Pilipino kaakibat ang isang partylist ay napag-usapan din.


Masayang sabi ni Piolo tungkol sa mga billboards niya, “I’m in partnership with a party-list that I also supported last elections. Mayroon kaming mga proyekto na ginagawa magkasama—they help my foundation, and we visit different places to do outreach.”


Ang tinutukoy ni Piolo ay ang kanyang personal na charity organization, ang Hebreo Foundation, na matagal nang sumusuporta sa mga iskolar at may mga programang pang-mahirap na isinasagawa sa buong bansa. Ang partylist namang kanyang sinusuportahan ay ang Ang Probinsyano Party List (APPL), na anim na taon nang isinusulong ang mga karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa mga malalayong lalawigan na kadalasang hindi naaabot ng mga serbisyo, oportunidad, at ayuda mula sa gobyerno.


Dagdag pa ni Piolo, naniniwala siyang tama ang kanyang desisyon na iendorso ang isang kandidato o grupo tulad ng APPL na tunay na nagtatrabaho nang tapat para sa kapakanan ng mga Pilipino.


“So yeah, at the end of the day, you give hope in your own way, but you also give a chance to people who are running and really want to serve by helping them out.”


Saksi si Piolo sa kamakailang malakihang outreach ng APPL para sa mga nasalanta ng

Bagyong Kristine. Pinangunahan mismo ng batambatang first nominee ng partylist na si Cong. Alfred “Apid” delos Santos ang pamamahagi ng tulong sa humigit-kumulang 2,800 pamilya at 3,000 indibidwal na apektado sa buong Albay, kabilang na ang Legazpi City at Camaligan, Camarines Sur.


Sa panghuling pananalita ni Piolo ukol sa mga political endorsement, aniya, epektibong serbisyo ang hanap niya sa mga nais humingi ng kanyang suporta, tulad ng APPL.


Dagdag pa ng aktor, lagi siyang handa na makipagtulungan sa mga taong may malasakit sa mga Pilipino dahil ang pag-unlad ng mga buhay ng taumbayan ang siya ring nais niyang makamtan.


“I endorse those who I believe in and I believe will really help many Filipinos in need.”

Samantala, ang pagwawakas ng Pamilya Sagrado ay mapapanood ngayong Biyernes, Nobyembre 15, sa ABS-CBN.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 12, 2024



Masusubaybayan na ng mga Pilipino saanmang sulok ng mundo ang pinakamalalaking pangalan sa Philippine radio sa pinagkakatiwalaang  news, public service, at entertainment programs ng True FM.


Na-stroke pala ang True FM radio DJ na si Laila Chikadora at na-confine ng isang buwan sa ospital.


Sa mediacon last Saturday sa Ynares Center para sa launching ng True FM na dating napapakinggan sa 92.3 FM station at ngayon ay mapapakinggan na sa 105.9 sa Metro Manila, naikuwento ng host ng programang Shoutout ang nangyari sa kanya, na sabi nga niya ay second life na niya.


Aminado ang 48-year-old DJ na sa dami ng trabaho niya, hindi maiwasang ma-stress, mapagod at mapuyat at isang araw, bigla na lang daw niyang naramdaman na sobrang sakit ng ulo niya. 


Nang ipa-checkup niya ito, ayon sa doctor ay tension headache ang nangyari sa kanya, pero nang ipa-MRI siya, ru'n nakita na nagkaroon pala ng pagbabara sa kanyang nerve sa brain kaya na-stroke na pala siya nang hindi pa niya nalalaman.




Isang buwang na-confine ang magaling na DJ — na para naman kasing laging 101% ang energy at 'di napapagod magsalita (hahaha!) — pero ngayon, balik-trabaho na nga si Laila Chikadora at imbes mabawasan, nadagdagan pa raw ang loads niya sa True FM 105.9. 


Pero okay lang naman daw dahil nae-enjoy niya ang kanyang ginagawa sa Shoutout show niya na napapakinggan tuwing 8 PM to 9:30 PM.


Anyway, mas masusubaybayan na ng mga Pilipino saanmang sulok ng mundo ang pinakamalalaking pangalan sa Philippine radio sa pinagkakatiwalaang  news, public service, at entertainment programs ng True FM sa paglulunsad ng True Network ng True TV at True Digital nito.


Simula ngayon, matutunghayan na ng mga listeners ang paboritong nilang mga programa tulad ng Wanted sa Radyo, Ted Failon at DJ Chacha, at Sana Lourd sa True TV sa Channel 19 ng Cignal TV. Para naman sa mga mahilig mag-stream online, merong live at on-demand content na available sa True Digital YouTube channel, @TrueNetworkPH.


Patuloy namang maghahatid ang True FM ng de-kalidad na radio content nationwide sa 105.9 sa Metro Manila, kabilang ang regional frequencies na 106.7 sa Davao, 101.9 sa Cebu, 101.5 sa Cagayan De Oro, 99.9 sa Ormoc, at 104.7 sa Tacloban.


Kasama sa pinalawak na lineup ng True Network ang Heart 2 Heart, Cristy Ferminute, Good Morning Bayan kasama si Ruth Cabal, Frontline Pilipinas, Shoutout, Match Made, Dr. Love, at Sagot Kita.


Dating nakulong at na-rehab… GINA PAREÑO, NATUTONG MAGSIMBA TUWING LINGGO DAHIL KAY DR. LOVE



PERSONAL na rin naming na-meet ang idol radio DJ-broadcaster namin na napakagaling magpayo pagdating sa usaping pag-ibig at buhay-buhay na si Brother Jun Banaag na mas kilala sa tawag na Dr. Love sa ginanap na True FM 105.9 launch sa Ynares Center, Antipolo.


Tinanong namin si Dr. Love sa Q&A sa mediacon kung hindi ba siya naba-bash sa pagri-real talk niya sa mga humihingi sa kanya ng payo, na minsan, talagang nasosopla at nabu-bull's eye niya ang mga ito.


Diretsong sagot naman ni Dr. Love, kailangan daw niyang i-real talk talaga ang mga humihingi ng payo dahil hindi puwedeng mag-sugarcoat siya ng kanyang sasabihin para lang i-please ang mga ito.

Pinaprangka raw niya ang kanyang mga callers-listeners lalo na kung mali na ang ginagawa dahil kailangan nilang magising sa katotohanan at maitama ang kanilang mga mali, although advice lang naman daw ang kaya niyang ibigay at depende pa rin 'yun sa tao kung ano'ng magiging desisyon nila sa buhay.


Naitanong nga rin namin kung may mga celebrities na rin bang lumapit sa kanya para humingi ng payo, at pag-amin niya without mentioning any names, meron na raw tatlong babae (2 artista at 1 singer) at 2 famous actors na nag-consult sa kanya pero siyempre, hindi na ito inere sa kanyang programang Dr. Love, personal na lang niyang binigyan ng advice.


Ang naikuwento lang niyang celeb na natulungan niya at natuto na raw magsimba every Sunday matapos niyang makausap at naging kaibigan pa niya ay ang aktres na si Gina Pareño.


Matapos makulong at ma-rehab, dumating daw sa point na gusto na ng kapayapaan ng aktres kaya lumapit sa kanya at binigyan niya ng advice kaya nagbalik-loob kay Lord.


Para kay Dr. Love, malaking achievement na kapag may mga tao siyang natutulungan at nababago ang buhay dahil sa kanyang mga payo.


Napapakinggan naman ang Dr. Love sa True FM 105.9 every Monday to Friday, 9:30 PM to 11:30 PM.


Talbog si Diwata… DIEGO, ENDORSER NA, MAGKAKA-BILLBOARD SA 'PINAS AT SOUTH KOREA


TUWANG-TUWA ang Bubble Gang comedian at ngayon ay associate producer na rin pala ng naturang gag show na si Diego Llorico na finally, after 29 yrs. niya sa showbiz ay nagkaroon na rin siya ng first endorsement.


Last Friday night, nag-contract signing na si Diego bilang first-ever endorser ng Reels N Pay Organic Barley with Korean Ginseng.


Aminado si Diego na at his age now, kailangan na talagang alagaan ang katawan at kalusugan kaya gusto niyang maka-inspire at makatulong sa iba na maging healthy.





And take note, ang bongga ni Diego, ha? Bilang first endorser ng Reels N Pay Organic Barley with Korean Ginseng, magkakaroon daw siya ng billboard hindi lang dito sa 'Pinas kundi maging sa South Korea!


Biniro nga namin siyang natalbugan niya si Diwata na sa EDSA lang may billboard, then may nag-comment on the side na isang Marites na si Diwata rin naman daw ang gumastos para sa kanyang electronic billboard. 


Naku, may ganern?! Haha!


Anyway, ani Diego ay ipapatikim din niya sa kanyang mga kaibigan at co-stars sa Bubble Gang ang ineendorso niyang barley drink na nu'ng una niyang matikman ay nasarapan daw talaga siya.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 9, 2024



Photo: Ken Chan - Instagram


Second Warrant of Arrest na pala ang dinala sa bahay ng Kapuso actor na si Ken Chan sa isang subdivision sa Quezon City kahapon ng umaga ng abogado ng isang private complainant na nagsampa ng syndicated estafa laban kay Ken at sa 7 iba pang akusado sa parehong kaso.


Nakausap namin kahapon si Atty. Joseph Noel Estrada, ang lawyer ng 'di nagpakilalang businessman na naghahabol na maibalik ang P14 M investment niya sa kumpanya ng Kapuso actor at ng mga kasosyo nito sa negosyong restaurant.


"Siya po (Ken) at kasama 'yung I think mga 7 more co-accused, sila po ay nakasuhan ng syndicated estafa under Article 315 of the Revised Penal Code. So meron po silang pending na kaso. Ito po ay nasa husgado na at meron nga pong pending warrant of arrest," panimula ni Atty. Estrada matapos na personal na dalhin ang second Warrant of Arrest sa bahay ni Ken, ngunit wala namang tumanggap dahil halos isang taon na raw inabandona ang bahay, ayon sa ilang kapitbahay.


Paliwanag ng abogado kung bakit nasampahan ng ganitong kaso si Ken at ang 7 kasama niya, "May complainant na according to the complaint, hiningan ng investment ni Ken Chan, hindi naman sila authorized to solicit investments from the public. And using misrepresentation and fraudulent schemes, nakakuha sila ng pera against dito sa complainant."


Non-bailable raw ang kasong isinampa sa 8 akusado ng isang complainant pa lang. Hindi lang daw sure si Atty. Estrada kung may iba pang complainant na magsasampa rin ng katulad na kaso.


Tulad ng aktor, ang iba pang kasama ni Ken ay pinaghahanap pa rin kaya 'di pa raw naise-serve ang warrant of arrest sa 7 pang akusado.


May mga bali-balita na matagal nang wala sa bansa si Ken, pero 'di raw ito ma-verify ng abogado.


At dahil 'di pa rin mai-serve ang warrant, may nakatakda naman daw silang gawin na hindi pa puwedeng sabihin para 'di masunog ang kanilang mga plano. 

Pero umaasa si Atty. Estrada na kung totoong nasa ibang bansa na si Ken ay babalik pa rin ito para harapin ang kanyang kaso.


Tinanong namin kung ano'ng kaparusahan ang puwedeng harapin ni Ken at mga kasama kapag napatunayan silang guilty at ayon sa abogado, "Reclusion perpetua po."

Luh! Habambuhay na pagkabilanggo pala 'yun. 


Naku, eh, sana lang ay lumabas na si Ken at ayusin na ang problema niyang ito dahil marami rin naman ang naniniwala na may sariling bersiyon at paliwanag ang mabait na aktor kung bakit umabot sa ganito ang pangyayari.


Bukas ang aming pahina para sa panig ni Ken Chan o ng sinuman sa kanyang pamilya.



Aba, ang former PBB housemate, comedian at host na si TJ Valderrama ay pumasok na rin pala sa larangan ng pagkanta.


Ini-record ni TJ ang kanyang unang single na may titulong Pinili Mo Pang Lisanin Ako ng Pasko.


Sa titulo pa lang, mababakas na ang mensahe ng kanta. Inihahandog ni TJ ang kanyang kanta sa mga nagdadalamhati at sawi ngayong Pasko.


Ang Pinili Mo Pang Lisanin Ako ng Pasko ay nagkaroon ng worldwide release on all streaming platforms (Spotify, Itunes, Apple Music) noong Lunes, Nov. 4, 2024.


Ito ay original composition ng batikang director, creative manager at game show creator na si Direk Willy Cuevas.


Ang kanta ay under Curve Entertainment ni Boss Ciso Chan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page