top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 2, 2025



SPECIAL - GERALD, UMAMING ‘DI SILA NAGKABALIKAN NI JULIA_andersongeraldjr

Photo: File / andersongeraldjr



Fake news ang napabalitang nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia Barretto at engaged na sila.


Nakausap namin kahapon exclusively si Gerald bago ang kick-off-mediacon ng 2025 Metro Manila Film Festival entry niyang Rekonek sa Stratosphere Events Place.


Ipinalinaw namin kay Gerald ang lumabas na balita few months ago na nagkabalikan daw sila ni Julia matapos makitang magkasama sa burol ng uncle ng aktres.

Diretsong pahayag ni Gerald, “Maraming balita. I think responsibilidad ng publiko na alamin ang totoo kung ano ‘yung fake news hindi lang sa mundo ng showbiz kundi sa lahat.”

So, once and for all, linawin na niya para matapos na ang fake news.


“Single po ako,” sagot ni Gerald kasunod ang paliwanag na “growth” ang goal niya next year hindi lang para sa kanyang professional career kundi pati sa kanyang love life.

Ayaw nang sagutin ni Gerald ang tanong kung finally ay nag-goodbye na siya kay Julia Barretto, pero idiniin niyang sa bawat nakakarelasyon niya, marami siyang natututunan na nakakatulong para maging better person siya.


At true, inumpisahan na nga actually ni Gerald ang kanyang growth this year sa pagle-level-up dahil hindi na lang basta aktor si Ge kundi producer na rin siya katuwang ni Dondon Monteverde sa MM Reality Entertainment para sa MMFF entry na Rekonek.

First time ni Gerald makasali sa MMFF bilang producer at super happy siya dahil sa 50 pelikulang pinagpilian para maging official entries sa 2025 MMFF, pasok nga sila sa 8 napili.


Proud na ibinida ni Gerald na bukod sa malalaking artista rin ang kasama niya sa Rekonek sa pangunguna nina Ms. Gloria Diaz, Charlie Dizon, Legazpi Family (Zoren, Carmina, Mavy and Cassy), Andrea Brillantes, Bela Padilla, Kelvin Miranda, Vance Larena, Kokoy De Santos, Angel Guardian at marami pang iba, ang Rekonek lang din daw ang only entry sa MMFF na may Christmas theme at pampamilya talaga.


Tatalakayin ng pelikula ang isyu kung gaano kahalaga ang internet at kung kaya nga ba nating mabuhay sa isang araw na wala nito.

Excited si Gerald na maipalabas ang pelikula sa Dec. 25 na mula sa direksiyon ni Jade Castro.


Well, kung magiging maganda ang outcome ng Rekonek, baka sipagin uli si Gerald na mag-produce next year.


Basta bongga si Gerald na after 20 yrs., producer na ngayon.

Congrats, Gerald and good luck to Rekonek!



HAPPY 34th Anniversary sa aming pahayagang BULGAR!

Sa lahat ng naging bahagi sa tagumpay ng BULGAR, maraming salamat po at nawa'y patuloy namin kayong makasama sa mga susunod na taon pa.

Congrats to us!!!


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 29, 2025



Sue Ramirez - IG Ginebra

Photo: File / FB Barbie at Richard



Viral sa Facebook ang latest photo na magkasama sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.


Dahil matagal-tagal ding hindi nakikitang magkasama in public sina Chard at Barbie, maraming nag-akalang break na sila.


Pero dahil sa kumalat na photo na magkasama nga sila at very touchy ang aktor sa mestisang aktres, kung saan nakahawak-nakaalalay si Richard sa bewang ni Barbie, patunay lang ito na sila pa rin at wala na silang itinatago, okay lang na makita silang magkasama in public.


Kaya lang, mukhang may ilang netizens na hindi boto sa kanilang relasyon, at base ito sa comment nila sa naturang viral photo nina Chard at Barbie.


Comment ng isang netizen, “Maganda si Barbie pero parang hindi ako sanay na mga tulad n’ya ang tipo ni Chard ngayon. Idol ko si Chard kaya nasubaybayan ko ang mga social at very classy n’yang exes. Like ‘yung first love n’ya na dinala n’ya sa Punta Fuego, I forgot her name, non-showbiz kasi, but she's so pretty, Anne Curtis, Georgina Wilson, Jewel Mische at ang ex-wife niyang si Sarah Lahbati, ang ganda superb!”


May ilan namang nag-comment na parang mag-tatay sina Chard at Barbie at nalosyang na raw ang aktres.


Pero in fairness kay Barbie, hot at sexy pa rin siya kaya parang ‘di naman totoo ‘yung comment na nalosyang siya nang maging sila ni Richard.


Samantala, may mga nagpupustahan naman kung magtatagal ang dalawa lalo’t may mga showbiz couples na namang naghiwalay tulad nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, at ng rumored na break na rin na sina Rhian Ramos at Sam Verzosa.


Well, abangers tiyak ang mga fans at Marites kung sasama at susuporta si Barbie Imperial sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ng Regal Entertainment kung saan si Chard ang bida sa 2050 episode ng trilogy horror movie na showing na sa Dec. 25 at isa sa 8 official entries sa MMFF 2025.




Nasaan si Hesus mediacon


MARAMI ang ginulat ng sexy actress na si Salome Salvi na bukod pala sa pagpapakita ng katawan, may talent naman ito sa pagkanta.


Napahanga ni Salome ang mga press at mga nanood sa premiere night ng musical film na Nasaan Si Hesus? last Monday, Nov. 24, sa SM The Block Cinema 3, dahil kahit kinakanta ang kanyang mga linya habang nasa loob ng kulungan, emote na emote pa rin si Salome at talagang very emotional ang eksena niya.


Malaki lang ang idinagdag ng timbang ng sexy star na minsan ding pinagpantasyahan ng mga kalalakihan dahil sa ilang sexy films na kanyang ginawa.


Pero dahil nga may iba pa naman palang talent si Salome bukod sa nakakaarte siya, hindi hadlang ang pagdagdag ng timbang niya para mawalan siya ng project

sa showbiz.


Naalala tuloy namin sa kanya si Mercedes Cabral na mula sa pagpapa-sexy ay napansin bilang tunay na aktres. Hindi malayong maging ganito rin ang tahaking landas ni Salome kung mabibigyan lang siya ng mas magaganda pang roles, mapa-TV o pelikula.


Anyway, maraming lessons na matututunan sa musical film na Nasaan Si Hesus? at napapanahon ang ilang eksena sa pelikula na tamang pangunsensiya sa mga korup na lider at pulitiko sa bansa.


Ipapalabas na sa mga SM Cinemas sa Disyembre 3, 2025 ang movie na binubuo ng mahuhusay na artista-singers tulad nina Janno Gibbs, Rachel Alejandro, Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, Marissa Sanchez, Salome Salvi, Via Antonio, Chloe Jenna at Cecil Paz. 


Ipinakikilala sa movie sina Rachel Gabreza at Giani Sarita, at itinatampok ang pagganap nina Bembol Roco at Jerald Napoles. 


Happy din kami para sa kasamahan naming si Mark Ranel Grabador na may special participation din sa Nasaan Si Hesus.


Ang mga orihinal na awit ay nilikha ni Mrs. Lourdes “Bing” Pimentel, at dulang pampelikula at direksiyon ng premyadong manunulat at direktor na si Dennis Marasigan.


Ang pelikula ay hinalaw mula sa popular na dulang musikal nina Mrs. Pimentel at ng manunulat at direktor na si Nestor U. Torre.


“Ang Nasaan Si Hesus? ay tungkol sa paghahanap natin sa mga

suliraning hinaharap natin,” ayon kay Mrs. Pimentel, “nguni’t ito ay tungkol din sa hangad nating matagpuan ang Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay.”


Ang pelikula ay mula sa produksiyon ng Balin Remejus Inc. at Great Media Productions, Inc.. 


Para sa iba pang detalye, magtungo sa Facebook page ng Great Media Productions and Management.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 27, 2025



Sue Ramirez - IG Ginebra

Photo: File / FB Sue Ramirez / Ginebra



Si Sue Ramirez ang bagong Calendar Girl 2026 ng Ginebra San Miguel!

Pormal nang ipinakilala kagabi si Sue sa ginanap na calendar launch ng GSM sa Diamond Hotel.


Dream come true pala para kay Sue na maging Calendar Girl at ngayon ay lume-level na siya sa mga naunang Calendar Girl ng GSM na sina Marian Rivera, Pia Wurtzbach, Arci Muñoz, Yassi Pressman at Julie Anne San Jose (2025).


In fairness kay Sue, kahit naka-two-piece, ‘di bastusin ang tinaguriang Street Siren at asset niya talaga ang kanyang boobs na kering-kering pantapat kay Andrea Brillantes na Calendar Girl ng kalabang brand ng GSM.


Just wondering kung ano kaya ang reaksiyon ng BF niyang si Dominic Roque.

Itsitsika namin sa inyo once makapanayam namin siya.






NASA ika-anim na taon na palang isinasagawa ang taunang CineGoma Film Festival sa pangunguna ng founder at CEO ng RK Rubber na si Mr. Xavier Cortez.


Last Nov. 24, sa pamamagitan ng parada na nilahukan ng mga student filmmakers mula sa iba't ibang unibersidad sa buong bansa, na sinundan ng ribbon cutting sa Quezon City Museum, pormal nang sinimulan ang 2025 CineGoma Film Festival.


Ayon kay Mr. Cortez, nu'ng una ay nagsimula lang sila sa Rubber K team building activity ng mga employees kung saan inengganyo niya ang mga ito na i-express at ipakita ang kanilang mga talento sa sining ng paggawa ng short films.


Sa unang taon, 6 lang ang naging kalahok na pelikula pero kada taon ay nadaragdagan ang mga sumasali mula sa mga aspiring indie filmmakers at this year ay umabot na nga sa 40 ang entries, kung saan huhusgahan ang best film, actor, actress at iba pang category sa gaganaping awards night sa Nov. 29 sa Quezon City University.


“Sa CineGoma, binibigyan natin ng boses ang lahat, lalo na ang maliliit. Lahat tayo ay may kuwento na gusto nating iparinig. Naniniwala kami na lahat naman ay nagsisimula sa maliit,” pahayag ni Mr. Cortez sa kanyang speech.


Nagsimulang mapanood ang mga pelikulang kasali sa CineGoma nu'ng Nov. 24 sa QCX, Quezon City Circle, at sa Coffee Spot sa Minnesota Mansion sa Ermin Garcia Street. 


Ngayong November 27 and 28, may special screenings sa Sine Pop sa Cubao.

May 25 student films, 15 professional entries, dalawang AI storytelling, and 5 RK Exclusive films ang mapagpipiliang panoorin.






DAHIL sa magkasunod na mga bagyong Tino at Uwan na humagupit sa bansa, libu-libong kabuhayan, tahanan, at pangarap ang inanod ng baha, habang marami ang iniwang nagluluksa sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.


Sa kasagsagan ng Bagyong Uwan noong Nobyembre 9, napanood ang buong pwersa ng News5, RPTV, One News, One PH, at True Network sa isang comprehensive coverage na naghatid ng live at real-time na updates tungkol sa kalamidad. 


Upang agad makapag-abot ng tulong, inilunsad ng TV5, sa pamamagitan ng Alagang Kapatid Foundation Inc. (AKFI) at sa suporta ng buong MVP Group, ang Tulong Mga Kapatid Bayanihan Drive na opisyal na binuksan noong Linggo, Nobyembre 9, sa isang espesyal na episode ng TV5 OPM countdown show na Vibe.


Pinangunahan ang launch nina MediaQuest Holdings Chairman Manny V. Pangilinan (MVP), MediaQuest Holdings President and CEO Jane J. Basas, at AKFI Executive Director Menchie Silvestre, kasama ang mga heads ng MVP foundations, pati na rin ang mga Vibe Jocks na masigasig na nag-udyok sa mga kapwa Gen Z viewers at sa publiko na makilahok sa bayanihan.


Kasabay nito, inanunsiyo rin ng TV5 ang Tulong Mga Kapatid Bayanihan Drive Live Selling, na natunghayan sa TV5 Facebook noong Nobyembre 14 bilang isang moderno at interaktibong paraan ng bayanihan kung saan nakatulong ang mga manonood sa mga kababayang nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng pag-“mine” sa mga pre-loved items ng kanilang mga paboritong Kapatid artists at news anchors.


Kasama sa mga pre-loved items na ito ay ang mga idinoneyt ng mga Kapatid stars na sina Cedrick Juan, Inday Fatima, at Iven Lim, pati na rin ng News5 anchors na sina Julius Babao, Tintin Bersola, Maoui David, Alvin Pura, Ces Drilon, at Cheryl Cosim. Kasama rin ang mga pre-loved items mula sa mga representatives ng Blackwater Bossing na sina sports analyst Nikki Villasin at PBA player Dalph Panopio. Nagbahagi rin ng kanilang mga pre-loved items ang GMK anchors na sina Dimples Romana, Chiqui Roa-Puno, Andrei Felix, at Angela Lagunzad-Castro. 


Lahat ng kita mula sa live selling event ay direktang makakatulong sa mga kapatid na nasalanta ng bagyong Tino at Uwan, patunay ng diwa ng bayanihan na buhay na buhay sa TV5 at sa mga Kapatid celebrities.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page