ni Jeff Tumbado @News | October 4, 2023
Pumanaw na si Palawan Congressman Edward Hagedorn sa edad na 76.
Base sa anunsyo sa social media ng pamilya, pumanaw si Hagedorn kahapon ng umaga.
“Cong. Ed’s life speaks volumes, particularly in his role as a champion for the environment, tourism, agriculture, and peace and order. His efforts created inclusive spaces for the community and inspired a collective desire for change. It’s hard not to be infected by his energy and laughter, which he freely shares with everyone he encounters,” pahayag ng pamilya Hagedorn.
Hindi naman binanggit sa naturang post ang dahilan ng pagpanaw ng kongresista.
Matatandaang bukod sa pagiging House member ni Hagedorn sa 19th Congress sa unang pagkakataon, naging vice chairman siya sa iba’t ibang komite ng Kamara, kabilang na umano ang Committee on the West Philippine Sea (WPS).
Naging alkalde naman siya ng Puerto Princesa sa Palawan mula Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 2001; at mula Nobyembre 12, 2002 hanggang Hunyo 30, 2013.