top of page
Search
  • BULGAR
  • Sep 1, 2023

ni Jeff Tumbado @News | September 1, 2023




Malagim na trahedya ang gumulantang sa agahan ng mga residente ng Bgy. Tandang Sora sa Quezon City dahil sa sumiklab na sunog sa isang residential area na siyang ikinasawi ng nasa 15 indibidwal kahapon.


Ayon sa ulat ng Quezon City-Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-5:30 ng madaling-araw ng Huwebes, Agosto 31, sa inuupahang 2-storey apartment building sa Pleasant View Subdivision.


Matapos maapula ang sunog sa apektadong gusali pasado alas-8 ng umaga ay dito tumambad sa mga awtoridad ang kalunus-lunos na hitsura ng mga biktima kung saan magkakatabi sila at sunog na sunog ang mga katawan.


Nabatid kay BFP-National Capital Region Director Fire Chief Superintend Nahum Taroza, bukod sa mga nasawi ay may tatlong iba pa ang nakaligtas sa pagkaka-trap sa nasusunog na gusali na ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan.


Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil ang unang palapag ng bahay ay pagawaan at printing ng mga damit.


Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Quezon City Police District (QCPD) para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima habang inaalam din kung ano ang pinagmulan ng apoy.


Nangyari ang insidente sa kalagitnaan ng walang patid na pagbuhos ng malakas na ulan dala ng pinagsamang habagat at Bagyong Hanna.



 
 

ni Jeff Tumbado @Photo Scoop | August 31, 2023




Pinangunahan ni First Lady Louise Araneta-Marcos ang selebrasyon ng ika-127 Araw ng Pinaglabanan o ang commemoration of the Battle of San Juan del Monte na ginanap sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City kahapon. Sinamahan mismo si FL Marcos nina San Juan City Mayor Francis Zamora at PNP Chief General Benjamin Acorda, Jr.




 
 

ni Jeff Tumbado @Photo Scoop | August 29, 2023




Si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., habang nagtatalumpati sa harap ng mga miyembro ng Diplomatic Corps at mga War veterans kaugnay sa pagdalo sa selebrasyon ng Araw ng mga Bayani sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kahapon. Kasama ng Pangulo sina AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, Executive Secretary Lucas Bersamin at House Speaker Ferdinand Romualdez.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page