top of page
Search

ni Jeff Tumbado @News | September 8, 2023




Bantay-sarado ng mga tauhan ng Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga miyembro ng grupong Karapatan habang nagsasagawa ng kilos-protesta sa harap ng Batasang Pambansa sa Batasan Hills, Quezon City upang kondenahin ang Anti-Terrorism Law at ang Terrorism Financing and Suppression Act dahil umano sa paglabag sa karapatang pantao na kahalintulad sa panahon ng Martial Law.



 
 

ni Jeff Tumbado @News | September 8, 2023




Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ng dalawang taon ang driver's license ni Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nag-viral sa social media dahil sa pamamatok at pagkasa ng baril sa isang siklista na nakaalitan sa Quezon City kamakailan.


Kinumpirma ito ng LTO Central office kahapon.


Ang hakbang ay batay na rin sa rekomendasyon ng LTO-NCR na nag-imbestiga sa pangyayari.


Hindi pa naisisilbi sa ngayon ng LTO ang desisyon ukol sa revocation ng lisensya ni Gonzales.


Matatandaang hindi na humarap sa LTO-NCR noon si Gonzales nang ipatawag ito upang ipaliwanag kung bakit 'di dapat kanselahin ang kanyang lisensya sa pagmamaneho.



 
 

ni Jeff Tumbado @News | September 6, 2023




Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ng isang taon ang validity period sa mga driver's license na apektado ng temporary restraining order (TRO) na inisyu ng korte laban sa delivery at pagproseso ng mga plastic ID card.


Ito ang kinumpirma ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II sa pagdinig sa budget deliberation sa House of Representatives kasunod ng paghahayag nito na isang “commitment” sa kanyang ahensya na masolusyunan ang problema sa loob ng isang taon.


“Because of a pending TRO or cases with the LTO perhaps the public with renewing their driver’s license there’s no reason why you can’t just make it one-year. I’d like to confirm with the LTO that they will agree with and some members to go ahead and allow one-year renewal of those driver’s licenses that cannot be renewed at this point because of the pending case… can I confirm that with the LTO Asec. Mendoza?” tanong ni House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza kay Mendoza.


“Yes sir, we confirm the one-year extension,” sagot naman ni Mendoza.

Ikinagalak ni Daza na nagsabing maituturing itong “good news” sa publiko lalo na ang mga motoristang makikinabang dito.


Nag-isyu kamakailan ng TRO ang Quezon City Regional Trial Court Branch 215 at inatasan ang LTO na pansamantalang itigil ang kontrata sa Banner PlastiCard, kaugnay sa 5.2 million plastic cards.


Mahigit 12 oras ang budget deliberation ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2024 budget ng DOTr at ng mga attached agencies nito bago ito naaprubahan sa committee level ng Kamara na nagkakahalaga ng mahigit P214 bilyon.


Ang ahensya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may maliit na pondong inilaan na nagkakahalaga lamang ng P500 milyon.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page