top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 29, 2022



Naglabas ng public apology si Will Smith matapos ang pananampal nito kay Chris Rock sa ginanap na Oscars Academy Award.


"Violence in all of its forms is poisonous and destructive," aniya sa kanyang pahayag sa kanyang Facebook post. "My behavior at last night"s Academy Awards was unacceptable and inexcusable."


"Jokes at my expense are a part of the job, but a joke about Jada"s medical condition was too much for me to bear and I reacted emotionally," dagdag niya.


Humingi ng paumanhin si Will kay Chris matapos niya itong sampalin sa stage hinggil sa joke nito tungkol shaved head appearance ng kanyang asawang si Jada Smith sa 94th Academy Awards.


Noong 2018, inilantad ni Jada ang mga nakakalbong bahagi ng kanyang ulo matapos ipaalam ang kanyang dinaranas na Alopecia.


"I would like to publicly apologize to you, Chris. I was out of line and I was wrong," pahayag pa ni Will.


Inamin ni Will na siya ay "embarrassed and my actions were not indicative of the man I want to be."


"There is no place for violence in a world of love and kindness," patuloy niya.


Bukod kay Chris, humingi rin ng paumanhin si Will sa "the Academy, the producers of the show, all the attendees and everyone watching around the world."


"I would like to apologize to the Williams Family and my King Richard Family," dagdag pa niya.


Pinagsisisihan din umano niya na "that my behavior has stained what has been an otherwise gorgeous journey for all of us."


"I am a work in progress.”


Kasunod ng insidente ng pananampal, tinanggap ni Will ang kanyang unang Oscar trophy kung saan humingi rin siya ng paumanhin sa Academy sa kanyang tearful speech.


Naglabas din ng pahayag ang Academy hinggil sa insidente kung saan inihayag nito na they do not "condone violence of any form."

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 11, 2022



Idinetine ng mga pulis sa Atlanta, USA ang hollywood director ng blockbuster movies na Black Panther at Creed na si Ryan Coogler matapos mapagkamalang bank robber.


Nangyari umano ang insidente noon pang Enero 18 ngunit ngayon lang inilabas ng Atlanta police department ang kuha sa body camera hinggil dito.


Magwi-withdraw umano ng pera si Coogler sa Bank of America kung saan nag-abot ito ng note sa isang teller na nagsasabing nais niyang maging discreet ang transaksiyon dahil lagpas sa $10,000 ang nais nitong i-withdraw sa naturang banko.


Dahil dito ay inakala ng bank teller na panghoholdap ang motibo ng direktor kaya’t kaagad niyang ipinaalam sa kanyang boss ang laman ng mensahe.


Si Coogler, 35, ay pinosasan ng mga rumespondeng pulis habang ang dalawa nitong kasama ay isinakay sa police vehicle.


Ayon sa officer na gumawa ng police report, "the incident is a mistake by Bank Of America" at "Mr Coogler was never in the wrong".


Pahayag naman ni Coogler: “This situation should never have happened.”


"However, Bank of America worked with me and addressed it to my satisfaction and we have moved on."


Sinabi naman ng pulisya na sila ay tinawagan matapos na alertuhin ng bank teller ang kanyang manager sa isang attempted robbery.


Matapos na ma-release, hiningi ni Coogler ang badge number ng mga involved na officers.


Si Coogler ay ang direktor at co-writer ng superhero sequel na Black Panther: Wakanda Forever na ipinalabas sa mga sinehan noong 2018 at naging second-highest grossing movie worldwide.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 26, 2022



Ini-release na ni Avril Lavigne ang kanyang ikapitong studio album na may pamagat na “Love Sux”.


Parte ng “Love Sux” ang 12 tracks na kinabibilangan ng “Bite Me” at “Love It When You Hate Me,” na naunang na-relase bago i-launch ang album.


Bago ang “Love Sux,” ang “Sk8er Boi” at last album ni Avril na “Head Above Water” ay na-release noong 2019.


Tinawag ng NME ang bagong album na ito bilang “modern update on early 00s pop-punk” at “an unapologetic blast of self empowerment.”


Available na ngayon ang “Love Sux” is sa physical, digital, at streaming formats.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page