top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 12, 2024





Napa-“OMG!!!!!” si Miss Universe Philippines Chelsea Manalo nang mag-comment ang supermodel na si Tyra Banks sa kanyang post sa Instagram (IG). 


Ipinost kasi ni Chelsea ang headshot niya at official portrait sa Miss Universe 2024 at may caption na: “Philippines, let’s make it happen!” kung saan nag-react si Tyra ng, “Get it, girl!!!!!”


Nakakatuwa ang mga kababayan natin, sobrang tuwa sa comment ni Tyra Banks, at pati sila, napa-“OMG!!!” 


Icon daw kasi si Tyra at malaking bagay na napansin nito si Chelsea sa dami ng Miss Universe contestants. May nag-comment naman na hinintay niyang mapansin si Chelsea ni Tyra at nang mapansin nga, super-saya niya.  


Ang ganda-ganda ni Chelsea sa official portrait ng MUP, lutang na lutang ang face card at dito pa lang, panalo na siya. May nag-request pa na, “Bring home the crown,” na kapag nangyari, si Chelsea ang magiging 5th Miss Universe ng bansa.  


Suportado ng ibang beauty queens ang laban ni Chelsea, nabasa namin ang comment nina Atisha Manalo, Thia Thomalla, atbp.. Pati mga celebrities, naki-comment din, kaya ang saya-saya tiyak ng coronation night.  


Sey mo, Daniel? MOVIE NINA ALDEN AT KATHRYN, GAGASTUSAN NG FANS PARA SURE NA BLOCKBUSTER



Wala pa namang umaaway sa mom ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo nang muling i-post ang trailer ng Hello, Love, Again (HLA), pati na ang mall shows at TV interviews nina Kathryn at Alden Richards. 


Wala ring kumontra sa caption ni Min na: “How’s it been so far? We’re almost there,” na ang gustong tukuyin ay ang opening ng movie.


Nang unang mag-post si Min ng poster ng HLA, may mga negative comments at binash pa si Alden at kung anu-ano ang itinawag sa aktor. 


Pero sa bagong post ni Min, nagbago ang ihip ng hangin at tila puro KathDen fans na ang nag-comment. Walang nag-comment na mga KathNiel (Kathryn-Daniel Padilla) fans. At isa pang napansin namin, lahat ay excited nang mapanood ang HLA.  


May nang-inggit na sa midnight screening sila manonood at uulit pa sa opening at makiki-block screening pa. May uulit manood dahil siguradong mapupuno raw ng sigawan sa first day. 


Mukhang gagastos nang malaki ang KathDen fans, ang mga fans ni Kathryn at mga fans ni Alden para maging box-office hit ang HLA.  


Nabalitaan namin na lilipad sina Kathryn at Alden to grace the opening of the said movie sa ibang bansa. May pa-Meet-and-Greet sila with the fans na siguradong ikatutuwa ng mga kababayan natin sa mga bansang kanilang pupuntahan.  


Mister, 'di na raw happy, gustong magkaanak…

AI AI, SHOCKED NA BIGLA-BIGLA NA LANG NG HINIWALAYAN NI GERALD



KINUMPIRMA na ni Ai Ai delas Alas ang paghihiwalay nila ni Gerald Sibayan sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA)


Sa tanong ni Boy Abunda kung hiwalay na sila, “Oo, hiwalay na kami,” ang sagot ni Ai Ai.  

Bago sumagot, nagbitaw ng salita si Ai Ai na, “Kaya ko ‘to,” na ang gusto sigurong tukuyin ay makakaya niyang sagutin ang mga tanong ni Boy sa kanya. 


Hinayaan ni Boy na magsalita si Ai Ai na ikinuwento kung paano sinabi sa kanya ni Gerald na gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya.  


“Last month pa, ‘di ko makalimutan, October 14, nag-chat s’ya at sabi niya, gusto n’yang magkaanak, ‘di na s’ya happy. Medyo confused ako, sana, hinintay niya akong makauwi ng Amerika. Bakit ngayon pa? Maraming bakit,” wika ni Ai Ai.  


Ayon pa kay Ai Ai, wala silang pinag-awayan ni Gerald. Sa buong pagsasama raw nila ay discussion lang. Umaga na raw nang mag-sink-in sa kanya ang nangyari. 


“Ang natural reaction ko ay magalit,” sabi nito.  


Tanong pa ni Ai Ai sa sarili, bakit sa oras na ‘yun, na madaling-araw sa Pilipinas. 


Tanong niya, “Marami akong tanong. Ano'ng meron sa October 14?”  


Nabanggit din ni Ai Ai kay Boy, “Nang magpakasal ako kay Gerald, inire-ready ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Alam kong bata pa si Gerald, baka magbago pa ang isip. Pero sana, ‘wag, sana, may forever. Sana, binigyan ako ni Lord ng magandang pag-aasawa... matagal. So, nagulat ako na ngayon na pala ‘yun. Akala ko, ‘pag 35 na s’ya.”  


Naiyak na si Ai Ai sa latter part ng kanyang pagsasalita. 


Sa sagot nitong “Fighting at lumalaban, super-nagdadasal at kinakaya ang lahat ng pagsubok sa buhay,” alam naming kakayanin nito ang bagong pagsubok sa kanyang buhay.

 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 10, 2024





Si Ricky Martin, ang reyna ng Latin pop at idol ng maraming beks sa buong mundo, ay hindi lang talentadong singer—isa rin siyang kering-kering na ama sa apat niyang mga anak. Pero mga teh, bago niya narating ang sarap ng pagiging tatay, dumaan muna siya sa maraming echos at challenges sa kanyang journey.


Sa totoo lang, hindi naging madali para kay Ricky ang makuha ang role na “Dad of the Year.” Bilang isang proud na miyembro ng LGBTQIA+ community, nakipag-sikuhan siya para mapalapit sa pangarap niyang maging isang tatay. Pero, dahil hindi siya nagpapapigil sa mga eklat ng lipunan, natagpuan niya ang sagot sa surrogacy. Ang resulta? Ang pagdating ng kanyang twinnies na sina Matteo at Valentino noong 2008!


Hindi lang basta “dad” si Ricky, mga ka-BULGARians, full-on super mom din siya! Ayaw niyang kumuha ng yaya at siya mismo ang nagpalaki sa kanyang mga bagets. Ibinuhos niya ang oras at pagmamahal sa kanila, at para kay Ricky, “the most beautiful feeling” ang maging ama. Shala, 'di ba? At sino bang ‘di maaantig?


Ngayon, mga binata na ang twins niya, at may kanya-kanyang ganap na sila—si Matteo, winner sa arts, at si Valentino, feeling ang next sikat na YouTuber (YT). Talagang bet na bet ni Ricky ang mga peg ng mga anak niya, parang throwback sa sariling pagsikat niya noon. Buong support siya sa kanilang pangarap, na tipong, “Go mga anak! Push niyo lang yan!”


Pero hindi lang diyan natatapos ang kwento! Nadagdagan pa ng rainbow sparkle ang pamilya ni Ricky sa pagdating nina Lucia at Renn noong 2018 at 2019. Bagets pa, pero iba rin ang aura—perfect na combo para kay Ricky, na laging proud na ipakita ang bonding moments nila sa social media. Parang sinasabi niya, “Mga sis, this is what love looks like!”


Pero wait, mga Marites! Bakit nga ba solo parent ngayon si Ricky? Kahit hiwalay na sila ng kanyang ex-jowa na si Jwan Yosef, ang chika ay hindi nagpapakabog si Ricky sa pagiging hands-on na tatay. Deadma sa drama, ‘Day! Sabi nga niya, mas importante ang happy family vibes kaysa sa mga eklat sa paligid. Tuloy lang ang push ni Ricky sa pagiging supportive at mapagmahal na ama, kahit shet minsan nakakapagod.


Sa kanyang paglalakbay, ipinakita ni Ricky Martin sa ating mga bakla na walang makakaharang sa puso ng isang tunay na diva dad. Para sa kanya, pak na pak talaga ang pamilya sa buhay, at wala nang mas tatamis pa sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang mga anak. Sino ba naman ang 'di maaantig sa ganitong kwento? Panalo!

 
 

ni Angela Fernando @News | Oct. 9, 2024



Photo: Presidential Communications Office


Nominations Nag-iisang lalaking nakapasok sa leaderboard ang artist na si Kendrick Lamar sa 11 na nominado para sa 2024 MTV Europe Music Awards (EMA).


Nangunguna sa mga nominado ang kilalang singer-songwriter na si Taylor Swift na may pitong nominasyon, kabilang ang best artist, best video, best pop, at biggest fans.


Sinundan naman ito ng mga artists na sina Ariana Grande, Billie Eilish, Charli XCX, at Sabrina Carpenter na nakakuha ng tig-limang nominasyon.


Kasunod naman na may tig-apat na nominasyon sina Ayra Starr, Beyoncé, Kendrick Lamar, LISA, at ang mga unang beses na nominado na sina Chappell Roan at Tyla. Nakatakdang ipalabas nang live sa Nobyembre 10, mula sa Co-op Live sa Manchester, United Kingdom ang nasabing awards night.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page