top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 14, 2024





Tumatak ang gabi sa 'Wave to Earth' fandom na Plankton matapos silang haranahin ng Korean indie band sa huling araw ng "First Era Concert" sa Manila nu'ng Marso 13.


Nagsimula ang concert sa kanilang mga sikat na kantang "Bad," "Peach Eyes," "Sunny Days," "Nouvelle Vague," "Sunburn," at "So Real."


Umaapaw din ang energy ng banda nang mag-perform ng "Daisy," "Evening Glow," at "Ride."


Napuno naman ng saya ang crowd matapos na magkaroon ng pakulo ang banda at nakisaya sa kanilang mga fans sa pamamagitan ng ilang games.


Nangako naman ang Wave to Earth na muling babalik sa 'Pinas sa susunod dahil naging memorable ang kanilang experience sa bansa.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 4, 2024




Dumalo si Lisa Manoban ng BLACKPINK sa ikalawang gabi ng “The Eras Tour” concert ni Taylor Swift sa Singapore.


Ipinost ni Lisa sa Instagram ang kanyang mga litrato sa concert. Kabilang sa post ang nag-viral na backstage photo kung saan kasama niya ang American popstar.


"Had such a blast at The Eras Tour! Amazing performance," saad niya sa caption.


Kasamang nagpunta ni Lisa sa concert ang kanyang mga kaibigan at kapwa Thai K-pop idol na si Sorn.


Bago maging fangirl sa concert ni Taylor, pumunta muna si Lisa sa "SHINee World VI: Perfect Illumination” na concert ng K-pop group na SHINee, na ginanap din sa Singapore.


Kasalukuyan namang nasa Singapore si Taylor upang mag-perform ng anim na sold-out concert para sa Southeast Asia stop ng kanyang "The Eras Tour." Nag-umpisa ang kanyang show sa Lion City noong Sabado, Marso 2.


 
 

ni Rensel Sabando @Entertainment | February 22, 2024




Babalik na sa Maynila ang K-pop boy group na Treasure para sa kanilang 2024 TREASURE’s Relay Tour Reboot concert.


Sa kanilang opisyal na Instagram account, inihayag ng 10-member Korean boy group ang kanilang nalalapit na Asian tour sa Manila sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay sa darating na May 4.


Ini-repost ang post noong February 20, Miyerkules, ng local concert organizer na Live Nation Philippines, na magsisilbing local promoter nila.


Kasabay ng kanilang Manila leg, dadalhin din ng TREASURE ang kanilang Relay Tour sa iba't ibang lungsod tulad ng Hong Kong at Bangkok sa Mayo. Bibisita rin sila sa Kuala Lumpur at Jakarta sa Hunyo 2024.


Ang mga karagdagang detalye kabilang ang mga presyo ng ticket, petsa ng pagbebenta, set plan, at mga benepisyo ng fan ay hindi pa iniaanunsiyo.


Itinatampok ng TREASURE's Relay Tour ang pangalawang full-length album na Reboot ng grupo, na inilabas nila noong Agosto noong nakaraang taon.


Ayon sa Pink Villa, ipinaliwanag ng YG Entertainment na ang paparating na Asian Tour ay binalak para sorpresahin ang mga fans na sumuporta at nagpakita ng pagmamahal sa grupo sa kanilang huling full studio album.


Idinagdag din ng entertainment agency na ang mga miyembro ay nagsusumikap na ibigay ang kanilang makakaya sa kanilang pagtatanghal sa Asian tour na ito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page