top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 21, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngyaong Pebrero 21, 2026 (Sabado): Kumikilos ang kapalaran mo para maabot mo ang iyong mga pangarap. Makakaasa ka na ang lahat ay lubos na magkakaroon ng katuparan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dahil sa maling kilos ng mga lihim mong kaaway, mas lalo pang gaganda ang buhay mo. Kahit ano’ng gawin nila, aalalayan ka pa rin ng langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-20-24-35-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang lalapit sa iyo ang suwerte at siya ang taong magpapakita sa iyo ng maganda. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-16-26-33-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Mananalo ka ngayon. Noon pa nagpasya ang langit na bigyan ka ng masasayang araw, kung saan ay makakabahagi ang mga malalapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-15-27-31-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Sasama ang loob mo sa Diyos, dahil aakalain mong ikaw ay pinagdaramutan, pero ang totoo, kumukuha lang Siya ng tiyempo para ibigay sa iyo ang mga kahilingan mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-16-25-29-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap kang abutin ngayon. Kaya mas maganda kung magpapakababa ka, dahil ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan mo sa simpleng tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-28-30-32-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapansin mo sa mga araw na ito na ang mga tao ay mahirap intindihin. Huwag ka na lang kumibo dahil mas sasakit lang ang ulo mo sa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-24-35-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mahirap ang sikreto para ulanin ka ng magagandang kapalaran, dahil kailangan mo lang naman magbawas ng mga lumang gamit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-22-27-31-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Uunlad pa ang buhay mo dahil ngayon na darating ang mga inihanda ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-21-25-34-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil kahit dumami nang dumami ang iyong obligasyon, makakayanan mo pa rin ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-19-23-37-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aangat ka, ito ang gusto ng langit para sa iyo. At kapag ginusto ng langit, tiyak na mangyayari at walang sinumang puwedeng humadlang. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-12-26-36-38-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madaragdagan ang bilang ng mga puwede mong pakinabangan. Oo, mga taong naaakit sa iyo dahil ayon sa kanila ay sumasaya sila dahil sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-20-27-33-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pamamasyal at pag-a-unwind ang laman ng iyong isipan. Kung hindi mo ito magagawa ngayon, magplano at maghanda ka na lang para sa isang maikling pagbabakasyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-21-28-30-35.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 20, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 20, 2026 (Biyernes): Nagbubunga ng magagandang kapalaran ang kabaitan ng isang tao. Tulad mo mismo, kapansin-pansin na ang mga suwerte ay laging nag-aabang sa daan ng buhay na iyong nilalakaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bumaba ka man, itataas ka pa rin. Ito ang pangako ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-19-30-33-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpaliwanag sa mga kaibigan mo, dahil ang tunay na kaibigan ay lagi kang nauunawaan. Hindi mo rin obligasyon na magpaliwanag sa ibang tao. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-13-22-31-38-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang mas bata. Ganu’n din sa kapalaran, sariwa at bago ang mga pagkakataong ihaharap sa iyo ng langit upang mas mapabilis pa ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-16-21-25-32-45.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ka, iyon ang iyong ipakita. Sa ganitong paraan, malalaman mong ikaw ay tanggap ng isang interesado na makasama ka. Huwag kang tumulad sa iba na mapagkunwari at ayaw ipakita ang tunay na sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-14-20-29-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon dahil tatalunin ka ng iyong damdamin. Sa una, magiging mahigpit ang pagsupil sa damdamin, pero ito ang mananaig. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-15-21-30-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang tama, iyon ang ipaglaban mo. Ito ang lihim na utos sa iyo ng langit, na may kalakip na pangako na ang magagandang kapalaran ay mapapasaiyo bilang iyong regalo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-17-24-33-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - May katapusan ang lahat ng bagay sa mundo, kaya lang ang pagmamahalang natapos na ay mahimalang bubuhaying muli. Ito ang katotohanang magpapagulo sa isipan mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-13-20-26-38-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malulunod ka sa saya’t ligaya. Minsan, ang sobrang saya ay napapalayo sa reyalidad. Ito ang dapat mong iwasan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-18-25-34-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hadlang ang problemang nasa iyong harapan, kung saan ay mas malakas ang hatak ng iyong emosyon. Gayunman, ituloy mo muna ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-13-22-23-36-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naghihiganti ang mahihina, habang ang malakas naman ay nagpaparaya. Piliin mo ang huli dahil ang regalo ng langit sa sinumang nagpaparaya ay malalaking biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-28-35-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tumakas ka sa problema. Hindi masamang takasan ang nagpapahirap sa damdamin at sa kalooban. Ang masama ay ang manatili ka sa maling kalagayan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-17-21-30-36-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pagbigyan mo ang nakikiusap, dahil minsan din naman bilang tao ay nakiusap ka sa kapwa mo. Ang pahabol na payo ay nagsasabing kapag nagbibigay ka sa nakikiusap sa iyo, ang langit mismo ang gaganti sa iyo. Maraming suwerte at magagandang kapalaran ang ibubuhos sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-12-15-27-37-45.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 19, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 19, 2026 (Huwebes): Kabilang ka sa masusuwerteng nilalang. Ang magagandang kapalaran ay kusang lalapit sa iyo. Ito mismo ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makakaasa ka na bibigyan ka ng kaluwagan ng iyong kapalaran. Kaya puwedeng-puwede mong ipagpatuloy ang mga gusto mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-20-28-39-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbubunga ng maganda ang bawat pagkilos mo. Kaya kumilos ka na at huwag mo munang pansinin ang mga nakaraang araw na parang hindi umuusad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-14-25-28-36-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala at alisin mo rin ang iyong pangamba. Ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating ay nakalaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-11-19-24-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Sa katunayan, malalaking suwerte ang mapapasaiyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-13-21-33-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hilingin mo na sa langit kung ano ang gusto mo sa buhay. Makakaasa ka, gagawa Siya ng paraan upang maisakatuparan mo ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-22-36-38-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pumanig ka sa kung ano ang mabuti. Huwag kang mag-alala, dahil mauunawaan ka rin naman nila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-25-32-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kambal na suwerte ang mapapasaiyo at ang matagal mo nang kahilingan sa langit ay makukuha mo na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-20-31-35-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magmadali. Ang nagmamadali ay kadalasang nadadapa at nasasaktan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-16-24-32-39-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumawa ka lang nang palihim sa magsasabi sa iyo na ikaw ay ambisyoso, dahil ayon sa iyong kapalaran, kahit napakalaki ng iyong ambisyon, makakamit mo pa rin ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-13-23-30-35-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malungkot kapag nawalan ka dahil ang kondisyon bago ka dapuan ng malalaking suwerte ay bawasan ang nasa iyo. Ito ang mensahe at hiwaga na rin ng buhay para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-21-27-38-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo makukuha ang gusto mo, pero mas maganda ang mapapasaiyo. Kaya magpasalamat ka lagi sa Itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-15-25-32-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dinaragdagan ng langit ang kapos at kulang. Sa ngayon, kung may kulang sa buhay mo, ipagkakaloob ito sa iyo ng langit para ikaw ay lubusang lumigaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-8-14-28-33-41.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page