- BULGAR
- Dec 29, 2025
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 29, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 29, 2025 (Lunes): Dahil sa kakaibang kabaitan mo, ang pagpapala ng langit ay laging mapapasaiyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-ingat ka dahil may magtatangkang dayain ka. Kaya bago ka tumulong, kilalanin mo muna silang mabuti. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-24-29-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdaratingan na ngayon ang magagandang bagay kahit pa nakikitaan ka ng pagkawala ng positibong personalidad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-14-23-33-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakatutuwa ang mga nag-aakalang nalulungkot ka dahil ‘di mo nakuha ang gusto mo. Ang hindi nila alam, mas lalo ka pang sumigla. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-15-28-30-44.
CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito. Susuwertehin ka at ang mga malalapit sa iyo ay susuwertehin din, pero ang mga kontrabida sa buhay mo ay makakaani ng mga nakakahiyang kamalasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-20-27-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Simpleng pagpapalit lang ng diskarte ang kailangan mo para makuha mo ang gustung-gusto mo. Hindi na kailangan pa ang masalimuot na pormula. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-12-25-36-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit ikaw sa sarili mo ay magtataka dahil ang isang ipinagpapalagay mong mahina ang personalidad ay magiging malakas ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-27-32-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon ang tamang panahon para palitan ang mga planong hindi naman uubra. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-18-24-31-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, kilos ng katawan ang iyong kailangan. Mahirap maunawaan ang katotohanang kapag kumikilos ang tao, mas lalo siyang nagiging positibo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-22-30-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi natitinag ng anumang pagsubok ang taong may malakas na personalidad. Malakas ang iyong personalidad. Kaya asahan mo na ang tuluy-tuloy na pagpapala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-17-23-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Balewala ang pagiging negatibo mo, dahil hindi ito sapat para maawat ang matagal nang nakaguhit sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-20-25-37-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na magbabago ang pasya mo dahil muli na namang iiral ang pagiging maawain mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-29-34-39-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ngayon ang maghahari, pero hindi ka dapat maging malupit. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-11-24-28-30-41.




