top of page
Search

ni Gina Pleñago @News | September 6, 2023




Pinalabas ang 495 persons deprived of liberty (PDL) mula sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) upang lumahok sa Reformations Initiative for Sustainable Environment (RISE) para sa food security project ng gobyerno.


Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang, Jr., batay sa ulat na isinumite ni IPPF Superintendent Gary Garcia, 300 PDL mula sa medium security at 195 mula sa minimum security ang nagsimulang maghanda ng binhi at lupa sa dalawang ektarya mula sa ang 501 ektarya na pag-aari ng BuCor para sa RISE project.


Batay ito sa Memorandum of Agreement na nilagdaan kamakailan sa Palasyo na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagitan ng Department of Justice, BuCor at Department of Agriculture.


Ang proyektong ito ay hindi lamang makatutulong sa kasapatan at seguridad ng pagkain ng bansa ngunit tutugon din sa isa sa mga alalahanin ng sektor ng agrikultura ng mga matatandang magsasaka dahil ang mga PDL ay sasanayin bilang mga magsasaka.


Makatutulong din ito sa pag-maximize ng kapasidad ng bansa na gamitin ang buong potensyal nito sa paglaki ng mga lokal na pang-agrikultura commodities at pagbibigay sa mga internasyonal na merkado dahil sa malawak na pagpapalawak ng lugar ng produksyon.


Idinagdag ni Catapang na ito ay magbibigay ng karagdagang kita sa mga kalahok na PDL at makatutulong sa kanilang reporma at maghahanda sa kanila na mamuhay nang normal at produktibo sa muling pagsasama sa pangunahing lipunan.



 
 

ni Gina Pleñago @News | September 4, 2023




Tinulungang makauwi sa Pilipinas ang nasa 100 distressed overseas Filipino workers (OFWs).

Nagmula sa Kuwait ang mga OFW na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Biyernes ng umaga, sakay ng Gulf Air.

Ang mga OFW ay tinulungan ng mga opisyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Sa ulat ng OWWA, ang karaniwang dahilan ng mga Pilipino para sa pagpapauwi sa kanila ay ang pagmamaltrato ng kanilang mga amo, hindi wastong dokumentasyon, paglabag sa kontrata, pagkaantala ng suweldo at panghahalay na nagiging dahilan ng kanilang pagtakas sa abusadong employers.

Batay sa ilang airport authorities, may mga repatriates na tama ang dokumentasyon mula sa gobyerno ng Pilipinas kaya mas madaling nailigtas at nabigyan ng tulong.


Gayunman, may ilang OFWs na umaalis bilang turista pero nagtrabaho abroad kaya mahirap matulungan dahil ang kanilang mga travel documents ay hindi wasto at umano’y pinalulusot lamang ng mga illegal recruiter na may kasabwat na empleyado sa airport.


Ang Bureau of Immigration (BI) ay isang member-agency ng IACAT na inatasang magsagawa ng assessment sa mga papaalis na Pilipino upang matiyak ang tamang dokumentasyon.



 
 

ni Gina Pleñago @News | August 20, 2023




Inilunsad kahapon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang National Technical Education and Skills Development Plan (NTESDP) 2023-2028, ang national blueprint ng technical vocational education and training (TVET) sector na may temang "MaGaling at MakaBagong TVET para sa Bagong Pilipinas; TVET as a Pathway to

Recovery and Special-Economic Transformation".


Pinangunahan nina TESDA Sec, Suharto Mangudadatu, United States Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at DOLE Sec. Bienvenido Laguesma ang opisyal na paglulunsad ng development plan na ginanap sa Peninsula Hotel sa Makati City.


Nabuo ng TESDA ang NTESDP 2023-2028 sa pamamagitan ng konsultasyon sa iba't ibang stakeholders bilang mandato sa ilalim ng Republic Act No. 7796 at sa suporta ng United States Agency for International Development (USAID).


Sa patnubay ng AmBisyon Natin 2040,ang 8-point economic agenda, Philippine Development Plan (PDP), at ng Labor Employment Plan, sumailalim ang NTESDP 2023-2028 sa mga komprehensibong pagpaplano sa nasyunal at mga erya maging ng mga konsultasyon sa maraming sektor.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page