top of page
Search

ni Gina Pleñago | February 6, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Muling bumalik sa Kabul, Afghanistan ang isang maliit na grupo ng mga Pilipino pagkatapos ng isang taon matapos na lisanin nila ito dahil sa kaguluhan.


Karamihan sa kanila ay galing umano sa ahensya ng United Nation (UN) at ilang mga internasyonal na organisasyon na pinayagan ng mga Taliban.


Ayon kay Migration Consultant Manny Geslani, ang mga OFWs na nagtrabaho sa nasabing bansa ay nakabalik pagkatapos ng isang taon mula sa kanilang magulong pagtakas sa Taliban noong Agosto 21, 2021.


Ang grupo ng mga Pinoy ay nakabalik noong 2022 upang magtrabaho para sa International Organization na nakabase sa Kabul katulad ng IMP, Red Cross, Save our Children, UNAMA at UNHCR.


Ang embahada ng Pilipinas ay nagawang iligtas ang 80 Pilipino sa isang chartered aircraft habang ang ibang mga OFWs naman ay nakaalis sa mga eroplanong militar ng US at United Kingdom.


 
 

ni Gina Pleñago | September 15, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Ligtas at hindi papalya ang pagbibigay ng gamot sa mga pasyente ng COVID gamit ang Robonurse sa lakeshore hotel sa mega quarantine facility.


Ipinaliwanag ito ni Dr. Jun Sy, ng epidemiology surveillance unit ng Taguig City Government nang magsagawa ng demonstration na may kakayahan umano ang Robonurse na gawin ang tungkulin ng isang nurse upang maiwasan ang closed contact ng pasyente at nurse personnel na nakatalaga sa facilities.


Puwede rin umanong makausap ng pasyente ang naturang Robonurse habang nagbibigay ng medicine o upang ituro ang oras ng pag-inom ng gamot sa mga pasyente na tinamaan ng virus na ino-operate naman ng isang nurse.


Ang lakeshore hotel mega quarantine facilities ay kaya umanong i-accommodate ang 500 pasyente na aalagaan naman ng mga doktor at nurse katuwang ang Robonurse.


Sa ngayon, nagde-develop pa ang Taguig City Government ng karagdagang Robonurse na gawa ng high school students ng Senator Rene Compañero Cayetano Memorial Science and Technology.

 
 

ni Gina Pleñago | September 11, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Nilagdaan na kahapon ni Bureau of Correction (BuCor) Director Usec. General Gerald Bantag ang release order ni US Marine Lance Corporal Scott Pemberton.

Ang nasabing release order ay agad na prinoseso ng inmates documents and processing division ng BuCor matapos matanggap ang official copy ng absolute pardon.

Sa ngayon ay naghihintay pa ng karagdagang impormasyon sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Samantala, aabot sa 93 na mga Person Deprived of Liberty (PDL) kabilang ang 86 na nabigyan ng parol ng board of pardon and parole ng Department of Justice (DOJ) sa NBP ang lumaya kahapon.

Kasama sa nasabing bilang ang 7 inmates na napagsilbihan na ang kanilang sentensya na kasama sa lalaya mula sa maximum, medium at minimum compound.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page