- BULGAR
- Mar 4, 2023
ni Gina Pleñago | March 4, 2023
Nasukol ang apat na Taiwanese na ‘undocumented’ na sinasabing kaanib ng malaking sindikato sa Taiwan.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Anti-Organized Crime Unit at mga operatiba mula sa Intelligence Division, Makati Police Station (Ayala Sub-
Station), Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Police Taiwan-Taipei Economic and Cultural Office mula sa magkakahiwalay na pagsalakay sa kahabaan ng Rockwell at Calumpang Road, Dasmariñas Village, Makati.
Arestado sina Wu Jheng Long, Chen Chien-Ning, Chun-Yu at Yang Zong Bao.
Narekober ang ilang baril at mga bala.
Ibinulgar pa sa impormasyon na ang mga naaresto diumano’y kaanib sa isang kilalang sindikato sa Taiwan na gumagawa ng mga ilegal na narcotics, telecom fraud operations at iba pang ilegal na aktibidad sa Pilipinas at ang pasaporte ng mga pugante ay binawi na ng mga awtoridad ng Taiwan.












