top of page
Search
  • BULGAR
  • Apr 21, 2023

ni Gina Pleñago | April 21, 2023




Pinalaya na ng Bureau of Correction ( BuCor) ang 580 persons deprived of liberty (PDL) mula sa iba't ibang penal farm sa bansa kahapon ng umaga.

Tinanggap nila ang sertipiko ng paglaya mula sa BuCor sa simpleng seremonya sa New Bilibid Prison (NBP).

Pinangunahan nina Department of Justice (DOJ) Sec. Crispin Remulla, BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, Jr. at Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta ang naturang seremonya na may temang Bagong Buhay at Pag-asa, Pagbabago'y Matatamasa".

Nasa 353 rito ang nabigyan ng parole dahil sa ipinamalas na magandang record sa bilangguan habang ang iba ay napawalang-sala ng korte at natapos na ang kani-kanilang hatol.

Binigyan-diin ni Catapang na asahan pa sa mga susunod na linggo o buwan ang pagpapalaya sa mga PDL na isa sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


 
 
  • BULGAR
  • Apr 13, 2023

ni Gina Pleñago | April 13, 2023




Ipapadala sa Iwahig at Sablayan Prison and Penal farms ang 700 Bilibid guards ng Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay umano sa kapabayaan sa kanilang tungkulin at pagkakasangkot ng ilan sa iregularidad.


Batay sa seremonya ng ‘Change of the Guards’ na pinangunahan ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr., isinalin nito kay bagong Superintendent Chief Sr. Insp. Purificacion P. Hari ang pangangasiwa ng maximum compound kapalit ni outgoing CCInsp. Lucio C. Guevarra.


Ang 700 prison guards na pinalitan ay sasailalim sa retraining ng halos isang buwan.

Isasagawa ito ng international prison reforms expert na si Prof. Raymund Narag ng Southern Illinois University.


Ang papalit sa kanila ay 300 prison guards na newly graduate mula sa Batch 17, 18, 19 at 35 senior guards na bibigyan ng bodycams.


Umabot na sa 30,259 person deprived of liberty o PDLs sa ngayon ang nasa pangangalaga ng BuCor at inaasahang sa taong 2028 ay magiging maayos na ang kanilang kalagayan sa mga kulungan dahil ililipat na ang mga ito sa malawak na lupain ng Fort Magsaysay, Nueva Ecija.


 
 

ni Gina Pleñago | April 1, 2023




Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sa darating na Semana Santa, puwedeng dumaan ang lahat ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA.


Mula Abril 3 hanggang 5, ang mga panlalawigang bus ay papayagan sa EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling-araw; at mula Abril 6 hanggang 10, round-a-clock namang pahihintulutan ang pagdaan ng mga provincial bus para ma-accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pupunta sa kani-kanilang probinsya para sa Semana Santa.


Magtatapos ang mga North Luzon sa kanilang mga biyahe sa mga terminal ng bus sa Cubao, Quezon City habang ang manggagaling naman sa South Luzon ay sa mga terminal ng bus sa Pasay City.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page