top of page
Search

ni Gina Pleñago @News | July 27, 2023




Walang riot na nangyari sa New Bilibid Prison (NBP), ito ang iniulat kahapon ng Bureau of Corrections (BuCor).


Isang Person Deprived of Liberty (PDL) ang nasawi sa pananaksak habang 9 naman ang sugatan.


Nilinaw agad ng BuCor, na walang naganap na riot kundi alitan lamang ng dalawang miyembro ng Batang City Jail at Bahala na Gang.


Base sa inisyal na ulat na nakarating kay BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr. ni J/Senior Inspector Angelina Bautista (Ret.), Officer-in-Charge Deputy Director for Operations at NBP Superintendent, alas-9 ng gabi nang magkaroon ng 'di pagkakaunawaan ang dalawang preso.


Agad namang naawat ang dalawa subalit ang isang PDL na 'di kasali sa away ay nagpaputok ng baril kaya nagkaroon ng panic at kaguluhan.


Nang matapos ang komosyon, isang Alvin Barba ang nadiskubreng patay dahil sa saksak ng icepick habang ang 9 na sugatan ay kinilalang sina Ampatuan Misuari, Emmanuel Carino, Makakna Iman, Marlon Cepe, Bernand Marfilla, Franklin Siquijor, Joner Moralde, Heron Supitran at Ardie Severa.


Patuloy pang inaalam kung magkaugnay ang insidente ng pamamaril sa pananaksak sa biktimang si Barba.


Patuloy na iniimbestigahan ang PDL na si Joseph Serrano para malaman kung paano

siya nagkaroon ng baril.


Sinuspinde naman ang dalaw sa Bilibid at nagsagawa ng clearing operations ang SWAT team ng BuCor sa Quadrants 1, 2, 3 at 4.



 
 

ni Gina Pleñago @News | July 25, 2023




Ipinakita ang bagong lottery machines na nakatakdang ipalit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga luma nitong aparato.


Inihayag ito nina Darrell Smith, vice president ng Smartplay International at Adrian Cobarrubias, chief operating officer ng JONICO Technologies System and Services Inc., ang joint venture na supplier ng PCSO sa loob ng mahigit 20 taon.


Ang makabagong lotto machines umano ay tamper-proof, accurate, transparent at mapagkakatiwalaang makinarya na ginagamit sa halos mahigit 100 bansa sa buong mundo.


Galing umano ang mga machine sa Estados Unidos at gumagamit ng RFID technology na pinagkakatiwalaan sa gaming industry.


Sa halip na pingpong balls, gawa na sa espesyal na foam materials ang bola nito.


Ang nasabing teknolohiya ay ginagamit umano ng Camelot ng United Kingdom, Hong Kong, Malaysia, U.S., Singapore, Brazil at marami pang iba.


 
 

ni Gina Pleñago | July 23, 2023




Inaasahan na muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Linggo.


Para sa gasolina, tinatayang tataas mula P1.35 hanggang P1.65 ang kada litro.


Habang ang diesel naman ay inaasahang tataas mula P0.25 hanggang P.55 kada litro.


Sa kerosene naman, inaasahan na tataas mula P0.40 hanggang P0.60 kada litro.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page