top of page
Search

ni Gina Pleñago @News | August 1, 2023




Binigyan ng pahintulot ang persons deprived of liberty (PDLs) na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na maka-order ng pagkain sa pamamagitan ng online delivery applications.


Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director, General Gregorio Catapang, Jr. nitong Lunes nang mapanayam ng DZBB TV, na maaari ito gamit ang laptops na itinalagang gamitin ng PDLs sa “e-dalaw”.


Lahat naman ng idedeliber na order, ibabagsak sa outpost ng NBP para rikisahin at tignan mabuti bago ipasok at ibigay sa PDLs, para maiwasang makapagpasok pa ng mga kontrabando.


Kaugnay din umano ito sa mga insidente na naisingit sa food packages ang kontrabando, kabilang ang sigarilyo na nabuko na ibinaon sa spaghetti.


Ibinulgar ni NBP Director na nadiskubre din ang isang sachet ng shabu na nakasingit sa idineliber na pagkain.


Nilinaw ni Catapang na hindi naman nila aalisin ang online delivery applications dahil nasa karapatan ng mga preso na umorder ng pagkain, na bahagi ng Mandela prison reform rules.


Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggalang sa mga karapatan ng mga bilanggo, kabilang ang kanilang mga kagustuhan para sa kanilang katutubong lutuin, tulad ng Chinese o Korean food.


Aniya, nakakaawa ang kalagayan ng mga bilanggo na siksikan sa ngayon kaya binibigyan sila ng kaunting luwag tulad ng pag-order sa labas ng pagkain.


Ang NBP na dapat ay mag-accommodate lamang ng 6,000 preso ay nasa 30,000 sa kasalukuyan.


Nitong nakalipas na linggo ay iginiit ni ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo na dapat magsagawa ng inquiry sa mga natatamasang pribilehiyo ng PDLs kabilang ang pagpapadeliber ng fast food sa piitan.



 
 

ni Gina Pleñago @News | August 1, 2023




Nagbigay ang European Union ng mahigit P30 milyong halaga na tulong para sa mga biktima ng Bagyong Egay sa Pilipinas at para masuportahan ang relief efforts ng bansa.


Ayon sa EU, layunin ng naturang pondo na makapagbigay ng life saving asssistance kabilang ang emergency shelter at shelter repair, malinis na tubig at sanitation para sa matinding sinalanta ng bagyo sa Regions 1 (Cagayan Valley), Region 2 (Ilocos Region), at Cordillera Administrative Region.


Ipinaabot din ni EU Commissioner for Crisis Management Janez Lenarčič ang agaran at walang patid na suporta ng EU sa mamamayang Pilipino kasunod ng pananalasa ng bagyo na nagresulta ng matinding pinsala at pagkawala ng mga buhay.



 
 

ni Gina Pleñago @News | July 28, 2023




Naghain ng kasong perjury si dating Commission on Elections (Comelec) Chairperson Harriet Demetriou sa Makati City Prosecutor's Office laban kay exorcist priest Fr. Winston Cabading na nag-ugat sa hiwalay na reklamo dulot ng umano’y pangungutya ng pari sa Lipa apparitions.


Batay sa 15-pahinang reklamo, binigyang-diin ni Demetriou na nagsinungaling umano si Cabading sa kanyang sinumpaang petition for review sa Department of Justice (DOJ) na may petsang Mayo 27, 2023 at inihain noong Mayo 29, 2023 hinggil sa umiiral na 1951 Papal Decree na nagdeklara sa 1948 Lipa Marian Apparitions bilang "supernatural character".


Ayon kay Demetriou, binanggit din ni Cabading sa kanyang petisyon ang "CDF Decree of 2015” kung saan mismong si Pope Francis ang sinasabing naglabas dito.


Kung mapatunayan na hindi umiiral ang naturang decree, sinabi ni Demetriou na mapatutunayan na may malisya si Cabading sa mga binitiwan niyang salita laban sa Lipa apparitions.


Matatandaang dinakip ng mga awtoridad si Cabading noong Mayo 13 matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) laban sa kanya na nag-ugat sa hiwalay na kasong inihain ng dating Comelec chief dahil sa umano’y paglabag sa Article 133 (offending religious feelings) ng Revised Penal Code (RPC).


Makaraan ang dalawang araw, naglagak ng P18,000 na piyansa ang pari para sa kanyang pansamantalang paglaya at kalaunan ay nagsampa ng petition for review sa DOJ.

Iginiit ni Demetriou na kinutya at hinamak umano ng pari, hindi lamang ang Banal na Birhen, kundi maging ang mga deboto nito.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page