top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | April 21, 2021



ree

Aminado ang Water Defenders na mabigat ang mga kakaharapin nilang mga koponan sa pagbubukas ng bagong season ng Premier Volleyball League (PVL) ngayong taon, kung kaya’t susubukan nilang panatilihin ang matinding depensa na magiging susi upang makamit ang inaasam na Final Four appearance.


Malaki ang paniniwala ni Balipure Water Defender head coach Rommel Abella na napakahalaga ng magandang depensa sa pakikipagtuos sa mga powerhouse teams gaya ng F2 Logistics Cargo Movers, Petro Gazz Angels, Creamline Cool Smashers at walo pang bigating kalaban upang mapagtagumpayan nilang makamit ang hinahangad na posisyon sa oras na magbukas na ang kumpetisyon.


Nakatakdang ibandera ng Water Defenders ang towering players nitong sina Geneveve Casugod, Roselle Baliton, Shirley Salamagos, Bien Elaine Juanillo at Satriani Espiritu, gayundin ang veteran captain na si Grazielle Bombita, Gyra Barroga, setter Alina Bicar at Patty Orendain.


May kasabihan tayo na defense wins championships. Aminado naman tayo na sobrang lalakas ng players, na may national team players din, kaya we’re trying to focus more on defense, kase we think du'n kami makakalamang and hopefully maging maganda yung kalalabasan ng training namin kase with defense may mga pattern yan eh, ang with patterns, kailangan amoy ng mga players ang bawat isa eh,” wika ni coach Abella, sa weekly TOPS: Usapang Sports webcast live sa Sports on Air kasama sina team manager Gil Cortez, Opposite Hitter ba si Barroga at Middle Blocker na si Espiritu. “We also need to look on our team chemistry first, and next it will translates kung anong gusto naming ipagawa para sa kanila. Yun ang target naming kunin, kumbaga one game at a time. We need progress not perfection and need to improve on certain aspects. Every game needs improvement,” dagdag ni Abella, na nais pang maangatan ang 6th place finish sa Reinforced at 8th place finish sa Open Conference sa PVL noong 2019.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | April 20, 2021



ree

ALCANTARA – Target ng MJAS Zenith-Talisay City ang makasaysayang ‘sweep’ sa first round sa pakikipagtuos sa Tabogon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ngayon sa Alcantara Civic Center sa Cebu. Nakatakda ang kasaysayan sa kauna-unahang pro basketball league sa South ganap na 3:00 ng hapon, kung saan target ng pre-tournament favortite Aquastars na mahila ang malinis na marka sa 5-0.


Samantala, inanunsyo ng Games and Amusements Board (GAB) nitong Linggo ang suspensyon ng Mindanao leg ng Vis-Min Super Cup upang isailalim ang buong liga sa isang matinding pagsusuri. Nakatakdang magbukas ang Mindanao division leg sa Mayo 20 sa Dipolog City, sa oras na magtapos ang Visayas championship makaraan ang isang linggo. Kabubukas lamang ng naturang division nitong Abril 9 na inilatag ng pitong koponan mula sa Mystics, Heroes, MJAS Zenith Talisay, KCS Computer Solutions Cebu City, Tubigon-Bohol, Dumaguete Warriors at Tabogon Voyagers, habang maghihintay sana ang mga koponan mula sa Mindanao division na katatampukan ng Basilan Peace Riders, Cagayan De Oro Rafters, Zamboanga Los Valientes, Pagadian Explorers, Roxas Vanguards, Sindagan Saints, Tawi-Tawi; Valencia City, Bukidnon at Ozamiz.


Rerepasuhin din ng GAB ang opisyal na ulat ng kanilang mga opisyales na nakatutok sa Vis-Min Cup bubble. Nais nilang tukuyin ang mga pananagutan sa pangangasiwa ng liga sa kanilang lisensya, gayundin ang posibilidad na pagpapatuloy ng kasong kriminal kung ginagarantiyahan ng mga pangyayari.


Kinokondena naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang nangyaring insidente. Nakaligtas naman sa ‘lifetime ban’ ang dalawang miyembro ng Mystics na sina Miguel Catellano at Michael Sereno na parehong nasa injured lists, habang si Vincent Tangcay ay hindi naman nakapaglaro ng kahit isang segundo sa naturang laro.



 
 

ni Anthony E. Servinio / Gerard Peter - @Sports | April 19, 2021



ree

ALCANTARA— Nanindigan ang Tabogon sa krusyal na sandali para maisalba ang panalo laban sa Dumaguete, 86-78, habang nanatiling malinis ang marka ng MJAS Zenith-Talisay City Sabado ng gabi sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Southern Cebu.


Naghabol ang Voyagers sa 12 puntos sa second period, ngunit nagpakatatag sa second half, tampok ang 11-5 run ng sa third period para sa 60-55 bentahe. Hataw si Joemari Lacastesantos sa naiskor na 18 puntos, anim na rebounds at siyam na assists para sa ikalawang panalo sa apat na laro ng Tabogon. Nag-ambag si Peter De Ocampo ng 15 puntos, habang kumana si Normel Delos Reyes ng 14 puntos, 3 rebounds, at 2 steals. Sunod na makakaharap ng Tabogon ang MJAS-Talisay (4-0) sa Martes, ganap na 4:00 ng hapon, habang mapapalaban ang Dumaguete sa KCS-Mandaue (2-1) sa Miyerkoles ganap na 4:00 ng hapon. Nanatiling malinis ang karta ng MJAS Zenith-Talisay City matapos pabagsakin ang kulang sa players na ARQ Builders Lapu-Lapu City, 84-75.


Hindi nakalaro sa Heroes ang mga suspendidong sina Jojo Tangkay, Reed Juntilla, Monbert Arong, Dawn Ochea, at Ferdinand Lusdoc bunsod ng kontrobersyal na laro laban sa napatalsik na Siquijor. Sa kabila nito, nagawang makaabante ng Lapu Lapu, ngunit matatag ang MJAS sa pangunguna ni Patrick Cabahug na kumana ng 17 puntos, 5 rebounds at 8 assists. “Kailangan talaga magising ang team namin,” pahayag ni MJAS coach Aldrin Morante. “Lahat ng teams dito gusto kami talunin. Magigising talaga kami ngayon.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page