top of page
Search

ni Anthony E. Servinio / Gerard Peter - @Sports | May 02, 2021



ree

Magaan na dinispatsa ng ARQ Builders Lapu-Lapu ang Tubigon Bohol Mariners, 101-67, Biyernes ng gabi sa pagtatapos ng double-round elimination, habang nasiguro ng KCS Computer Specialists-Mandaue City ang No.1 spot sa semifinals ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Cebu.


Tinapos ng ARQ ang eliminasyon tangan ang 5-5 para masungkit ang No.3 seed sa stepladder playoffs simula ngayong Sabado (Mayo 1). Muling magtutuos ang Heroes at Mariners squad (2-8) sa knockout game stepladder phase ganap na 3:00 ng hapon. Nauna rito, hindi na nagpatumpik ang KCS Mandaue City para ibaon ang Dumaguete City tungo sa dominanteng 78-50 panalo at patatagin ang kampanya na makausad sa Finals ng kauna-unahang professional basketball league sa South sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).


Napatibay ng KCS ang katayuan sa No.2 tangan ang 8-2 record at twice-to-beat advantage sa semifinal duel. Naghihintay na sa best-of-three Finals ang MJAS Zenith-Talisay City na awtomatikong umusad sa championship round matapos walisin ang elimination tangan ang 10-0 karta. “Of course, maganda ang morale nila pero mas importante is our defensive schemes are getting more consistent than before. We are also addressing the rebounding. I think we are more than ready for the semis,” pahayag ni coach Mike Reyes.


Naitarak ng KCS ang 17 puntos na bentahe sa halftime, 37-20. Mula rito, hindi na nakatikim ng anumang pagbabanta ang Mandaue sa karibal. “Getting better na si Ping (Excimiano). His groove sa game is medyo okay na. Pero ayun nga every time tatakbo siya, natatakot kami,” sambit ni Bautista, patungkol sa kanyang pambatong forward. “Good thing is okay naman ngayon. Lahat masaya kasi he’s back!” Tinapos ng Dumaguete ang eliminations na may 2-8 marka.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | May 1, 2021



ree

Tila tumpak ang mga koponan na katunggali ng MJAS Zenith-Talisay City Aquastars na sila ang ‘team-to-beat’ bago pa man magsimula ang liga at makalipas ang dalawang round ng eliminasyon ay nanatiling walang talo sa 10 laro matapos isubsob sa lusak ang ARQ Builders Lapu-Lapu City Heroes, 99-62, Huwebes ng hapon, para tuluyang dumiretso sa championship round ng Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas Vis-Min Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Cebu.


Maghihintay na lamang ng makakalaban para sa best-of-three finals ang Talisay City Aquastars laban sa limang iba pa sa quarterfinals at step-ladder semifinals. Rumehistro ng 22 puntos si dating Adamson Falcons shooter Patrick Cabahug, kaantabay ang 3 rebounds habang sinegundahan nina Shane Menina sa 11 points, Allan Santos sa 10pts. at ni team captain Paolo Hubalde sa 13 assists, kasama ang 6pts. Nanguna si Ferdinand Lusdoc para sa Lapu-Lapu City Heroes sa 12pts na bumagsak sa 4-5 panalo-talo. Malaking bagay sa amin na makuha namin yung sweep para makapahinga kami,” pahayag ni Aquastars head coach Aldrin Morante. “Siguro masasabi ko lang is all of this is because of the players. They deserve to rest.”


Maghihintay ang No.2 ranked at semifinalist na KCS Computer Specialist Mandaue City sa isang twice-to-beat advantage sa mananalo sa Lapu-Lapu City Heroes, Tabogon Voyagers, Tubigon Mariners at Dumaguete Warriors na maglalaban para sa knockout games. Nakatakdang magtapat ang No.3 laban sa No. 6, at No. 4 na tatapatan ang no. 5, para sa mananatiling matibay para kaharapin ang Mandaue City.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | April 30, 2021



ree

Isinalpak ng homegrown player na si Jumike Casera ang jump shot sa nalalabing 0.3 segundo upang maitakas ang panalo para sa Tubigon Bohol Mariners laban sa kulelat na Dumaguete Warriors, 62-61, Habang pinadapa ng KCS Computer Specialist Mandaue City ang Tabogon Voyagers, 82-71, Miyerkules, sa nalalapit na pagtatapos ng elimination round ng Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas Vis-Min Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Cebu.


Habang naghahabol ng isang puntos na kalamangan, tinangka ni league scoring leader Joseph Marquez na dalhin sa panalo ang Mariners, ngunit sinalubong ng matinding supalpal ni Warrior big man Jovanie Aguilar, hanggang sa bumitaw ng dos si Casera para makuha ang kalamangan sa 0.3 segundo. Sinubukan pang magmilagro ni Mannie Gabas para tangkaing ipanalo ang Warriors, ngunit sumablay ito.


Nakuha ng Mariners ang solo 5th place sa 2-7 kartada bago pumasok ng q'final round. Nagtapos si Casera ng 7 puntos habang muling pinangunahan ng dynamic-duo nina Marquez, 18 puntos at veteran Narciso “Pari” Llagas Jr, 21 pts. ang Bohol team. “Para talaga kay Marquez yung tira na iyon eh at kung ano man ang result nun, we we’re going to live with it. Pero masuwerteng andun si Casera sa ilalim ng mga oras na iyon,” wika ni Mariners head coach Gino Enriquez.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page