top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | May 20, 2025



Photo: Manny Pacquiao at Eddie Hearn - FB


Naniniwala ang isang kilalang boxing promoter na mahihirapang magwagi ang nag-iisang 8th-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao laban sa mas batang si reigning World Boxing Council (WBC) welterweight titlist Mario “El Azteca” Barrios sa Hulyo.


Bagamat nagsimula ng sumabak sa ensayo ang Filipino boxing legend at kahapon ay dumating na ito sa Los Angeles kasama ang kanyang misis na si Jinkeey Pacquiao para ituloy ang ensayo sa Wildcard gym nakahanay siyang iupo sa International Boxing Hall of Fame sa Hunyo sa New York City,  patuloy namang hindi pumapabor si Matchroom Boxing Promotions head Eddie Hearn na hindi mananalo si Pacquiao kontra Barrios dahil na rin sa edad nito.


I mean one, he won’t beat Barrios,” pahayag ni Hearn. “And two, I’m not gonna stand here with my righteous hat on and say it’s an absolute disgrace that Pacquiao's fighting, but I just can’t believe you can just literally disappear from boxing for five years, be 46 years old, and be – I think ‘shot’ is disrespectful, but by no means a fighter you were – and just phone up the governing body and go, ‘Stick me in at number five mate.’ It's like, at least put him in at 14, do you know what I mean? Why would you put him at five? Why would you put him in at all?”


Hindi lamang nagdududa si Hearn sa kasalukuyang kapasidad ni Pacquiao laban sa mas batang katunggali. Huli niyang naging laban sa pro  noong Agosto 2021 nang matalo kay Yordenis Ugas ng Cuba sa unanimous decision. Pero hindi niya agad  tinalikuran ang boksing, sumagupa sa magkasunod na exhibition bouts kontra  Korean vlogger DK Yoo at Japanese kickboxer Rukiya Anpo noong 2022 at 2024.   

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | May 8, 2025



Photo: EAC Generals Elliza Mae Alimen - NCAA Philippines IG



Mga laro sa Biyernes (EAC Gym)

12 pm – Perpetual vs SSC-R (women)

2:30 pm – Letran vs Arellano (women) 


Naiwasang mapurnada ng Emilio Aguinaldo College Lady Generals ang pinagtiyagaang panalo matapos matakasan ang masigasig na paglaban ng Jose Rizal University Lady Bombers sa 5th set sa 25-11, 27-25, 17-25, 25-27, 15-11, kasunod ng pambihirang career-high ni Elizza Mae Alimen, kahapon sa 100th NCAA women’s volleyball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Binanatan ng Iloilo City native ang pagkamada ng mahusay na atake sa pagtala ng 27 puntos mula sa 24 atake, para pangunahan ang 62 atake ng EAC tungo sa ika-4 na panalo at 10 pagkatalo.


Nabulilyaso ang asam ng JRU na mabaligtad ang sitwasyon nang madala sa deciding set ang laro kasunod ng 3 errors sa 5th set mula sa toss error ni Jerry Lyn Laurente.


Nagkaroon ng service error si Erica Bodonal ng EAC na nagbigay ng pagkakataon sa Lady Bombers para buhay pa ang tsansa sa laro. Subalit isang masakit na service error ang natamo ni Cherish Dayame na nagsilbing senyales ng pagkapanalo ng Lady Generals.


Sumegunda sa scoring si Bedonal sa 15 puntos sa 14 attack at 12 excellent receptions, gayundin sina Jamaica Villena sa 12 marka at Cara Dayanan sa 11 puntos.


Samantala, nagwagi pagdating sa five sets ang San Beda Lady Red Spikers laban sa Lyceum Pirates sa bisa ng 25-14, 22-25, 21-25, 25-13 at 16-14 para sa 3-2 panalo.   Pinangunahan ni Janelle Bachar ang atake ng Lady Red Spikers sa itinalang game-high 22 points sa 19 attacks, 1 block, at 2 aces.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | Apr. 24, 2025



Photo: PLDT High Speed Hitters at Petro Gazz Angels sa AVC - PVL


Mga laro ngayong Huwebes

(Philsports Arena)

4 p.m. – Zhetysu vs PLDT

7 p.m. – Petro Gazz vs. Baic 


Haharapin ng kapwa PLDT High Speed Hitters at Petro Gazz Angels ang nakalaang tungkulin na malampasan ang malaking pagsubok na hatid sa quarterfinal round sa magkahiwalay na banatan sa 2025 AVC Women’s Volleyball Champions Cup ngayong araw sa Philsports Arena.


Malalaman kung mananatili o magtatapos ang kampanya ng dalawang Pinoy teams na kakaharapin ang mga top teams ng ibang grupo na magsisimula bandang 4 p.m. sa pagitan ng Pool D 2nd placer High Speed Hitters kontra Pool A top seed Zhetysu VC ng Kazakhstan at ang Pool A 2nd ranked Petro Gazz Angels laban sa Beijing Baic Motor.   Nakaantabay  ang 2025 All-Filipino Conference titlists Creamline Cool Smashers laban sa Nakhon Ratchasima sa Biyernes.  


Bagaman natanggap ng PLDT ang masaklap na five-set pagkatalo laban sa Thai squad, pinatunayan ng High Speed Hitters ang kanilang katatagan sa paghabol sa 0-2 set bago tuluyang matalo sa decider. Tila mas kinakailangan pang maging halos perpektong laro ng PLDT laban sa mas matangkad at disiplinadong depensa ng Zhetysu, na kumana ng straight set laban sa Creamline.

 

Same nu'ng bago mag-Thailand. Alam naman namin high level, malakas and all. Pero bilog pa rin naman bola. Tulad ngayon, wala naman nag-expect na makakahabol kami ng dalawa. Pero umabot kami sa dulo,” pahayag ni PLDT coach Rald Ricafort na patuloy na sasandalan si Fil-Canadian Savannah Davison, na ikatlong best scorer ng torneo, katulong sina Cuban import Wilma Salas at Kim Kianna Dy laban kina Karyna Denysova, Valeriya Yakutina at Tatyana Nikitina.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page