top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | March 22, 2022


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2022, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali, katangian at kapalaran ng animal sign na Tupa o Sheep, na tinatawag ding Kambing o Goat.


Kung ikaw ay isinilang noong 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003 at 2015, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Kambing o Tupa.


Ngayong 2022, maraming oportunidad na darating sa Tupa, ngunit ang lahat ng magagandang pagkakataon ay hindi mo dapat madaliin o apurahin, lalo na sa pagnenegosyo o career. Ito ay dahil ang kasabihang “Slowly but surely” ang iiral na kapalaran sa Tupa o Kambing sa taong ito.


Kaya kung halimbawang may mag-aalok sa iyo ng negosyo na may malaki o dobleng tubo, basta mag-invest ka lang sa isang produktong alam mo namang may pagka-scam, dapat umiwas ka na rito.


Kaya naman ang pardon ng tagumpay na darating sa iyong buhay ngayong 2022, na siya ring simula ng pagyaman, ay ‘yung retailing o pagtitinda nang patingi-tingi, kung saan kahit maliit ang tubo ng produkto, mabilis naman itong nauubos araw-araw at parami pa nang parami ang order. Sa ganu’ng paraan, ang pagsisinop sa maliit na tubo pero mabilis mabenta, mabilis kang uunlad at yayaman ngayong taon at halos hindi mo na napapansin na umuunlad at yumayaman ka na.


Sa pag-ibig ay ganundin, may mga oportunidad ng masasarap na pakikipagrelasyong darating at kung ikaw ay single, malamang na makilala mo na ngayong taon ang lalaki o babaeng inilaan sa iyo ng kapalaran na makakasama mo habambuhay. Ngunit tulad ng nakaraang paalala, hindi ka dapat magmadali. Dapat ay dahan-dahan lang, hayaan mong mabuo nang kusa ang masayang pagkakaibigan na dahan-dahan ding hahantong sa mas masarap at maligayang relasyon.


Ngunit may babala na kapag minadali mo ang pakikipagrelasyon, malamang na sa kabiguan o pagluha ito hahantong. Tandaang ang malusog at maraming bunga na halaman ay itinatanim mo sa matabang lupa at hinahayaan itong diligan ng panahon hanggang sa unti-unti itong lumago at mamunga. Sa ganu’ng paraan, tunay ngang sa lahat ng aspeto ng buhay, mas matatamasa mo ang mas masarap at malaking tagumpay.


Kumbaga sa bungang kahoy, hayaan mong mahinog sa sanga ang prutas at ‘wag agad pipitasin ang nasabing bunga dahil tulad ng nasabi na, isang maligaya at pinagpalang 2022 ang darating sa iyong buhay.


Mapalad naman ang kulay na green, red at purple, habang mananatiling pampabuwenas ng Tupa ang kumbinasyon ng mga numerong 7, 16, 20, 34, 43 at 51, ganundin ang 2, 11, 25, 34, 44 at 52, higit lalo sa mga araw ng Linggo, Lunes at Sabado.


Sa buong 2022, kusa namang iigting ang mabuting kapalaran sa lahat ng aspeto ng buhay mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang ika-25 ng Hulyo at mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-25 ng Nobyembre.


Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | March 15, 2022


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2022, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali, katangian at kapalaran ng animal sign na Tupa o Sheep, na tinatawag ding Kambing o Goat.


Kung ikaw ay isinilang noong 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003 at 2015, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Kambing o Tupa.


Kung Dragon ang itinuturing na isa sa pinakamasuwerte sa 12 animal signs, hindi naman nagpapahuli ang Tupa o Kambing, dahil ang isa sa mga likas na kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanya ng langit ay hindi na niya kailangang magpakahirap o magtrabaho nang sobra upang mabuhay at kumita ng malaking halaga. Bagkus, karamihan sa mga Tupa o Kambing ay nagkakaroon ng malalaking biyaya mula sa langit kahit hindi nila gaanong pinaghihihirapan ang mga ito.


Sa katotohanan, bagay sa kanya ang kasabihan ng matatanda na, “Ako ang nagtanim, ngunit iba ang kumain.” Kung saan, karaniwan nang hindi gaanong nagtatanim ang Tupa, ngunit pagdating ng gapasan o pitasan ng mga bunga ng pananim, nakapagtatakang siya pa ang mas maraming inaani.


Dagdag pa rito, sa ayaw at sa gusto niya, marami ring tao o organisasyon ang tumutulong sa kanya nang hindi niya inaasahan. Kadalasan, dating nang dating ang biyaya sa Tupa kung saan halos mapuno na ang kanyang kaban-yaman. Ngunit dahil likas na mabait ang Tupa, ang mga biyaya na natatanggap niya ay nauubos din at walang natitira dahil ito ay ipinamimigay niya rin sa iba’t ibang tao.


Kaya kung hindi matututong magsinop ng kabuhayan ang Tupa, maaaring masimot ang kanyang mga ari-arian, ngunit kung matututunan niya namang mag-ipon para sa future, tunay ngang isang napakayaman, matagumpay at maligayang Tupa ang mabubuo.


Sa emosyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa, ang mga Tupa ay sobrang lapit sa kanyang pamilya kaya bihira sa mga Tupa ang nakakalayo sa sinilangan niyang bayan o tahanan.


Kung sakali mang tumira ang Tupa sa malayong lugar, tiyak na babalikan niya ang kanyang pamilya upang alagaan ang mga ito, tangkilikin at arugain, dahil ganu’n talaga magmahal ang Tupa sa kanyang pamilyang kinagisnan.


Ganundin sa pag-ibig, sila ay minsang magmahal, at ang minsang ito ay itinuturing na niyang panghabambuhay. Kaya naman kapag hindi nakatuluyan ng Tupa ang kanyang first love, maaari siyang magkaroon ng maraming karelasyon, pero ito ay mapapalitan at mawawala rin, ngunit wala nang magtatagal pang iba. Ang aakalain ng ibang tao ay playboy o playgirl ang Tupa, ngunit ang totoo, walang nananatiling karelasyon sa kanya, hindi dahil gusto niya ng maraming karanasan kundi dahil sobrang na-in love siya sa una niyang minahal na babae o lalaki. At siya pa rin ang hinahanap niya sa kanyang nakakarelasyon, na hindi naman niya natatagpuan, kaya hindi sinasadyang nakakarami siya ng karelasyon at wala namang nagtatagal.


Samantala, sinasabing sobrang magiging maligaya ang Tupa sa pag-ibig at sa pakikipagrelasyon sa sandaling natagpuan na niya ang isang optimistic, masayahin, mahilig gumala at easy go lucky na Kabayo. Bukod sa Kabayo na masarap ang buhay, ka-compatible rin ng Tupa ang Rabbit o ang Kuneho dahil bago pa sila ipinanganak, sadyang magkaibigan na sila at may malalim na ugnayan ang kanilang mga puso at kaluluwa, kaya kapag nagsama, kailanma’y hindi na sila maghihiwalay. Ang maharot ngunit sensuwal na Unggoy ay ka-tugma rin ng Tupa, kung saan mararamdaman ng Tupa sa Unggoy ang init ng romansa at ang sarap na dulot ng paglalambing, pagkalinga at habambuhay na pagmamahal.



Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | March 10, 2022


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2022, tatalakayin naman natin ang pangunahing ugali, katangian at kapalaran ng animal sign na Tupa o Sheep, na tinatawag ding Kambing o Goat.


Kung ikaw ay isinilang noong 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003 at 2015, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Kambing o Tupa.


Dahil sa taglay na kabaitan, ang Tupa o Kambing ay sadyang madamdamin, tahimik at madaling masaktan. Kapag hindi natutong magmatapang at hindi niya sinanay ang pagiging malakas, marami sanang magagandang kapalaran ang ibibigay ng langit para sa Tupa, ngunit dahil puno ng takot at alinlangan ang kanyang sarili, ito ay masasayang lamang.


Bukod sa mahina ang loob, madalas mag-alinlangan at magduda sa sarili niyang kakayahan ang Tupa, ang mga tagumpay na sanang proyekto at binabalak niya ay nabibigo at napupurnada pa sa kawalan.


Kaya sinasabing ang the best na magagawa ng Tupa upang patuloy na umunlad at maging maligaya ang kanyang karanasan ay i-develop ang kanyang tapang at tatag ng loob. Sa ganyang paraan, ang magandang kapalaran ay tuluy-tuloy at tiyak na papabor sa kanya sa lahat ng sitwasyon at pangyayari sa kanyang karanasan.


Dagdag pa rito, sa kabila ng nasabing mga kahinaan ng Tupa, ang higit na maganda sa kanya dahil likas na mabait at mahina, palagi siyang pinagpapala ng langit. Kumbaga, sa ayaw at sa gusto niya, pinagkakalooban siya ng hindi inaasahang magagandang kapalaran, na nagiging dahilan upang umunlad ang kanyang kabuhayan. Gayundin, yumayaman at lumiligaya siya nang hindi tinangka, sa halip, parang “magic” itong ibinigay sa kanya ng langit at ginamit ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya sasabihin ng iba, “Ang gara at napakasuwerte naman ang kapalaran ng taong ‘yan” – pero ang katotohanan, ang magagandang kapalarang nabanggit ay regalo sa kanya ng langit dahil sa taglay niyang kabaitan at magiging may mabuting puso at malinis na kalooban.


At dahil sa magagandang kapalarang ito na ipinagkakaloob sa Tupa, kahit hindi siya magtrabaho nang mabigat, binibigyan sila ng mga biyaya ng langit at kadalasan, may mga sitwasyon na ang bunga ng pinagpaguran ng iba ay ipagkakaloob sa Tupa.


Samantala, ang isa pang problema ng Tupa, matapos umunlad at magkamal ng mga kayamanan at ari-arian, may tendency na ipamigay niya rin ito nang walang habas, kumbaga, bigay lang nang bigay. Dahil dito, madalas matagpuan ang buhay ng Tupa sa kalagayan na “bulagsak” o nagsasayang ng mga biyaya at magagandang kapalarang ipinagkakaloob sa kanya.


Ngunit ang hindi alam ng nakararami, habang ipinamamahagi niya ang mga ari-arian, ang kanyang kabuhayan o anumang mayroon siya, parang talbos ng kamote, habang tinatalbusan ay lalo namang lumalago, dumarami at nananariwa ang kanyang kabuhayan, kaya lalo siyang pinagpapala at yumayaman.


Itutuloy



 
 
RECOMMENDED
bottom of page