top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Ika-25 Araw ng Abril, 2024



ree

Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.

 

Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Kuneho o Rabbit. 

Ang Kuneho o Rabbit ay silang mga isinilang noong taong 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011 at 2023. 

Narito ang tinatayang magaganap sa kapalaran ng Kuneho ngayong Green Wood Dragon. Kung wala ka pang karelasyon, malaki ang tsansa na sa taong ito, ika’y makapag-asawa at habambuhay na lumigaya.


Samantala, ang mga Kunehong nalulungkot, dahil wala pa silang boyfriend o girlfriend, ngayon Green Wood Dragon, tunay ngang bibiyayaan sila ng isang masaya at panghabambuhay na karelasyon.


Ang isa pang sitwasyon na maaaring maganap ngayon, sa blind date nila matatagpuan ang kanilang special someone. Ito rin ay isang malinaw na makakasama nila sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.


Kung may asawa ka na at ikaw ay isang babae, ngayong taon ka nakatakdang mabuntis. Ngunit, kung ikaw naman ay isang lalaki, ngayon na rin kayo magkakaroon ng anak ng misis mo, at ang magiging supling n’yo ay isang matalinong bata na ubod ng suwerte. Ang nasabing anak ang mag-aaruga at aalalay sa inyo.


Samantala, sa pangmateryal na aspeto naman, sinasabing ngayong Green Wood Dragon, malaki ang posibilidad na makapagpundar kayo ng sasakyan o kaya house and lot.


Ang mahalagang balita ngayong 2024, kung ikaw ay isang Kuneho maaari kang magkaroon ng dagdag na asset na hindi n’yo gaanong inaasahan. Bukod dito, kung may bahay ka na, tiyak na ngayong 2024 mo ito ipapa-renovate. Pero, kung may negosyo ka naman, mas lalo pa itong aangat hanggang sa umunlad ito nang umunlad.


Dagdag dito, ibinabalita rin na sa aspetong pangpinansyal, maraming salapi, mahahalagang bagay at sorpresang matatanggap ang Kuneho, na tila regalo mula sa langit, wala silang dapat gawin kundi sunggaban ito nang sunggaban.


Sa aspetong pang-career at pangkabuhayan, ngayong 2024 din magtutuluy-tuloy ang kanilang sigla, kaya asahan ngayong 2024 ang pagtaas ng kita. Gayunman, dahil likas ngang maganda ang kapalaran ng isang Kuneho ngayong 2024, hindi pa rin niya dapat madaliin ang lahat ng bagay, lalo na pagdating sa salapi at pagpapayaman.


Sa halip, dapat ay nakaplano ang lahat, mula sa pagkilos at paglulunsad. Kung saan, hindi dapat maging excited ang kanilang damdamin, dahil ang dapat niyang isaisip ay kung talaga bang kanya niyang gawin ang isang bagay, hindi naman sa hindi na siya dapat kumilos o magsikap. Sa halip ang tamang attitude kung talagang sa iyo ang magandang kapalaran, konting kilos, at kembot lang, tulad ng naipaliwanag na – madali at, isa-isa na malalaglag ang sanga ng magagandang bunga na iyong pinapangarap at inaambisyon sa buhay.


Kaya nga tulad ng nasabi na, hindi ka dapat manggigil o magmadali, dahil baka ito pa ang magpahamak sa kabuhayan o sa salaping hawak n’yo ngayon.


Sa madaling salita, kapag naipatupad ng Kuneho ang kasabihang, “Slowly but surely”, tiyak na ang pag-angat ng kanilang kabuhayan ngayong 2024, hanggang sa tuluyan na rin silang yumaman.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Ika-22 Araw ng Abril, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.

 

Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Kuneho o Rabbit. 


Ang Kuneho o Rabbit ay silang mga isinilang noong taong 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011 at 2023. 


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, bagama’t likas na mapagmahal, may pagkapihikan naman ang isang Kuneho. Ibig sabihin, mailap at mahirap silang mahuli, kumbaga, matagal sila bago magtiwala sa isang nilalang.


Dahil sa ugaling ito ng Kuneho, ang madalas na nangyayari ay “late in life” na kung sila nakakapag-asawa.


Kaya naman, kung ikaw ay isang Kuneho at nararamdaman mo na medyo pihikan at nagkaka-edad ka na, dapat ka na sumunggab nang sumunggab sa bawat pakikipagkaibigan na iyong nararanasan upang hindi ka maiwanan ng panahon, at tumandang dalaga o binata. Sapagkat, mas maganda pa rin na magkaroon ng sariling pamilya. Kung saan, dito ka dapat makabuo ng masaya at successful na family.


Sa panahon namang nakapag-asawa na ang isang Kuneho, matagal siyang nakakapag-adjust, dahil hindi niya agad natatanggap na may kasama na pala siya sa buhay.


Kumbaga, nakasanayan na kasi niyang mag-isa, kaya naman kapag nakapag-asawa na siya, nahihirapan siyang makisama sa babae o lalaking kanyang asawa.


Dagdag dito, dahil matagal magtiwala, kapag may asawa na ang isang Kuneho, hindi pa rin siya mapakali, dahil iniisip niya na baka hindi totoo o hindi tapat ang kanyang kapareha.


Dahil dito, madalang tuloy siyang nakaramdam ng tunay na ligaya.


Kaya kung ikaw ay isang Kuneho, mas magandang kapag nakapag-asawa ka, anuman ang kapintasan na mayroon siya, anuman ang iniisip mo sa kanya, pikit-mata mo siyang mahalin at pagkatiwalaan, ito na lamang ang sabihin mo sa iyong sarili, “Siya ang hulog sa akin at bigay ng langit, anuman at sinuman siya, dapat ko siyang tanggapin at mahalin.” 


Sa ganu’ng attitude, roon ka mas liligaya at sasaya.    


Ang kinaganda pa sa isang Kuneho, kapag naging stable na ang kanyang relasyon, o nakapag-adjust na siya sa buhay pagpapamilya, sobra rin siya kung magmahal, lahat ng kaya niyang gawin ay gagawin niya para lamang sa ikaliligaya ng kanyang minamahal na pamilya. 


At pagdumating ang panahon na stable na ang pamilya ng isang Kuneho, tunay ngang lalong lulumutang ang kanyang dedikasyon. 


Sa pangkalahatan, tunay ngang may pagka-elegante, romantiko at marahan kung maglambing at magmahal ang mga Kuneho sa kanilang mga kasuyo.


Sinasabing ang Sheep o Tupa ang isa sa ka-compatible ng Rabbit upang madama niya ang isang maligaya at panghabambuhay na romansa at pakikipagrelasyon.


Katugma at okey din sa isang Kuneho ang tapat at mapagmahal na Aso, gayundin ang Baboy. Bukod sa Tupa, Aso at Baboy, swak ding mapangasawa ng isang Kuneho ang isang matalino at mahusay magdesisyon na Ahas, Daga, Dragon at Baka.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Ika-21 Araw ng Abril, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.

 

Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Kuneho o Rabbit. 


Ang Kuneho o Rabbit ay silang mga isinilang noong taong 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011 at 2023. 


Sa aspetong pandamdamin at pakikipagkapwa tao, dahil super love ng mga Kuneho ang tahimik at payapang buhay, kadalasan silang umiiwas sa responsibilidad at hinahayaan na lamang nila na lumipas ang mga pangyayari. Kung saan, inaakala tuloy ng iba na ang Kuneho ay isang pabaya. Pero, hindi naman sila ganu’n. Sa halip, ang mga Kuneho ay may mga layunin at pangarap lang na nakatuon sa ikabubuti at ikagaganda ng kanilang mga pamilya. Ibig sabihin, likas sa mga Kuneho ang matulungin at maasikaso sa kanilang pamilya at nakapokus sila sa kanilang ambisyon.


Kung pagbibigyan sila ng langit na yumaman, tiyak na ang una nilang babalatuhan ng kaligayahan at luho sa buhay ay ang miyembro ng kanilang pamilya, dahil tulad ng nasabi na, likas na matulungin, mapagmahal at mapagbigay ang Kuneho sa kanilang pamilya. 


Bukod sa payapa at tahimik na buhay, ang mga Kuneho ay mahiligin din sa nature, at ito rin ang nagsisilbi nilang therapy. Kaya naman, mas pinipili nila ang mapag-isa kesa na makihalubilo sa iba. Dahil dito, napapagbintangan tuloy ang mga Rabbit na isang loner at introvert. Bagama’t may pagka-introvert, ang ikinaganda naman sa Rabbit kahit na sila ay naghihirap at nauubusan ng salapi, hindi sila gaanong naaapektuhan, dahil likas sa kanila ang pagiging optimista.


Tunay ngang kahit na mahulog pa ang Kuneho sa pinakababang kalagayan, mangangarap pa rin sila ng maganda at positibong bagay, dahil hindi namamatay ang ningas ng kanilang espirito na isang araw, uunlad, yayaman at magiging maginhawa rin ang kanilang buhay. Kaya naman ang Kuneho ay laging umaasa, kahit pa na wala ng pag-asa, dahil buo pa rin sa puso nila, at nakakatiyak pa rin sila na uunlad, sasagana at magbabago rin ang lahat.


Dahil likas na mahilig ang mga Kuneho sa magagandang mga bagay at sa mga likhang sining, matatagpuan ang kanyang bahay na may mga collection ng mga mamahaling likhang sining at mga antique na bagay sa kanila, ito rin ang lucky charm nila o panghatak ng suwerte at magandang kapalaran lalo na sa larangan ng pananalapi, pangkabuhayan at materyal na bagay. Bagay na bagay din sa Kuneho ang pagiging mapag-isa, katulad ng pagpunta sa mga lugar na malapit sa kalikasan, arts collector, philanthropist, social worker, anthropologist, at iba pang uri nito.


Dagdag dito, dahil likas sa Kuneho ang pagiging marangal, tugma sa kanilang pagkatao ang old French expression na “noblesse oblige” na nangangahulugang habang may kakayahan sila, patuloy pa rin silang nagiging marangal, at matulungin sa mga taong nangangailangan.


Tunay ngang sa pangkalahatan, dahil likas na mabait at mabuting tao, itinuturing din sila bilang isa sa pinakamapalad na animal sign, kaya madalas silang natatagpuan na may kuntento, successful at maligayang pamilya, lalo na sa panahon ng kanilang katandaan.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.



 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page