top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 29, 2020


ree



Kabilang ba kayo sa mga taong nagtataka kung saan napupunta ang inyong kinakain dahil kahit lamon na ang ginagawa ay hindi pa rin tumataba? Nakakaapekto rin kasi ang tamang pagkain para tumaba at pero don’t worry na mga lodi dahil ito na ang sagot sa ating problema ayon sa Health Line!

  1. Smoothies - Ayon sa Healthline, ang pag-inom ng smoothies ay isa sa pinakamabilis na paraan para tumaba dahil mayroon itong 400-600 calories.

  2. Gatas - Ang gatas ay mabisang weight gainer at muscle builder at good source ng calcium. Mas mainam kung 2 baso ng gatas ang iinumin sa isang araw.

  3. Mani - Ang pagkain ng almonds ay makakatulong upang mabilis tumaba dahil sa taglay nitong protein at healthy fats. Aprub din ng mga eksperto ang pagkain ng peanut butter na 100% nuts na no added sugars at extra oil.

  4. Avocado - Punumpuno ng healthy fats ang avocado. Ang isang piraso ng malaking avocado ay may taglay na 322 calories, 29 grams of fat at 17 grams of fiber. Mayaman din ito sa minerals at vitamins.

  5. Dark chocolates - Recommended ang pagkain ng dark chocolates dahil bukod sa antioxidants, may taglay din itong calories, fiber, at magnesium na mabisang pampataba.

Ayan mga lodi, pagkain pa rin ang solusyon! Oh, di ba, busog ka na, maa-achieve mo pa ang gusto mong katawan! Tara at sama-sama tayong magpataba.

 
 

ni Lolet Abania | June 28, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Dahil sa lockdown at stay at home order, kumpleto ang pamilya sa araw-araw. Bonding-bonding at madalas tayong kumain. Minsan pa nga, katatapos palang ng breakfast, nagtatanong na agad si bunso kung anong ulam sa tanghalian. Siyempre, dapat mabilis mag-isip si mommy ng iluluto para hindi naman mga delata na bigay ng barangay ang ihahain. Heto ang mga puwedeng ilagay sa menu natin everyday para busog-lusog pa rin ang pamilya.

  1. Spicy Adobo (Manok o Baboy). Ito ang paborito ng lahat ng Pinoy dahil madali lang lutuin at walang masyadong kailangan na rekado. Puwede ring samahan ng patatas para may gulay at konti sili, siguradong mapapakain sila ng marami.

  2. Sinigang (Baboy o Baka). Masarap ito lalo na ngayong nagsisimula na ang tag-ulan. Tumutunog ang paghigop ng mainit at maasim na sabaw kapag nag-umpisa na ang tanghali ng pamilya. Marami rin itong masustansiyang gulay na rekado.

  3. Inihaw na isda (Bangus o Tilapia). Kamayan ang lahat kapag ito ang inihain. Samahan mo pa ng sawsawan na suka o kaya toyo at kalamansi. Para na ring nasa boodle fight sa hapag-kainan ang buong family.

  4. Lechon Kawali. Siguradong kanin ang makakain kapag ito ang ka-partner na ulam. Pero siyempre, hinay-hinay sa mga high blood at oldies natin dahil pihadong putok-batok ito sa inyo, lalo na ang malutong na balat nito.

  5. Nilasing na Hipon. Ternuhan mo ito ng sinangag, for sure mauubusan ka sa food sa sarap ng ulam. Matipid din ito dahil sa isang hipon lang, maraming sinangag o kanin ang makakain. Sulit kumbaga ng budget kahit medyo mahal ang kilo nito at siyempre masustansiya pa.

Marami pang masasarap na pagkain tayong mga Pinoy na talaga namang kahit na may pandemya, hindi puwedeng makalimutan nating kainin, tulad ng tuyo at champorado, kare-kare at bagoong na, puto at dinuguan at maraming iba. Tandaan na anuman ang problema, laging maging masaya dahil tayo ay magkakasama.

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life and Style| June 28, 2020


ree


Isa ka ba sa mga millennial na super-hilig sa matatamis na inumin tulad ng milk tea? Well, maraming nahilig dito dahil maraming flavors at puwedeng i-personalize ang inumin, gayundin ang level ng sweetness o sugar, depende sa gusto mo. ‘Yung iba nga r’yan, halos araw-araw nang umiinom nito, pero knows n’yo ba na ang labis na pag-inom nito ay may hindi magandang epekto? Hmmm...

Ayon sa mga eksperto, kailangang maghinay-hinay sa pag-inom ng milk tea at iba pang matatamis na inumin. Ito ay dahil ang labis na pag-inom ng ma-asukal na inumin tulad ng milk tea ay nakakabulok ng mga ngipin. Pero hindi lang milk tea ang itinuturing na ma-asukal na inumin dahil ang softdrinks ay ganundin.


Paliwanag ng isang dentista, may component ang asukal na isinasama sa milk tea na nakakapagpabulok ng mga ngipin. Nagpo-produce ng acids ang mga ito na bumubutas o nakakasira ng enamel sa ngipin.


Kaya para makaiwas sa bulok na mga ngipin, maghanap ng alternatibong inumin tulad ng iced coffee o milk tea na walang asukal. Puwede rin ang water-infused drink para manatiling hydrated.


Bagama’t hindi inirerekomendang tanggalin sa diet ang sugar, kailangang bawasan ang pagkonsumo nito. Sey ng experts, para sa kababaihan, 6 tsp ng asukal ang kailangan ikonsumo kada araw habang 9 tsp naman sa kalalakihan. Gayundin, nakukuha na ito sa mga kinakain araw-araw.


At para mabawaasan ang banta ng pagkabulok ng ngipin, dapat magsipilyo ng dalawang beses sa isang araw at sundin ang tamang paraan ng pagsisipilyo.

Nakuuu, kahit araw-araw kang mag-crave sa milk tea, kung ganito naman ang mangyayari sa iyong mga ngipin, pass na lang, ‘di ba?


Well, hindi naman masamang uminom nito kahit paminsan-minsan, dahil ang mahalaga, kailangang ma-kontrol ito at pangalagaan ang oral hygiene para sa magagandang ngipin. Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page