top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | Mar. 3, 2025



PhilHealth Anniversary

Hello, Bulgarians! Idineklara ng Pag-IBIG Fund ang pinakamataas na halaga ng dibidendo para sa ipon ng mga miyembro nito sa Chairman’s Report 2024 na ginanap noong Huwebes sa Philippine International Convention Center.


Para sa 2024, ang Pag-IBIG Fund ay nag-ulat ng P55.65 bilyon sa kabuuang dibidendo, na minarkahang pinakamalaking payout sa 44-taong kasaysayan ng ahensya. Dahil dito, umakyat sa 6.6% ang dividend rates para sa Regular Savings, habang ang Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings rate ng ahensya ay tumaas sa 7.1%.


“For nearly five decades now, this institution has empowered individuals and families to find, acquire, and build the homes they aspire for - all in a system founded on trust, integrity, and shared opportunity,” sabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang mensahe. “This Chairman’s Report 2024 stands as proof of how your unwavering commitment has grown the contributions entrusted to your care, enabling every hardworking Filipino to achieve their dream homes. Let us remain steadfast in creating a strong, secure, and inclusive Pag-IBIG Fund that uplifts communities and ensures no Filipino is left behind in this era of Bagong Pilipinas.”


Ang Pag-IBIG Fund ay nagtala ng panibagong banner year, kung saan ang 2024 netong kita nito ay umabot sa P67.52 bilyon -- na 36% ang pagtaas mula sa P49.79 bilyon noong 2023. Nalampasan din ng ahensya ang P1 trillion mark sa kabuuang asset, na nagsara sa taon ng P1.069 trilyon.


Binigyang-diin ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar, na namumuno sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, ang namumukod-tanging pagganap at matatag na kalagayang pinansyal ng ahensya. 


“Pag-IBIG Fund has once again marked 2024 as one of its best-performing years, achieving record highs in both total assets and net income. This accomplishment directly benefits our members, as we declared P55.65 billion in dividends -- equivalent to 82.71% of our net income, exceeding the 70% dividend requirement by law,” sabi ni Acuzar. “With our strong performance, sound investments and robust finances, we are well-equipped to continue providing our members with responsive benefits, and advance our efforts under the Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program, ensuring that more Filipino workers can access affordable homes.”

Samantala, binigyang-diin ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta ang record-setting performance ng ahensya noong 2024. Binanggit niya na ang Pag-IBIG ay naglabas ng P129.73 bilyon na home loan, na tumulong sa 90,640 miyembro na makakuha ng bago o mas magandang bahay. Nakakolekta rin ang ahensya ng kabuuang P132.81 bilyon na membership savings -P73.74 bilyon na kung saan ay boluntaryong naipon sa ilalim ng Upgraded at MP2 Savings -- at nag-disburse ng P70.33 bilyon na cash loan para tumulong sa mahigit 3.2 milyong miyembro.


“Truly, when Pag-IBIG Fund performs well, our members benefit the most,” pahayag ni Acosta. “We take great pride in our record-high achievements in 2024, which reflect our commitment to helping members achieve their dream of homeownership, find relief in trying times, and save for a brighter future. We remain steadfast in safeguarding our members’ contributions and ensuring they yield the best possible returns -- because our members deserve nothing less than the highest level of public service and the most prudent stewardship of their hard-earned savings.”


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Feb. 16, 2025



PhilHealth Anniversary

Hello, Bulgarians! Ang newly-appointed President at CEO ng PhilHealth na si Dr. Edwin M. Mercado, kasama ang 9,000 opisyal at empleyado mula sa buong bansa ay ipinagdiwang ang ika-30 taong anibersaryo ng state insurer sa isang solemn Eucharistic Mass noong Pebrero 14 at si Father Jerry Orbos, SVD, ang nangasiwa nito.


Upang masunod ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pagtiyak na walang hadlang na mga serbisyo, ang misa ay nasundan ng isang board meeting na pinamunuan ni Health Secretary Teodoro Herbosa. Tinalakay ang mga isyu sa critical policy, na tumutugon sa parehong mga pangangailangan ng mga provider at miyembro.


“Nais nating tapatan ng buong pusong paglilingkod ang mainit na pagtanggap ng ating stakeholders, public health and medical communities, at lalung-lalo na ng mga kawani ng PhilHealth na siyang katuwang natin upang mas palawigin pa ang ating serbisyo,” pahayag ni Mercado.


Tatlumpung taon mula nang mabuo, ang PhilHealth ay nananatiling nakatuon sa paghahatid ng de-kalidad at mas tumutugon sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Feb. 7, 2025



GSIS

Hello, Bulgarians! Maglulunsad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng mas pinagaang na sistema sa pagtutuos ng penalties para sa mga hindi nabayarang loan ng mga miyembro.


Layunin ng bagong polisiya na tulungan ang mga miyembrong may unpaid loan na makabangon sa kanilang pagkakautang, habang hinihikayat din silang magbayad nang tama sa takdang oras.


Para mas madaling maintindihan ng mga miyembro ang kanilang babayaran, gagamitin ang simple interest sa pagkukuwenta ng penalties sa hindi nabayarang hulog ng loan. “Nauunawaan namin ang kalagayan ng aming mga miyembro, lalo na sa panahong mahirap ang gastusin,” pahayag ni GSIS President at General Manager Wick Veloso.


“Kaya naman gagawin naming mas simple ang pagtutuos ng penalties para malinaw sa kanila kung magkano ang dapat bayaran,” aniya.


Dahil dito, maibabalik sa magandang katayuan ang mga loan sa GSIS sa pamamagitan ng pagbabayad ng lahat ng hindi nabayarang hulog, kasama na ang penalties.


Para naman sa mga hindi kayang bayaran ang kabuuang halaga nang agaran, tatanggap ang GSIS ng partial payments para sa mga loan na hindi nabayaran nang hanggang anim na buwan.


Ang bagong sistemang ito ay magbibigay-daan sa mga borrower na mapabuti ang kanilang credit standing at magkaroon ng pagkakataong muling makapag-apply ng GSIS loans.


Sakop ng ilulunsad na patakaran ang lahat ng natitirang balanse ng mga aktibo at hindi aktibong miyembro, maliban sa service loans na nabayaran na.


Kasalukuyang inihahanda ng GSIS ang mga alituntunin para sa bagong polisiyang ito at iaanunsyo ang mga detalye sa lalong madaling panahon.


“Ang pagbabagong ito ay patunay sa pangako ng GSIS na bigyang ginhawa ang aming mga miyembro. Tinitiyak naming patuloy ang ‘Ginhawa for All’ sa lahat ng aming serbisyo,” dagdag ni Veloso.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page