top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | Mar. 8, 2025



PhilHealth Anniversary

Hello, Bulgarians! Simula Enero 30, 2025, ipinatupad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pinalawak nitong benepisyo para sa operasyon sa katarata kasama ang paglalagay ng intraocular lens (IOL) para sa matatanda at bata.


Ito ay sang-ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na palawakin pa ang mga serbisyong pangkalusugan ng PhilHealth.


Batay sa PhilHealth Circular 2025-0001 na inilathala noong Enero 15, 2025, ang benepisyo para sa operasyon sa katarata sa mga matatanda ay tumaas nang higit sa apat na beses at nagsisimula sa P20,200. 


Ang benepisyo ay depende sa uri ng lens, kung saan ang mga operasyon na gagamitan ng monofocal IOL o standard lens ay may halagang P28,300 bawat mata. Ang mga premium lens naman tulad ng monofocal toric IOL na nagbibigay ng malinaw na paningin sa isang partikular na distansya habang inaayos ang astigmatism ay sasagutin sa halagang P43,800 bawat mata. 


Samantala, ang multifocal IOL na tumutulong makakita ng malinaw sa malapit at malayo ay may halagang P66,900 bawat mata, habang ang multifocal toric IOL na nag-aayos ng astigmatism at nagbibigay ng malinaw na paningin sa iba’t ibang distansya ay sagot ng ahensya sa halagang P80,900 para sa kanang mata.


Samantala, ang coverage para sa operasyon ng katarata sa mga bata ay umaabot ng hanggang P135,000 bawat mata at P139,050 para sa parehong mata. Kung kasama ang intraocular lens, ang coverage ay nasa P179,000 bawat mata at P187,100 para sa parehong mata.


Dating nagbabayad ang ahensya ng P16,000 bawat mata para sa pagtanggal ng katarata sa matatanda at bata.


Nananawagan ang ahensya sa mga accredited healthcare facilities na panatilihing may sapat na supply ng Intraocular lenses, gamot sa mata, IV fluids, at iba pang mga kagamitan upang masigurong hindi na kailangang gumastos ng pasyente sa pagbili ng gamot sa labas ng pasilidad.


Sa buong 2024, ang PhilHealth ay nakapagbayad ng kabuuang P3.58 bilyon para sa 224,209 na operasyon sa katarata.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Mar. 6, 2025



PhilHealth

Hello, Bulgarians! Ang PhilHealth ay nakatuon sa holistikong pagtugon sa mga pangangailangan sa healthcare ng bawat Pilipino.


“Nais naming ipaabot na kahit hindi nakikita ang inyong daing, may PhilHealth na magbibigay ng suporta at alaga sa iyo. Ito po ay alinsunod sa mga prayoridad ng ating Pangulong Marcos,” saad ni Dr. Edwin M. Mercado, PhilHealth Acting President and CEO. 


Sa pamamagitan ng Outpatient Benefits Package ng PhilHealth para sa Mental Health [PhilHealth Circular 2023-0018], ang mga miyembro at dependent na may edad 10 pataas, ay maaari na ngayong ma-access ang mga serbisyong sumasaklaw sa mga paunang pagsusuri, follow-up na konsultasyon, diagnostic test, at psychosocial support. Sinasaklaw nito ang mga kondisyon tulad ng depression, psychosis, epilepsy, mga karamdaman sa pag-iisip at pag-uugali ng bata at kabataan, dementia, at mga panganib sa pananakit sa sarili o pagpapakamatay, bukod sa iba pa.


Dahil dito, ang mga nangangailangan ng espesyal na pangangalaga ay binibigyan ng access sa mga interbensyon mula sa mga psychiatrist, neurologist, at psychologist. Nagbibigay ang PhilHealth ng taunang coverage ng Php9,000 para sa pangkalahatang serbisyo sa kalusugan ng isip at Php16,000 para sa espesyal na pangangalaga.


Maaaring ma-access ng mga miyembro ang mga benepisyong ito sa anumang accredited facility na nagbibigay ng general mental health services. Kabilang sa mga pasilidad na ito ang mga rural health units (RHUs), city o municipal health offices, Level 1 at 2 hospitals, Department of Health (DOH) Medicine Access Program-mental health access sites, at stand alone mental health clinics.


Sa kabilang banda, ang mga espesyal na serbisyo sa mental health ay puwedeng ma-access sa mga akreditadong Level 2 at 3 hospital na may specialized staff, custodial care facilities, at mga national specialty center na identified ng DOH.


“We recognize the importance of accessible mental health services for every Filipino. Kaya naman, katuwang din natin ang Kagawaran ng Kalusugan sa patuloy pang pagpapalawig ng ating mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. We are calling for more providers to participate and make these services within reach of Filipinos with mental health struggles,” dagdag pa ni Dr. Mercado.  


Higit pa sa Mental Health package, hinihikayat ng PhilHealth ang mga indibidwal na nakararanas ng mental health distress na gamitin ang mga available na 24/7 crisis hotlines, kabilang ang National Center for Mental Health hotline sa 0917-899 8727 o 989-8727, para sa agarang counseling.


Ang PhilHealth ay nananatiling nakatuon sa pagpapalakas ng imprastraktura ng serbisyo sa mental health ng bansa at pagtiyak na ang de-kalidad na pangangalaga ay naa-access sa lahat ng Pilipinong nangangailangan nito. Para sa iba pang mga katanungan sa MH benefit package at mga benepisyo, maaaring tawagan ng mga miyembro ang sumusunod na 24/7 touch point: (02) 866-225-88; mobile numbers 0998-857-2957, 0968-865-4670, 0917-1275987 o 0917-1109812.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Mar. 4, 2025



SSS

Hello, Bulgarians! Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na ito ay nagsusumikap upang mas mapabuti ang mga serbisyo para sa mga pensyonado, para bawasan ang rate ng interes sa mga programa nito sa salary/calamity loan, at upang ituloy ang self-employed coverage. 


Mas magandang serbisyo para sa mga pensyonado. Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph M. De Claro, “We are reviewing our guidelines on the Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program in relation to manner of compliance, requirements, and other verification processes toward making the experience more convenient to pensioners.”  


Aniya, ang naturang pagsusuri ay bilang reaksyon sa karanasan at sentimyento ng mga retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas na 80 taong gulang pataas na kailangang sumunod sa kasalukuyang mga alituntunin sa ACOP sa ilalim ng SSS Circular No. 2023-013 na may petsang 21 Disyembre 2023 upang matiyak ang patuloy na pagtanggap ng kanilang pension benefit. Ang hindi pagsunod ay magreresulta sa pagsususpinde o pagkansela ng benepisyo. Sa pagtatapos ng 2024, mayroong 157,493 na mga pensyonado ang SSS.


Ipinaliwanag din ni De Claro, “Our review of the current guidelines and profile of pensioners include analysis of age and geographical distribution of SSS pensioners, all possible means for ACOP compliance, and available SSS resources to facilitate convenient and easy compliance – including visit to home address by designated SSS branch or office personnel.” 


Mas mababang interest rate para sa salary at calamity loan. Nasa pipeline rin para sa 2025 ay ang pagbabawas ng interest rate sa salary loan at calamity loan programs ng SSS. Sa kasalukuyan, ang rate ng interes para sa mga naturang programa ay nasa 10% kada taon.


“Given the consistent, solid performance of SSS’ investment portfolio, it is now timely to revisit the interest rate of our salary and calamity loan programs toward reducing it to increase the cash proceeds from loan applications by qualified SSS members,” pahayag nito.

Ang taunang Return on Investment (ROI) ng SSS mula 2021 hanggang 2024 ay nasa pagitan ng 5.8% hanggang 6.6%, kahit na sa panahon ng COVID-19 pandemic.


Ituloy ang coverage ng mga self-employed. Binanggit pa ni De Claro, “We will also pursue better collection compliance from other groups of workers, particularly self-employed professionals (e.g., Accountants, Doctors, Engineers, etc.), by coordinating and meeting with the Professional Regulation Commission (PRC) to discuss opportunities for cooperation and ensure SSS coverage of such workers.” 


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page