top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 30, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PAGLAGAPAK NG AGRICULTURE AND FISHERIES OUTPUT, PATUNAY NA PINABABAYAAN NG MARCOS ADMIN ANG MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA -- Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay lumagapak sa 2.2% ang agriculture and fisheries output ng bansa sa P1.7 trillion last year (2024), ito ang pinakamababa sa nakalipas na walong taon.


Ang pagbagsak na iyan sa produksyon sa agrikultura at pangingisda ay pagpapatunay na pinababayaan ng Marcos administration ang mga magsasaka at mangingisda sa ‘Pinas, period!


XXX


PALPAK ANG PAGTALAGA NI PBBM KAY DA SEC. LAUREL -- Nanawagan ang Dept. of Agriculture (DA) sa publiko na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang mga rice trader na nagbebenta ng mga overpriced na bigas.


Palpak pala ang pagkakatalaga ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kay Sec. Francisco Tiu Laurel bilang head ng DA kasi ang mandato nilang mag-ikot sa mga pamilihan para alamin ang mga nagbebenta ng overpriced na bigas ay iniaasa nila sa mamamayan, tsk!


XXX


PALPAK DIN ANG PAGTALAGA NI EX-DUTERTE NOON KAY FORMER SEC. DUQUE SA DOH -- Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na 68 million doses ng COVID-19 vaccines na worth P74.68 million ang nasayang noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic dahil nag-expire ito at hindi na naiturok sa mamamayan.

Laking halaga na naman iyang pera ng bayan ang nasayang.


Patunay ang ibinulgar na iyan ng COA na palpak ang pagkakatalaga noon ni ex-P-Duterte kay former Sec. Francisco Duque bilang head ng Dept. of Health (DOH), boom!


XXX


MALI ANG AKALA NI CONG. GARIN NA LUSOT NA SIYA SA KASO DAHIL HINDI PA PALA! -- Kung inaakala ni Iloilo Rep. at dating DOH Sec. Janette Guarin na lusot na siya sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide kaugnay sa “dengvaxia case” makaraan na idismis ng Dept. of Justice (DOJ) ang kasong ito sa kanya, ay nagkakamali siya.


Matapos nga kasing ibinasura ng DOJ ang kaso kay Cong. Garin ay may apat na pamilya ng mga namatay sa itinurok na dengvaxia ang nagtungo sa DOJ, at nagsampa ng panibagong reckless imprudence resulting to multiple homicide case laban sa kanya, period!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 29, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

CONFIRMED, MAY MGA SINUNGALING SA MALACAÑANG AT SENADO – Kinumpirma ni Marikina City Rep. Stella Quimbo, chairman ng House Committee on Appropriations na may mga blangkong budget documents nga sa pinirmahang 2025 General Appropriations Act (GAA) ni Pres. Bongbong Marcos Jr. (PBBM), pero ayon sa kongresista ay naisaayos na ito dahil nalagyan na raw ito ng pondo.Kumbaga, parang kinumpirma ni Cong. Quimbo na sinungaling ‘yung mga taga-Malacañang at Senado na nagsabi noon na walang blangko sa pinirmahang 2025 GAA ni PBBM, boom!


XXX


MAG-AMANG DUTERTE, RANK NUMBER 1 AND 2 SA PRESIDENTIAL SURVEY, IBIG SABIHIN WALANG TALAB SA KANILA ANG MGA ATAKE NG MGA ANTI-DUTERTE POLITICIANS -- Sa isinagawang  2028 presidential survey ng RMN Network at Oculum Research and Analytics ay top 1 si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa rating na 24%; pumangalawa si ex-P-Duterte, 17%; pangatlo si former VP Leni Robredo, 15%; pang-apat si Sen. Raffy Tulfo, 4%; panglima si former Sen. Manny Pacquiao, 2% at ang iba pang posibleng presidential candidate ay nakakuha lang ng tig-1%.


Rank number 1 and 2 ang mag-amang Duterte, so ibig sabihin niyan ay walang talab sa pamilya Duterte ang mga atake sa kanila ng mga anti-Duterte politician, period!


XXX


KAPAG NAGING PRESIDENTE SI VP SARA, LAGOT ANG MGA PULIS NA NAGSAMPA NG KASO SA KANYA -- Ibinasura ng prosecutor’s office ang mga kasong direct assault, disobedience at grave coercion na isinampa ng mga opisyal ng Quezon City police laban kay VP Sara kaugnay sa pagpigil ng bise presidente na madala sa Veterans Hospital ang chief of staff ng Office of the Vice President (OVP) na kinontempt noon ng Quad Committee ng Kamara.


Naku, kapag nag-iba ang ihip ng hangin at biglang naging presidente si VP Sara, tiyak lagot ang mga QC police na nagsampa ng kaso sa kanya, boom!


XXX


PROTECTION RACKET SA CENTRAL LUZON, TULOY PA RIN! -- Noong si P/Brig. Gen. Redrico Maranan pa ang director ng PNP-Region 3 ay pumutok ang pangalan nina alyas "Delfin," "Parak," "Jemar" at "Jack" sa protection racket sa Central Luzon.


Ito na siste, nang maitalaga si Gen. Maranan sa PNP-Region 7 at ang naging police director na ng PNP-Region 3 ay si P/Gen. Jean Fajardo, akala ng mga taga-Central Luzon ay matitigil na ang raket  nina "Delfin," "Parak," "Jemar" at "Jack," ‘yun pala ay hindi dahil mas lalo raw lumawak ang protection racket nila sa rehiyong ito, period!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 28, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

WARRANT OF ARREST MAPAPABILIS KAPAG NAGSANIB ANG DOJ AT ICC SA IMBESTIGASYON SA EJK SA ‘PINAS -- Inanunsyo ni Justice Sec. Boying Remulla na handa raw ang Dept. of Justice (DOJ) na makipagtulungan na sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa naganap na extrajudicial killings (EJK) sa bansa noong panahon ng Duterte administration.


Naku, kapag nagsanib ang imbestigasyon ng DOJ at ICC ay yari na si ex-P-Duterte at iba pang sangkot sa EJK sa ‘Pinas dahil tiyak na mapapabilis ang pagpapalabas ng warrant of arrest ng ICC laban sa kanila, abangan! 


XXX


BAKA SUWERTIHIN SINA SP ESCUDERO AT SPEAKER ROMUALDEZ, SILA ANG MAGIGING PRESIDENTE AT VP KAPAG PAREHONG NA-IMPEACH SINA PBBM AT VP SARA -- Binalaan ni Sen. Ronald Dela Rosa si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na impeachable raw ang magiging aksyon nito sa oras na magpalabas ng warrant of arrest at hulihin ng mga dayuhang Interpol operatives ang mga Pilipinong sinasabing sangkot sa EJK sa bansa.


Aba teka, si VP Sara Duterte-Carpio ay may mga kinakaharap na impeachment complaints at kung sakaling may magsampa rin ng impeachment laban kay PBBM at parehong naging guilty ang hatol at pinatalsik sila sa puwesto, ang suwerte naman nina Senate Pres. Chiz Escudero at House Speaker Martin Romualdez dahil kapag parehong nawala sa poder ang presidente at bise presidente, ang magiging presidente ay ang Senate president at ang magiging vice president ay ang speaker of the House, boom!


XXX


NANG MAGLABASAN SA SOCIAL MEDIA ANG MGA BLANGKO SA 2025 GAA, NAPATUNAYAN NG PUBLIKONG MAY MGA SINUNGALING SA MALACAÑANG AT SENADO -- Noong una ay todo-deny pa sina PBBM, Executive Sec. Lucas Bersamin at mga pro-Marcos senator sa pagsasabing walang blangkong budget documents sa pinirmahang 2025 General Appropriations Act (GAA) ng Presidente, pero nang maglabasan na ang mga ebidensya sa social media na may mga blangkong section nga sa 2025 GAA, kandautal na ang Presidente sa kapapaliwanag at iwas na sa interview ang mga pro-Marcos senator.


Patunay iyan na may mga taga-Malacañang at taga-Senado na mga nuknukan ng sinungaling, period!


XXX


SA IMBESTIGASYON NG KAMARA SA MGA FAKE NEWS VLOGGERS, TATAMAAN ANG MGA DDS AT MARCOS LOYALIST VLOGGERS -- Uumpisahan na ng Kamara ang imbestigasyon ukol sa mga fake news vloggers para raw mapanagot ang mga ito sa batas sa maling impormasyong pinu-post at pinapakalat nila sa social media.

Sigurado, ang mga tatamaan dito ay mga Duterte Diehard Supporters (DDS) at Marcos loyalist vloggers.


Iyan lang naman kasing dalawang grupo ng mga vlogger ang nagpapaligsahan sa pagpapakalat umano ng fake news sa social media, boom!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page