top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 23, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

HINDI MAN AMININ, TIYAK TUMINDIG-BALAHIBO SA TAKOT ANG MGA PORK BARREL POLITICIAN SA PANUKALANG ‘FIRING SQUAD BILL’ SA MGA KURAKOT -- Hindi man aminin ay tiyak na nanindig ang balahibo sa takot ng mga senador at kongresistang pork barrel politicians sa isinulong na panukalang batas ni Zamboanga City 1st Dist. Rep. Khymer Adan Olaso na patawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ang kurakot sa pamahalaan. 


Titindig talaga ang balahibo nila sa takot dahil kapag naisabatas ito, baka silang mga pork barrel politician ang mapa-firing squad sa bill na ito, period!


XXX


‘SUNTOK SA BUWAN’ NA PUMASA ANG FIRING SQUAD SA MGA KURAKOT DAHIL SA DAMING PORK BARREL POLITICIANS NA HAHARANG SA PANUKALA -- Sa social media ay suportado ng majority netizens si Cong. Olaso sa isinusulong niyang panukalang death penalty through firing squad sa mga kurakot, pero ang problem ay “suntok sa buwan” na pumasa ito sa Senado at Kamara.


Majority kasi sa mga sen. at cong. ay mga pork barrel politician, at hindi sila mga engot para magpasa ng batas na firing squad sa mga kurakot kasi posibleng sila ang tamaan dito, sila ang baka ma-firing squad, boom!


XXX


ANG MALAKING BAHAGI SA UTANG NG ‘PINAS NAPUPUNTA SA MGA KURAKOT, TAPOS TAUMBAYAN ANG PAGDURUSAHING MAGBAYAD -- Iminungkahi ni Sec. Ralph Recto ng Dept. of Finance (DOF) na dapat daw magkaroon na uli ng panibagong dagdag-tax sa mamamayan para raw makalikom ng karagdagang pondong pambayad sa mga utang ng Pilipinas sa iba’t ibang financial institutions sa mundo.


Mantakin n’yo, utang nang utang ang gobyerno, at ang malaking bahagi ng inuutang ay sa mga ‘kurakot’ sa pamahalaan napupunta, tapos ang pagdurusahin ay ang mamamayan sa panukalang dagdag-tax, buset!


XXX


HANGGA’T HINDI NASISIBAK AT NAKUKULONG ANG MGA TUMATANGGAP NG TARA SA CUSTOMS, HINDI MATITIGIL ANG SHABU SHIPMENTS SA ‘PINAS -- Sa muling pagbubukas ng House Quad Committee hearing ay muling naungkat ang talamak na “tara system” o payola ng mga smuggler sa mga tiwaling Customs officials, at ayon kay detenidong former Customs intelligence officer Jimmy Guban ay iyang “tara system” ang sanhi kaya malayang naipupuslit papasok sa ‘Pinas ang mga shabu shipments.


Dapat imbestigahan ng QuadComm ang lahat ng mga Customs official at ang sinumang mapapatunayang tumatanggap ng “tara” ay dapat irekomenda nilang sibakin sa puwesto, sampahan ng kaso at ipakulong. Hangga’t may mga opisyal sa Customs ang tumatanggap ng “tara” ay hindi matitigil ang shabu shipments sa ‘Pinas, period!


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 22, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Nagpapalitan pa rin ng patutsadahan ang Malacañang at kampo ni VP Sara.

Pero, tila hindi na kailangan pang kumilos ang kampo ni Inday bagkus ay panoorin na lamang ang diskarte ng mga ayudante ni PBBM.


----$$$--


KAPAG hindi naging maingat ang Malacañang, ang mismong negatibong diskarte sa kanilang paligid ang wawasak sa kanila.


Nakatuon ang tsismis ngayon sa kaliwa’t kanang maniobra ng mga kontraktor.


----$$$--


Bagaman hindi naman bago na maghanap ng padrino ang mga kontraktor, pero dapat ay maingat nila itong ginagawa.


Alam naman ng lahat, ang bawat kontrata sa gobyerno ay “tubong lugaw” — nagkakamal ng salapi ang mga gumagalaw sa “likod ng kontrata”.


----$$$--


MARAMI nang naaresto dahil sa pagpapanggap na konektado sa First Family, ang problema, ayaw magsitigil.


Pinakasikat ngayon ang tinataguriang “riding-in-tandem”.

Magkapakner sa diskarte. He-he-he!


-----$$$--


TEKA, pinagpipiyestahan ngayon ng mga “marites” ang pagkakasibak kay Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Iba’t iba ang espekulasyon at tsismis sa dahilan ng kanyang “pagbagsak”.


---$$$--


HINDI kaya nakaamoy ang Malacañang, dili kaya’y nabiktima ito ng mga “marites”?

Sa bagay, ‘pag mayroong “usok” ay may “sunog”. Ha-ha-ha! 


----$$$--


MAY bulungan na pumapalag at nagrereklamo ang ilang kontraktor sa Bicol.

At nakarating umano ang “sumbong” sa big boss.

Tsk, tsk, tsk.


---$$$--


HINDI naman kasi nakaya ng mga kontraktor ang kapritso.

Siyempre, nasukol sila sa pader.


----$$$--


ISINISISI kay “Mr. L” at “Miss S” ang hinaing ng mga kontraktor dahil sa “kasintaas” ng langit ang kapritso.

Malulugi na ang mga kontraktor.


----$$$--


MAY nagsasabi na ngayong 2025 ay “na-zero” na sa project listing ang “riding-in-tandem”.

Maaaring naamoy na ang diskarte.


----$$$--


PERO, binago na nila ang estratehiya ngayon, nanghaharbat na lang sila ng “proyekto” nang may “proyekto” sa DPWH Mindanao.

Dumidiretso na sila sa mga local official, siyempre, astig sila ‘pag bumoka.


 ----$$$--


SA totoo lang, marami ang naaawa kay SAP Anton, kasi’y wala naman talaga siyang kinalaman sa “tsismis” pero ayaw tumigil ng mga “marites”.

Huh, sana ay “maapula” agad ang apoy sakali mang magliyab.


----$$$--


ANG problema ay nabibilad ang mga ayudante ni PBBM.

Nababahala tayo, dahil baka hindi sinasadya maging ang opisina ng SAP ay ma-QuadComm

Ngek!!!


----$$$--


WALA sanang maisagawang “lifestyle check”.

Masasayang kasi ang mga pinaghirapan ng Malacañang sa nagdaang tatlong taon.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 22, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KATATAPOS LANG MANAWAGAN ANG INC NG PAGKAKAISA, NAGBANGAYAN NA NAMAN SINA EX-P-DUTERTE AT PBBM -- Matapos ang National Rally for Peace ng kapatiran ng Iglesia ni Cristo (INC) noong Jan. 13, 2025 para sa panawagang pagkakaisa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan ay nitong nakalipas na Jan.18 ay ibinulgar ni ex-P-Duterte na sa pinirmahan daw ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa 2025 General Appropriations Act (GAA) ay marami raw blangkong sections dito, at ayon sa dating presidente ay labag daw sa batas ang ginawang ito ni PBBM. Ang resbak naman dito ng Presidente ay sinungaling daw ang ex-president dahil wala raw blangko sa kanyang pinirmahang 2025 GAA.


Mantakin n’yo, nanawagan na nga ang INC na sila ay magkasundo, tapos nagbangayan na naman, tsk!


XXX


MGA ‘BUWAYA’ KINABAHAN SA PANAWAGAN NI EX-P-DUTERTE NA HUWAG MAGBAYAD NG TAX KASI KAPAG SINUNOD ITO WALA NA SILANG MAKUKURAKOT -- Nanawagan si ex-P-Duterte sa mamamayan na huwag nang magbayad ng buwis dahil ilegal daw ang ginawang pagpirma ni PBBM sa 2025 GAA dahil nga raw ay maraming blangkong nakasaad dito sa nilagdaan ng Presidente.


Hindi man aminin ay siguradong maraming ‘buwaya’ sa pamahalaan ang kinabahan sa panawagang ito ni ex-P-Duterte kasi kapag sinunod siya ng mamamayan na huwag nang magbayad ng buwis ay wala nang makukurakot ang mga tiwali sa pamahalaan, boom!


XXX


NILILITO, ‘INUUNGGOY’ NG KAMPO NINA YORME ISKO AT MAYORA HONEY SA SURVEY ANG MGA TAGA-MANILA -- Nalilito ang mga taga-Maynila kung sino kina incumbent Manila Mayor Honey Lacuna at former Mayor Isko Moreno ang malakas na kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod.


Matapos na isapubliko ng kampo ni Yorme Isko na siya ang top sa survey ay naglabas din ng survey ang kampo ni Mayora Honey na siya raw ang totoong top sa survey.


Aba’y kung may ibang kandidato pa sa pagka-alkalde sa Maynila ‘yun na lang mainam na iboto ng mga Manileno kasi sa resulta palang ng survey, nililito at ‘inuunggoy’ na ng kampo nina Yorme Isko at Mayora Honey ang kanilang mga constituent sa lungsod, period!


XXX


“WA’ ‘WENTA” ANG DA SEC., IMBES GUMAWA NG PARAAN PAANO MATUPAD P20 PER KILONG PROMISE NI PBBM, IBINIDA PA ANG MATAAS NA P58 PER KILONG BIGAS -- Ibinida ni Sec. Francisco Tiu Laurel ng Dept. of Agriculture (DA) na halos lahat daw ng mga manininda ng bigas ay sumunod sa kautusan niyang P58 per kilo price cap sa mga imported rice.


Isa si Sec. Laurel sa mga miyembro ng Gabinete ng Marcos admin ang “wa’ ‘wenta,” kasi imbes gumawa siya ng paraan paano matutupad ang P20 per kilong bigas na promise ni PBBM sa mamamayan, eh nagawa pang ibida ang napakamahal na P58 per kilong price cap sa mga imported rice, pwe!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page