top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 25, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KAPAG TINUTOO NG DOJ NA MAKIPAG-UGNAYAN SA ICC, BAKA NGAYONG YEAR 2025 LUMABAS NA ANG ICC-WARRANT OF ARREST LABAN KINA EX-P-DUTERTE AT SEN. BATO -- Kung dati ay madalas sabihin ng Marcos administration na hindi makikipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) tungkol sa naganap na extrajudicial killings (EJK) sa bansa sa panahon ng Duterte administration, ngayon iba na ang sinasabi ng gobyerno. Ayon kay Sec. Boying Remulla ay handa na raw ang Marcos admin na makipagtulungan sa ICC.


Hindi man aminin ay tiyak kinabahan na naman sina ex-P-Duterte at Sen. Ronald Dela Rosa sa statement na iyan ng DOJ, kasi kapag tinutoo ng DOJ na makipagtulungan sa ICC, malaki na talaga ang posibilidad na ngayong 2025 ay lumabas na ang ICC-warrant of arrest laban sa kanila, boom!


XXX


SA PAG-IWAS NI CONG. STELLA QUIMBO SA TANONG NG MGA MAMAMAHAYAG LALONG NAGHINALA ANG PUBLIKO NA MAY MGA BLANGKO  SA 2025 GAA -- Umiwas si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, acting chairman ng House Committee on Appropriations sa tanong ng mga mamamahayag kung totoo ang ibinulgar ni ex-P-Duterte na may mga blank sections sa 2025 General Appropriations Act (GAA) na isinumite ng mga senador at kongresista kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na nilagdaan naman ng Presidente.


Kung walang itinatago, hindi dapat umiwas si Cong. Quimbo sa tanong ng mga mamamahayag kasi dalawa lang naman ang puwede niyang isagot dito, “wala at meron,” pero hindi niya sinagot ang katanungan ng mga reporter.


Dahil sa pag-iwas ni Cong. Quimbo na sagutin ang tanong ng mga mamamahayag, lalo tuloy nagduda ang sambayanang Pinoy na may mga blangko nga sa ilang sections ng 2025 GAA para sa national budget ngayong taon ang nilagdaan ni PBBM, period!


XXX


IMPEACHMENT KAY VP SARA, IMPEACHMENT KAY PBBM -- Ayon kay former Quezon Rep. Erin Tanada na kung totoo raw na mas malaki ang inilaang budget ng Marcos administration sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH) kaysa Dept. of Education (DepEd) ay malinaw na paglabag umano ito sa Konstitusyon dahil ang nakasaad sa Saligang Batas ay dapat mas malaki ang pondong ilalaan taun-taon ng gobyerno sa edukasyon kaysa infrastructures.


Kung totoo nga na nilabag ng Marcos admin ang Konstitusyon sa isyung ito, aba’y hindi lang pala si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang dapat sampahan ng kasong impeachment, kundi pati si PBBM, boom!


XXX


TAKOT DAW SI PBBM NA MAKALKAL ANG KANYANG CONFI FUNDS KAYA PINIPIGILAN NITO ANG IMPEACHMENT KAY VP SARA -- Sinabi ng mga kongresistang miyembro ng Makabayan bloc na kaya raw hinaharang ni PBBM ang impeachment kay VP Sara ay dahil natatakot daw ang Presidente na makalkal ang kanyang multi-billion peso confidential funds.


Ang ilan kasi sa nilalaman ng impeachment complaints na isinampa kay VP Sara ay may kaugnayan sa maanomalyang paggasta raw nito ng kanyang confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at sa pinamumunuan niya noon na DepEd, at maaaring mangyari na kapag dinidinig na sa Senado na siyang tatayong impeachment court ang mga kasong impeachment sa bise presidente ay posible talaga na makalkal din ang confidential fund ni PBBM. Maaari kasing may mag-usisa na bakit ang P650 million confi funds lang ng bise presidente ang iniimbestigahan gayong mas malaki, worth P4.5 billion ang confi fund ng Presidente na dapat din alamin kung saan ito ginasta ng Pangulo, period!


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 24, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Lumagda si US President Donald Trump ng kautusan na nagdedeklara na dalawang kasarian lamang ng tao ang kikilalanin ng gobyerno ng United States -- lalaki at babae lamang!


Iyan mismo ang kahulugan ng political will.


-----$$$--


KAHIT may malaking bulto ng populasyon na kontra sa ganitong prinsipyo, pinanindigan pa rin ni Trump kung alin ang tama batay sa kanyang paniniwala.


Iyan naman ang tinatawag na kumbiksiyon.


-----$$$--


ANG diskarteng ito ni Trump ang maghahatid sa kanyang kadakilaan at magmamarka sa kasaysayan.


Iyan din mismo ang tunay na dahilan kung bakit siya dalawang beses na ibinoto ng mga tao sa pinakamakapangyarihan bansa sa daigdig.


----$$$--


MALINAW na hindi tinatablan si Trump ng propaganda sa media at hindi siya natatakot sa panduduro o pananakot ng kanyang mga kalaban.


Bibihira lamang ang lider na may ganyang katangian.


----$$$--


HINDI nagmula sa hanay ng mga batikang pulitiko si Trump, bagkus ay hinugot siya ng kapalaran mula sa pribadong sektor.


Malinaw na tinalo ni Trump ang tradisyunal at sinaunang estilo ng pamumulitika.


----$$$--


SA Pilipinas, ‘yan din ang dapat maganap — at sa totoo lang, ang kasabikan ng mga tao na makahulagpos sa tradisyunal na pulitika ang nagtulak kung bakit nagwagi si Digong.


Si Digong at si Trump ay sinasabing halos magkamukha ng estilo.


-----$$$--


HALIMBAWA, sa siyudad ng Parañaque, nauumay na rin ang mga residente sa Distrito Dos sa apelyidong Tambunting.


Wala nang kinang at nais ng mga tao ang bagong mukha na magpapabago ng kanilang buhay.


-----$$$--


BAGAMAN maituturing na dark horse, naglakas loob ang partylist representative na si Brian Raymund Yamsuan na banggain ang pader.


May bahid na pulitika si Gus Tambunting pero si Yamsuan ay may sapat na karanasan bilang mga ayudante nina dating Senador Ed Angara, Rep. Tessie Aquino-Oreta at Ronnie Puno.


----$$$--


NAHASA si Yamsuan bilang dating assistant secretary sa DILG, media officers sa Malacañang at deputy secretary sa Kamara.


Inihahalintulad ang sitwasyon sa naturang distrito sa pagkakasilat ni Mayor Vico Sotto sa makapangyarihang Eusebio clan sa Pasig City.


----$$$--


SA totoo lang, noong 2022 eleksyon, muntik na ring masilat si Tambunting ng isang hindi gaanong kilalang kandidato.


Sa social media, ipinararamdam ng mga netizens ang pagkakaumay o tulad sa pagkain ay nagsasawa sila sa ‘paglamon’ ng karneng baboy.


-----$$$--


UMAASA ang mga mamamayan na masasabay sila sa nagbabagong henerasyon kung saan itinatakwil ang sinaunang pulitika.


Napakahalaga ng pagbabago, at iyan ang inaasam-asam ng mga mamamayan sa ngayon.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 24, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MAGKALABANG MORTAL NA MAKABAYAN BLOC AT PAMILYA DUTERTE, NAGKAISA SA ISYUNG MGA BLANGKO SA GAA NA PINIRMAHAN NI PBBM -- Ang Makabayan bloc sa Kamara at ang pamilya Duterte ay magkalabang mortal, katunayan nga ay ang Duterte administration ang nagsampa ng kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse and Exploitation laban kay ACT-Teacher Rep. France Castro tungkol sa panghihikayat daw sa mga batang katutubong Lumad na lumaban sa pamahalaan, at sa kabilang banda ay ang Makabayan bloc ang nangunguna sa pagsasampa ng impeachment case laban kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio tungkol naman sa isyung maanomalyang paggasta nito sa kanyang confidential funds.

Ulitin natin ha, magkalabang mortal ang Makabayan bloc at pamilya Duterte, pero sa isang isyu ay nagkakaisa sila laban sa Marcos administration.


Pinatotohanan kasi ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, ang ibinulgar ni ex-P-Duterte na may mga blangko sa mga sections ng 2025 General Appropriations Act (GAA) na nilagdaan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), period!


XXX


DAHIL PINATOTOHANAN NG MAKABAYAN BLOC ANG IBINULGAR NI EX-P-DUTERTE NA MGA BLANGKO SA GAA, LUMABAS NA SI PBBM ANG SINUNGALING, HINDI ANG EX-PRESIDENT -- Nang ibulgar ni ex-P-Duterte na may mga blangko sa mga sections ng 2025 GAA na ayon sa dating presidente ay paglabag ito sa Konstitusyon, agad itong pinabulaanan ni PBBM at sinabihan ang dating pangulo na sinungaling daw.


Pero dahil pinatotohanan ni Cong. Manuel na may mga blangko nga sa nilagdaang 2025 GAA ni PBBM, lumalabas ngayon na siya ang sinungaling, at hindi si ex-P-Duterte, boom!


XXX


HINDI KAYA PATAMA KAY PBBM ANG PANUKALA NI CONG. OLASO NA I-FIRING SQUAD ANG MGA KURAKOT SA GOBYERNO? -- Tatlong araw matapos ibulgar ni ex-P-Duterte noong Enero 18, 2025 na may mga blangko sa mga sections ng 2025 GAA na pinirmahan ni PBBM, agad nagsulong si Zamboanga City 1st Dist. Rep. Khymer Olaso nitong Enero 21 ng panukalang batas na i-firing squad ang lahat ng mga gov’t official, mula presidente pababa hanggang mga kagawad na mapapatunayang gumawa ng katiwalian sa pamahalaan.


Hindi kaya na ang panukalang batas na iyan ni Cong. Olaso ay patama kay PBBM, kasi nga hindi maiiwasan ng taumbayan na mag-isip na may mga taga-Malacañang ang may masamang balak sa pera ng bayan kaya kahit sinasabing may mga blangkong sections sa 2025 GAA ay pinirmahan ito ng Presidente? Period!


XXX


SIM CARD REGISTRATION LAW, PALPAK! -- Sinabi ni Sec. Jonvic Remulla ng Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) na hindi raw epektibo ang SIM card registration law dahil marami pa rin daw nang-i-scam gamit ang mga cellphone number ng mga scammer.


Kung ganu’n, inabala lang pala ng batas na iyan ang mamamayan sa pagpaparehistro ng kanilang SIM cards kasi nga lumalabas na iyan palang SIM card registration law ay palpak, boom!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page