top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 8, 2024



ree

Ewan kung part ng gimik para pag-usapan sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach ang bardagulan ng kani-kanilang kampo dahil sa pareho nilang pagrampa ngayon sa iba't ibang fashion events abroad.


Kung gimik man ito, in fairness, parehong umiingay at mas nagkakainteres ang mga Marites sa kanila kaya in na in sila.


Pero kung totoo namang may "silent competition" nang nagaganap sa pagitan ng dalawang fashion icons at influencers, okay lang 'yun para mas ma-challenge pa sila, basta 'wag lang aabot sa personalan, 'di ba?


Kaya lang, ang feeling kasi ngayon ng ilang fans ni Pia, patutsada sa Miss Universe 2015 ang sagot ni Heart sa isang netizen na nagtanong kung ano ba ang ibig sabihin ng term na "house friend" sa fashion world.


Nag-start ang tanong ng netizen kay Heart sa post niyang invitation card sa kanya ng Christian Dior para sa fashion event nila, kung saan makikitang customized pa ang sketch na hitsura ni Heart.


Tanong-comment ng netizen, "Since I'm not really familiar with the fashion terms, can someone help me understand what it means "cohort" and "house friend"? I always see posts of fashion houses referring to @iamhearte as one of the house friends."


Reply ni Heart, "Means plus one if I'm not mistaken, but I was not invited as that I was invited as me (with heart emoji)."


May netizen na nag-comment, "Parang feed nga 'yung question. An avenue to make parinig and put some other people in their place. Hahahah! I am an “invited house-friend” while others are co-horts or in laymans term 'sabit.'"


Opinyon naman ng isang nag-comment na mukhang pro-Heart, "Sinagot 'yung tanong to educate people like you who are fans of your queen who cannot accept that she is cohort."


Well, sino pa nga ba ang 'queen' na tinutukoy kundi si Queen Pia na ikinukumpara nga ngayon kay Heart dahil panay din ang rampa ng Miss U 2015 sa mga fashion events sa Paris, France?



Sikreto raw para tumagal ang relasyon …

JERALD AT KIM, GABI-GABI ANG LOVING-LOVING


ree

"Gabi-gabi kaming nagla-loving-loving," ang patawa pero pilyong sagot ni Jerald Napoles nang matanong namin sa one-on-one interview namin sa kanya sa mediacon ng latest comedy-game show nila ni Kayla Rivera na Barangay Singko Panalo sa TV5, kung ano'ng sikreto nila ng GF na si Kim Molina at hanggang ngayon ay sila pa rin sa kabila ng mga hiwalayan sa showbiz.


More than a decade na rin ang relasyong Kim-Jerald at bagama't hindi pa rin sila ikinakasal, matibay naman ang kanilang pagsasama at walang pressure, 'ika nga ni Jerald.


Parehong malawak ang pag-iisip nila ni Kim kaya walang selosan, walang away-away at ang goal nila ay ang pag-iipon para sa kanilang future family.


Kaya rin hindi issue kina Jerald at Kim kahit 'di sila magkasama sa show at iba ang co-host ngayon ni Jerald sa comedy game show na Barangay Singko Panalo, ang singer na si Kayla Rivera na ex-GF ni Tom Rodriguez.


At kahit first time magsama nina Jerald at Kayla sa game show, may chemistry sila at magtinginan lang daw, alam na nila ang kanilang gagawin.


Kakaibang concept ang Barangay Singko Panalo na bukod sa iba't ibang games na pang-fiesta ang dating, eh, may pagka-sitcom din ito kaya naniniwala si Jerald na kahit pa magkatapat ang show nila ni Dingdong Dantes na Family Feud sa 5:30 time slot ay may market pa rin ang show nila ni Kayla sa TV5 na magsisimula na sa March 11.


'Kaaliw ang bagong comedy game show na ito dahil hindi ka na papahirapan sa mga games, ang laki pa ng puwedeng mapanalunan… P100K lang naman! 


Oh, bongga, 'di ba?


So, watch na simula sa March 11 at alamin ang mechanics para makasali


Pasado kay Vehnee Saturno ...

MIA JIAPSON, BAGONG ELLA MAY SAMSON


ree

Revival pala ng Ella May Saison song na Bakit Ba ang Pintig na debut single ng baguhang singer na si Mia Japson.


Fourteen years old lang si Mia at bagama't hindi biritera tulad ni Ella May, malaki ang tiwala sa kanya ng composer na si Vehnee Saturno na nabigyan niya ng justice ang naturang kanta.


Pero paliwanag ni Sir Vehnee, bagama't revival ng Bakit Ba ang Pintig, magkaibang-magkaiba pa rin ang dalawang kanta at nabigyan nga ito ng bagong tunog ni Mia.


Aminado naman si Mia Japson na bata pa siya ay mahilig na talaga sa music kaya masayang-masaya siya na suportado ng mga magulang ang pangarap niyang magkaroon ng sariling kanta na isinulat pa ng isang sikat na composer.


Mala-Sitti ang pagkakakanta ni Mia sa Pintig at for sure, kapag narinig na ito ng mga bagets na ka-age niya ay makaka-relate sila sa song. 


After mai-launch, ipo-promote na rin ni Mia ang Pintig sa mga radio stations at social media platforms kaya abangan na lang at kayo na ang mag-judge kung sino nga ba ang katimbre ni Mia kaya sabi ni Sir Vehnee ay may "K" talaga siya sa music industry.



 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 6, 2024



ree

Finally ay naranasan na ni Heart Evangelista ang rumampa sa runway. Fresh from the success of her engagements at the Milan Fashion Week, the international fashion icon and influencer made her much-awaited runway debut at Paris Fashion Week last Sunday by opening the show of renowned Vietnamese fashion designer Phan Huy on Sunday (March 3).


Suot ang kanyang elegant see-through tube peplum gown with a deep “V” reaching her navel, pak na pak ang pagka-elegante ng aktres sa opening ng show na ginanap sa historic mansion na Maison de L'amérique Latine located at 217 Boulevard Saint-Germain in Paris.


Ayon kay Huy, Heart wore a design from the Tam Giang Lagoon Collection na talaga namang pinuri-puri ng mga netizens at fashion enthusiasts.


Hindi naitago ni Heart ang kanyang kasiyahan sa first-ever catwalk moment niya sa kanyang post sa Instagram.


“Small girl, big dreams,” caption ni Heart na may naka-smile na emoji at ang larawan kung saan ay katabi niya ang mga nagtatangkarang models.


“So grateful for everything. Work hard, never step on others just to get ahead, focus on your goals, and enjoy each process. Good or bad and one day... little by little you shall be living your dream,” aniya pa.


Needless to say, ang catwalk debut ng aktres ay maituturing na isang malaking achievement and milestone sa kanyang fashion journey and will definitely be forever etched in her heart.


Masasabi ring sa mundo ng fashion, si Heart pa rin talaga ang nag-iisang ‘Queen’.


Aside from inaugurating Huy’s collection, Heart is attending various fashion shows and wearing the creations by Hermes, Alexander MacQueen, Manolo Blahnik, Giambattista Valii, YSL and Louis Vuitton, among others. 


The Paris Fashion Week started on February 26 and is set to close on March 5.

 

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 12, 2023




ree

Mahigit sa 700 na Pinoy ang humihingi ng tulong matapos na tuluyang mawalan ng trabaho dahil sa biglaang pagsasara ng isang kumpanya sa Christchurch sa New Zealand.


Tinukoy ang kumpanya bilang ELE Group of Companies kung saan namamasukan bilang karpintero ang mga overseas Filipino worker (OFW).


Pagbabahagi ng mga OFW, walang nangyaring abiso at sa parehas na araw na dapat ay papasukan pa nila ibinalitang magsasara na ang kumpanya.


Marami sa mga OFW ang bago pa lang sa bansa ngunit hindi makalipat ng trabaho dahil may mga dokumentong dapat ayusin.


Naghihintay din ang mga manggagawa para sa kanilang 2 linggong sahod na kanilang itinrabaho dahil halos wala na rin sila umanong panggastos.


Nangako naman daw ang ELE na babayaran ang kanilang mga sahod ngunit hindi nila alam kung kailan ito ibibigay.


Ilang Pinoy naman na daw ang nabigyan ng tulong ng Philippine Embassy sa New Zealand.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page