top of page
Search


Showbiz News

Nasa Milan, Italy na rin si Pia Wurtzbach para sa Milan Fashion Week (MFW). Naunang dumating sa kanya sa Milan si Heart  Evangelista at pareho silang dadalo sa MFW. 

I-expect na ang bardagulan na naman ng kani-kanyang mga fans nila sa kung sino ang mas pinagkagulahan, ang mas maganda ang OOTD (outfit of the day) at kung sino ang mas magandang make-up at ayos ng buhok.    


Ang mga fans din nina Heart at Pia ang nagbibilang kung ilang fashion show per day ang dinadaluhan nila. Si Heart ang winner dito dahil naka-tatlong shows daw in one day. Wala pang balita kung ilan ang pinakamaraming shows na nadaluhan ni Pia.   


Sa mga photos at videos, very cool lang sina Heart at Pia, ang kanilang mga fans pa yata ang nai-stress sa pag-aabang sa mga ganap nila. 


Nakakatuwa nga na pati reels, ipinagkukumpara at pinagtatalunan kung kanino ang mas maganda. 


Damay sa bardagulan ang kani-kanyang team nila like ang glam team at pati ang in-charge sa kani-kanyang content.                               


In fairness, masaya at nakakaaliw basahin ang bardagulan ng mga fans, konting bagay pinag-aawayan at ang mga comments, kung nababasa lang ng dalawa, mapipikon din sila for sure. 


Curious tuloy kaming malaman kung ini-stalk ba nina Heart at Pia ang kani-kanyang Instagram (IG) o ipinaparating na lang sa kanila kung ano ang post ng isa’t isa at kung may comment na dapat sagutin.



MARAMI pa rin talaga ang umaasang magkakabalikan pa sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil nang mag-post si Dom ng mga photos na may mga dalang luggage, inisip agad na magkikita sila ni Bea sa Morocco. 


Hindi naman sinabi ni Dominic na sa Morocco ang punta niya, pero nasa airport siya ng Johannesburg.         


Comment agad ng mga fans nina Bea at Dominic, sana ay magkita sila sa Morocco. Kaya lang, kung doon nga pumunta ang dating aktor, wala na roon si Bea at ang mga kasama nito.                Sa update ni Bea, balik-Madrid, Spain na sila kaya malabong magkrus ang landas nila ni Dominic sa Morocco.


Naglaro pa sa isip ng BeaDom fans na kapag nagkita ang dalawa sa Morocco, makakapag-usap at baka maging maayos na ang lahat at matuloy ang kasal. 


Wala pa ring nababanggit sa biglaang paglipad nina Bea at mga kasama pa-Madrid at side trip sa Morocco. Dahil kasama niya si Ben Chan, baka may kinalaman sa Bench ang kanilang lakad. 


Anyway, umalis at babalik ng bansa si Bea na masaya dahil patuloy na sinusubaybayan ang Widows’ War (WW). Gusto ng mga viewers ang pagbabago ng karakter ni Sam (Bea) na naging cold-hearted b*tch na. 


Inaabangan na ang eksena na makaka-face-to-face ni Sam ang asawang si Paco (Rafael Rosell) na inakala niyang patay na.



PARA pala sa MMFF entry na Green Bones (GB) ang short haircut ni Ruru Madrid at hindi pa para sa Book 2 ng Lolong. Kasama raw ang new haircut niya sa paghahanda sa gagampanang role.       


Nag-workshop din si Ruru bago simulan ang shooting ng nasabing pelikula para mas maintindihan ang kanyang role.                     


“At the same time, almost everyday, nagpupunta ako sa lab or workshops. Siyempre, ang tagal ko po gumawa ng teleserye, ang tagal ko pong gumawa ng Black Rider (BR). Parang one year kaming nag-shoot so ibang medium na ang gagawin natin, it’s cinema. So ibang preparasyon, ibang framework ng paggamit ng pag-arte, ibang style because it’s cinema, so ang daming pagbabago.           


“But you know, I always love the challenge and sobrang gusto ko rin na matuto ako rito sa proseso na ito,” ayon kay Ruru.                           


Isa rin siguro sa pinaghahandaan ni Ruru ay sina Iza Calzado at Dennis Trillo na mga bida rin sa GB. Nakasama na niya si Dennis sa isang project, pero bata pa raw siya noon. First time naman niyang makakatrabaho si Iza na kumpirmado nang kasama sa cast. Nauna nang ini-announce na kasama rin sa cast sina Sofia Pablo at Kylie Padilla.                      


Of course, pressured din si Ruru na maidirehe ni Zig Dulay na director ng nasabing MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs. Dagdag na pressure sa kanya na first MMFF film niya ito. Pinangarap lang niya dati, ngayon, nagkatotoo na.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | September 15, 2024



Showbiz News

Although tinanggal na ni Pia Wurtzbach ang sinasabing “pinakialaman” niyang video na pag-aari ng isang fashion site, still, marami ang nagpahayag ng pagkadismaya sa dating Miss Universe.


Ang naturang video ay kuha mula sa isang fashion event ng Carolina Herrera brand na ini-upload ni Pia sa kanyang socmed (social media) account. Kesyo wala raw pahintulot ang original na may-ari nito or hindi nagpaalam si Pia, etc. etc. hanggang sa akusahan na itong “nagnakaw”.


Mula sa isang malapit na kaibigan ng beauty queen, naikuwento nito sa aming meron umanong administrator ang socmed account ni Pia at baka rito nanggaling ang pagkakamali.


Wala pa ring sinasabing pahayag si Pia tungkol sa isyu pero ‘yun nga, tila nahusgahan na nang wagas si Pia Wurtzbach.



Nu'ng July 29 pa, ngayon lang in-announce… 

KAMPO NI JAMES, UMAMING 'DI NA TALENT SI LIZA 


James Reid at Liza Soberano

NANG dahil nga sa naglabasang balita tungkol sa kawalan ng suporta ng Careless Music (CM) sa mga ganap ni Liza Soberano, naglabas na ng pahayag ang kumpanya ni James Reid.


Effective July 29 pa, ayon sa anunsiyo, ay hindi na opisyal na bahagi ng CM si Liza at masaya raw ang kumpanya na naging bahagi nito ang aktres. 


Halos magdadalawang buwan na ang lumipas bago ito pormal na inilabas ng naturang kumpanya ni James. Kung hindi pa naglabasan ang mga tsika tungkol sa aktres ay mukhang hindi pa maglalabas ng statement ang CM.


Meanwhile, pinaninindigan naman ng mga loyal and ardent LizQuen fans na very much into each other pa sina Liza at Enrique Gil.


“They simply are standing true to their commitment na ‘wag na itong masyadong ibahagi sa public,” sey pa ng source namin.



PINAKAUNA nang nagbigay ng kanyang appreciation-thanksgiving cum Christmas Party si Cong. Arjo Atayde sa mga kaibigan sa entertainment media.


Last Friday the 13th nga ito ginanap sa kanyang headquarters diyan sa Quezon City kung saan inire-represent ng aktor-pulitiko ang first district ng lungsod.


Sinagot ni Arjo ang mga katanungan ng media- friends partikular na ang pagbalanse niya ng kanyang gawain sa showbiz at public service.


Mahusay na aktor si Arjo at katunayan nga rito ang kanyang mga award-winning performances na napansin sa international scenes.


“Acting is my passion. Hindi ‘yan puwedeng alisin sa ‘king sistema. But doing public service is also fulfilling, mahirap mamili kaya binabalanse ko ‘yan,” sagot ni Arjo.


Although marami ang naghihintay na magkaroon na sila ng sariling pamilya ni Maine Mendoza, malaya raw muna nilang ine-enjoy ang company nila as husband and wife. 


“In time, that will come. Inire-ready na rin naman namin ang aming mga sarili,” dagdag pa nito.


Good luck, congratulations and thank you po, Cong. Arjo Atayde.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 13, 2024



Showbiz News

Isa lang si Heart Evangelista sa mga pumuri at nag-comment sa post ni Liza Soberano sa kanyang Instagram account ng mga photos and videos ng pagrampa niya sa New York Fashion Week.


Simpleng three raising hands emojis at "Yaz" lang ang naging comment ni Heart sa isa sa mga photos ni Liza, pero umani na ito ng maraming likes and comments mula sa mga IG followers ng dating aktres sa 'Pinas.


Coming from Heart nga naman na mas una nang nakilala at beterana na sa pagrama sa mga fashion week, that's something na napuri niya si Liza.


Ibig sabihin lang nito, tanggap at sinusuportahan ni Heart na bukod sa kanya, may isa pang Pinay na gusto ring makilala abroad sa pamamagitan ng pagrampa-rampa sa fashion week.


Pero just asking lang, 'no, bakit ang isinasabong sa kanyang si Miss Universe Pia Wurtzbach na todo-post rin ng mga pagrampa niya abroad, hindi nila-like man lang ni Heart? 


'Di kaya siya nagagalingan o nai-impress sa mga galaw at fashion style ng ating Miss Universe?

Hmmm…



Madir ni Carlos, oks daw sumali sa Mrs. Phils. beauty pageant…

SIGAW NG NETIZENS: ANGELICA, WA' 'K', MAGBENTA NA LANG NG LONGGANISA!


Angelica Poquiz-Yulo

NAKAKATAWA rin talaga ang mga Pinoy, 'no? Kung sino ang sikat at trending, pilit na ipapasok o ikokonek sa isang usapin o issue mapag-usapan lang.


Tulad na nga lang ng pagtatanong sa CEO ng Mrs. Philippines Organization, kung puwede bang mag-join sa upcoming Mrs. Philippines 2025 ang controversial mom ng two-time Olympics gold medalist na si Carlos Yulo na si Mrs. Angelica Poquiz-Yulo.


Ang sagot naman diumano ng tinanong na CEO-president ng beauty pageant organization ay may potential si Mrs. Angelica na maging beauty queen dahil sa kanyang fashion sense at mga achievements sa pagpapalaki ng apat na anak na pare-parehong athletic.


Kaya wish daw ng naturang CEO ay ma-meet niya ang nanay ni Carlos para maimbitahang sumali sa beauty pageant.


Komento tuloy ng isang netizen, "Ano'ng gagawin n'ya du'n? My God, gagawin lang siyang laughing stock or comic relief. Ano ba naman itong mga organizations na ito, pa-cheap nang pa-cheap. Kung ako sa mga legit na nangangarap maging beauty queen ('yung may K), 'di na ako sasali sa pageant na 'yan."


Hala, pati tuloy ang Mrs. Phils. Organization, nalait, ha?


Sabi naman ng isa pang nag-comment, "Really? But she's not a good example or role model to the other mothers out there." 


Natawa naman kami sa opinyon ng isang netizen, "'Wag na siya sumali, magbenta na lang siya (ng) longganisa at rejuv set niya, hahaha!"


Oh, ha? Ni hindi pa nga sumasagot si Mrs. Yulo kung feel at game ba siyang sumali sa beauty contest, inuulan na siya ng mga nega comments. Eh, di lalo na siguro kung sasali nga siya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page