top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 1, 2024



Showbiz News

Nag-react si Ogie Alcasid sa engagement ng anak na si Leila Alcasid sa kanyang longtime boyfriend na si Curtismith.


Ang magandang balita ay ini-announce ni Leila sa kanyang Instagram account, together with photos of her engagement ring.


Ani Leila sa caption: “The most special anniversary gift.”

Hindi napigilan ni Ogie ang mapa-react sa

recent happening sa buhay ng anak.


Ani ng singer/composer/songwriter sa comment section ng IG ni Leila, “The Lord bless you both. I am truly beyond happy for you two. Love you! Congratulations!”

Sumagot ang kanyang soon-to-be son-in-law, “@olgiealcasid Thanks so much, Tito. Love you!”


Marami ring celebrities ang nag-congratulate sa celebrity couple like Nadine Lustre.

Mensahe naman ni Gabbi Garcia, “OMG! I’M SO HAPPY FOR YOU GUYS!!!! You truly deserve each other, congratulations.”


May nagtanong tuloy sa GF ni Khalil Ramos, “Ikaw, kailan ka?”

Ang iba pang celebrities na nagpadala ng kanilang congratulatory notes ay sina Darren Espanto, Iza Calzado, Chie Filomeno, Dani Barretto among others.


Si Curtismith na Mito Fabie ang real name ay isang Filipino indie singer, rapper at songwriter.


Miss U, hindi first Pinay na rumampa…

LEYNA BLOOM, 3 YRS. NANG NAUNA KAY PIA SA L'OREAL FASHION SHOW


Leyna Bloom - Instagram

IPINAGLABAN ng designer na si Mark Bumgarner na si Pia Wurtzbach ang first Filipina to walk L’Oreal runway.


Aniya sa kanyang Instagram page, “Pia is the first Filipina L’Oreal ambassador to walk in Le Defile. I stand by it.”


Sey naman ng isang netizen, “Justifiably the first and the PROUDEST Filipina to walk the Le Defile runway.”


Reply ni Mark, “Not only Filipina when it’s convenient.”

Dagdag pa ng isang netizen, “EXACTLY some jealous people are wasting their time giving a ridiculous amount of nitpicking, just because it’s Pia.”


Kaya pinanindigan ni Bumgarner na ang 2015 Miss Universe ang unang Pinay na rumampa sa Le Defile dahil may isang netizen na nagtanong na, “Is Leyna Bloom a real Filipino? I read somewhere that she denounced being Filipino so that means technically speaking, Pia is really the first. What do you think?”


Sey ng isang netizen, “PIA IS THE FIRST L’OREAL AMBASSADOR FROM THE PHILIPPINES TO WALK THE RUNWAY! Leyna Bloom was not L’OREAL AMBASSADOR in the Philippines, she never was!!!”


Samantala, ayon umano kay Bloom, she walked the said runway three years ago. Nagpakita pa siya ng Philippine passport at isa rin daw siyang Blaan tribe (tribo mula sa Southern Mindanao) at sinabing walang competition ‘yun sa kanya.



ISINUGOD si Yasmien Kurdi sa emergency room matapos magka-rashes at allergy, after ng pagkakasakit ng anak niyang si Ayesha.


Humina kasi ang resistensiya ng aktres habang inaalagaan ang anak kaya siya nagkasakit.


Breastfeeding si Yasmien sa kanyang 2nd baby, kaya may oras lamang kung kailan siya puwedeng magpadede sa kanyang bunso dahil naka-steroid siya.


Ipinaalala ni Yasmien ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sariling kalusugan ng mga ina, upang patuloy nilang maalagaan ang kanilang mga anak.


Sey ni Yasmien, “We often play the role of superwoman as mothers, staying strong when our children are unwell.”


Dagdag pa niya, “Once Ayesha recovered, I fell sick, which made me realize just how much our motherly instincts help us stay resilient when we’re needed most.”


Sa kabila ng mga pagsubok, ipinakita ni Yasmien Kurdi ang kanyang lakas at determinasyon bilang isang ina na laging nandiyan para sa kanyang mga anak. 

Ang dami namang nagpadala ng prayer healing sa aktres mula sa kanyang mga kapwa GMA artists para sa maaga niyang paggaling.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 1, 2024



Showbiz News

Nakakatuwa na mas marami nang Pinoy ang rumarampa sa mga fashion week. 

Si Kyline Alcantara, rumampa sa New York Fashion Week (NYFW). Nasundan ito ng mga rumampa sa Paris Fashion Week (PFW) kabilang sina Maymay Entrata, Michelle Dee, Pia Wurtzbach at maging si Hayden Kho. 


Si Michelle ang nag-open ng show ni Michael Cinco at sina Pia at Hayden naman ang finale.


Natutuwa ang mga netizens dito at wish nilang madagdagan pa ang mga Pilipino na rumarampa sa mga fashion shows. Sana raw, wala nang mag-away-away, walang pagkukumpara at magsuportahan na lang kahit pa si Heart Evangelista ang mas naunang nakilala sa pagrampa sa mga fashion week.


Kaya lang, matagal pa itong mangyayari dahil sa mga fans na nag-aaway-away at lahat na lang, ginagawan ng isyu. 


Gaya na lang nang magkasabay manood sa Hermes Fashion Show sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach, inabangan kung magbabatian sila at kung magkakasama ba sa photoshoot. Wala nga lang nangyaring ganu’n, baka sa susunod na lang, guys!                                                                                                                                                     



EIGHT luxury cars ang nakalagay sa tarp ng “SV Driven to Heal” charity event ni Sam Verzosa na ipapa-auction niya to fund sa construction ng dialysis and diagnostic clinic sa Sampaloc, Manila. 


Pero, sabi ni Rhian Ramos na nakausap namin sandali sa auction, 10 cars ang ipapa-auction. Nasa labas ang dalawa dahil hindi na magkasya sa loob ng auction room.


Paglabas naman ng headquarters ng Frontrow, may nakita kaming naka-park na Maserati at feeling namin, isa ‘yun sa 10 cars to be auctioned. Aabot sa P200 million kapag na-auction ang 10 cars, hindi lang naitanong kung sa isang dialysis and diagnostics clinic lang ilalagay ang P200 million.


Biniro ng isang reporter si Rhian kung may ipapa-auction din siyang car.


Ang sagot ng actress at girlfriend ni Sam, “Wala... wala ako n’yan,” at saka tumawa.

Sabi uli ng reporter, tiyak marami pang luxury cars si Sam at magkakaroon din nito si Rhian kapag ikinasal na sila.


Ang ganda ni Rhian, bagay sa kanya ang maging First Lady ng Maynila at ang maganda pa, suportado niya ang lahat ng advocacy at charity works ni Sam. 

Present siya sa turnover ng mobile clinics at botika, tumulong sa pamimigay ng medicines sa mga tao. Habang nagbibigay ng gamot, may kasama pang interbyu kay Rhian Ramos.


‘Di lang daw buhok, Richard…

BARBIE, GINAGAYA RIN ANG PANANAMIT NI SARAH


Barbie Imperial at Sarah Lahbati - IG

WALA yatang chance na magkita-kita sina Sarah Lahbati at Barbie Imperial kasama si Richard Gutierrez dahil nasa Paris si Sarah para sa Paris Fashion Week (PFW), habang tuloy naman ang pamamasyal nina Richard at Barbie sa Italy. 


Nanghinayang ang mga netizens na hindi magkikita-kita ang tatlo na parehong nasa ibang bansa.


Nakakatuwa ang ibang netizens na biniro sina Richard at Barbie na dumiretso sa Paris para may chance na magkita sila ni Sarah. Alam naman siguro nina Barbie at Richard na nasa Paris si Sarah, kaya hindi sila pupunta roon.


Anyway, may mga netizens pa rin na ayaw tigilan si Barbie Imperial at pilit na ikinukumpara kay Sarah. Bukod daw sa hairstyle, ang damit na suot nito ay inspired ni Sarah Lahbati. May nag-request pang ipakita niya si Richard Gutierrez.


Abangan kapag nakabalik na sa bansa ang tatlo, baka may ibang tsika na naman sa kanila.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 27, 2024



Showbiz News

After Pia Wurtzbach, si Maymay Entrata naman ang rarampa sa runway ng Paris Fashion Week (PFW). At hindi lang siya basta manonood ng fashion show dahil maglalakad siya sa runway. 


Irarampa ni Maymay ang design ni Leo Almodal at ng Vietnamese designer na si Phan Huy.


Gaya sa pag-aabang ng mga Pinoy sa pagrampa ni Pia, tiyak na aabangan din ang pagrampa ni Maymay sa September 28 and 29. 


Heto pa, magpe-perform din si Maymay sa opening at bago ang runway show ay may gagawin siyang concert kasama ang ilang Filipino artists at artists from different countries.


Sa interbyu ng ABS-CBN News, sabi ni Maymay, “Ako po ay sobrang excited po for the Paris Fashion Week, kasi first time ko pong pumunta du’n. First time kong inimbitahan.”

Ang MM Milano Fashion Brand ang nag-imbita kay Maymay sa PFW at nabanggit nito na nakapunta na siya sa Paris, pero iba ngayon dahil model at performer siya.


“Pinaghandaan ko po talaga ‘tong Paris project kasi first time ko pong inimbitahan ng Paris Fashion Week and of course mag-perform din du’n,” dagdag ni Maymay Entrata.



SINA Barbie Forteza at David Licauco ang new ambassadors ng Save The Children Philippines (STCP) at ipinakilala sila sa partnership signing ng GMA Network.


Todo-pasasalamat si Barbie sa pagpili sa kanya bilang ambassador ng nasabing non-profit organization.


Pahayag ng aktres, “Gagamitin ko po ang aking profession as an actress at ang aking platform to influence our children to know their rights kahit at an early age. At siyempre, pagbutihin ang kanilang pag-aaral nang sa ganu’n ay sila ang magiging mabubuting leaders in the future.”


Nagpasalamat din si David sa pagkakapili sa kanya, lalo na’t siya ang first male Filipino ambassador ng organisasyon.


“First of all, I want to say thank you to Save the Children Philippines for choosing me alongside my love team, Barbie Forteza. Thank you rin sa GMA dahil sa pagkuha nila sa ‘kin and now, ambassador na ako ng Save the Children Philippines,” sabi nito.


Dagdag pa ni David, panahon na para gamitin ang platforms nila sa mabuting paraan. 

Sey ni David, “Our goal is to set a good example for the youth, to inspire, and empower the children to keep chasing their dreams.”


Samantala, wala naman palang dapat ikabahala ang BarDa (Barbie at David) fans dahil hindi bubuwagin ng GMA Network ang kanilang love team kahit matapos ang Pulang Araw (PA). Kabaligtaran ito sa balitang tatapusin na ang kanilang tambalan at ipapareha na sila sa iba.


Taga-Singapore at Myanmar ang kalaban…

KATHRYN, PAMBATO NG 'PINAS BILANG BEST ACTRESS SA ASIAN ACADEMY CREATIVE AWARDS


Kathryn Bernardo

IPINAGBUBUNYI ng mga fans ni Kathryn Bernardo ang pagiging National Winner niya as Best Actress sa Asian Academy Creative Awards (AACA). Ito ay para sa pelikulang A Very Good Girl (AVGG).


Sa December ang grand finals na gaganapin sa Singapore at dalawa sa makakalaban niya ay ang Singaporean actress na si Kym Ng at Myanmar actress na si Poe Mamhe

Thar. 


Tama ba kami na kapag nanalo si Kathryn Bernardo, siya ang first Filipina na mananalo sa AACA?


Tamang-tama ang balitang ito dahil nagsisimula na ang promo ng Hello, Love, Again (HLA) movie nila ni Alden Richards. 


Sa November 13, 2024 pa ang showing, pero nagkakagulo na ang mga fans.

                                                      

 
 
RECOMMENDED
bottom of page