top of page
Search

ni Thea Janica Teh | July 7, 2020


ree



Inilunsad ng Casio ang bago nitong limited edition G-shock timepiece kung saan tampok ang Japaneses anime series na One Piece ni Monkey D. Luffy.


Ang GA110JOP-1A4 ay base sa digital-analog na GA-110 series. Gamit ang black bilang base color, ang entire piece ay may illustration ng main protagonist ng anime series.


Sa indicator dial sa 9 o’ clock position, makikita ang straw hat ni Luffy habang ang WANTED ay makikita sa 3 o’clock position.


Hindi lang ‘yan, pag tumama ang hour at minute hand sa 2 o’clock at 4 o’clock, mabubuo ang golden “X” an nagre-represent ng X-shaped scar ni Luffy sa dibdib.


Ang G-shock x One Piece timepiece ay mabibili ng $250 at magiging available sa July 22.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 4, 2020


ree


Gumawa ng “Lava Mask” ang Filipino fashion designer na nasa likod ng iconic lava gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Mak Tumang.

Hindi lang pang-awra ang naturang “Lava Mask” dahil bukod sa washable, ito ay water repellent at breathable rin.

Available na ang 3 sets ng “Lava Mask” na “LAVA,” “LAVA BOX,” at “LAVA LUXE.” Ang “LAVA” ay “4 pcs. masks in foldcote bag” sa halagang P1,500. Ang “LAVA BOX” naman ay may 4 pcs. masks in signature box sa halagang P2,000. At ang “LAVA LUXE” naman ay may “1 pc beaded mask in signature box” sa halagang P25,000.

Ayon pa kay Mak sa kanyang Instagram (IG) post, “1 LAVA SET (1 Person Access) entitles you to a photo opportunity with the iconic Lava Gown at The Mak Tumang Atelier here in Mexico, Pampanga.”

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang IG account ni Mak.

 
 

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020


ree


Dahil sa nararanasan nating COVID-19 pandemic, kinakailangan nating matutuhan ang “new normal” sa pamamagitan ng social distancing, hand sanitation at pagsuot palagi ng face mask.


Kabi-kabila ang lumalabas na paraan para maging fashionable at on fleek ang face mask sa kabila ng pandemic. Kaya naman swak na swak sa atin at lalo na sa mga coffee lover ang bagong labas na face mask ng River Naturals.


Bakit nga ba naiiba ang face mask ng River naturals? Ito ay dahil sa amoy kape ito! You read it right! Ang world’s first coffee face mask ay gawa sa 100% recycled coffee yarn.

Ito ay may 2 layer protection. Ang unang layer ay gawa sa coffee yarn gamit ang Powerknit technology. Ito ay ginawa para maging komportable at hindi maapektuhan an gating sensitive skin. Mayroon din itong biodegradable filter na gawa ng silver nanotechnology at coffee.


Ito ay washable at reusable habang ang filter naman nito ay umaabot hanggang 30 days. Mayroon din itong AATCC 100 certification mula sa QUATEST 3.


Hindi lang ‘yan, kaya din tayo nitong protektahan sa UV rays. Mayroon itong 5 kulay na puwede nating pagpilian tulad ng brown, navy, gray, white at black.


Ito ay mabibili online sa https://hyperspotters.com/products/airx-worlds-first-face-mask-made-from-coffee?variant=34152470642825 sa presyong Php359! Hindi ka lang naprotektahan sa virus, kundi naging fashionable ka pa at naaamoy mo pa ang bango ng bagong brewed coffee!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page