top of page
Search

FILIPINIANA DRESS NI HEART, IBINENTA PARA SA MGA BIKTIMA NI 'ULYSSES'

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 17, 2020


ree


Kung si Willie Revillame ay nagbenta ng kotse at si KC Concepcion naman ay alahas para maipantulong sa mga naging biktima ng bagyong si Ulysses, si Heart Evangelista naman ay isinubasta ang isa sa kanyang mga mamahaling damit.


Ipinost ni Heart ang larawan ng kanyang Filipiniana dress na gawa ng sikat na designer na si Mark Bumgarner.


“I'll be auctioning off this @markbumgarner Filipiniana piece I handpainted myself a few years ago on @shopmaisonlovemarie. All proceeds for this will go to the victims of the recent Typhoon Ulysses. I'll also be auctioning off more designer pieces in the next few days so stay tuned for that,” ang caption ni Heart.


Kaagad na nabili ang nasabing damit kaya ang inaabangan na ngayon ng mga netizens ay ang iba pang designer pieces na ibebenta ni Heart.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 5, 2020


ree


Pumanaw na sa edad 81 ang Japanese fashion designer na si Kenzo Takada nitong Linggo.


Si Takada ay nakitaan ng komplikasyon ng COVID-19 sa the American Hospital of Paris, Neuilly-sur-Seine, ayon sa kanyang spokesman.


Kilala si Takada sa kanyang KENZO brand label sa Paris. Kilala rin siya sa kanyang colorful motifs.


Pahayag ng KENZO, “It is with immense sadness that KENZO has learned of the passing of our founder.


“For half a century, Mr. Takada has been an emblematic personality in the fashion industry — always infusing creativity and color into the world.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 15, 2020


ree

Parte ng “new normal” na dulot ng COVID-19 pandemic ang pagsusuot ng facemasks, pero sadyang mahirap uminom lalo na sa pampublikong lugar kapag nakasuot nito.


Dahil dito, mayroong facemask na ginawa para sa mga milk tea lovers!


Gumawa ang isang local shop ng facemask na tinatawag na "sippy mask" kung saan maaari nang makainom ng milk tea kahit naka-mask.


Ang “sippy mask” ay gawa ng GallonTea at libre ito kapag umabot sa P1,000 ang order ng

customer simula August 14 hanggang 18. Hindi lamang milk tea ang maaaring bilhin sa

GallonTea dahil mayroon din silang fruit teas at dimsum.


Ang “sippy mask,” bukod sa reusable ay mayroon ding 3-ply microfiber fabric. Mayroon itong silicone button para makainom ng milktea.


Maaaring i-check ang facebook page ng GallonTea para sa impormasyon kung paano makaka-order ng milk tea at magkaroon ng astig na “sippy mask.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page