top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 21, 2022


ree

Matapos ilabas ng Miss Universe Philippines ang entries ng 49 kandidata para sa swimsuit challenge, ipinakilala na ng MUP ang top three nitong Linggo.


Wagi si Katrina Llegado ng Taguig City sa swimsuit challenge matapos magsuot ng gold one-piece swimsuit habang naka-pose sa Gondola ride sa Venice Grand Canal Mall.


Kabilang sa top three sina Makati City's Michelle Dee at Pasay City's Celeste Cortesi.


Ipinakita ni Dee ang kanyang perfect figure suot ang pink one-piece swimsuit habang si Cortesi ay naka-red two-piece swimsuit.


Matatandaang nirepresenta ni Llegado ang Pilipinas sa Reina Hispanoamerica 2019 kung saan siya ay tinanghal na fifth runner-up. Si Dee naman ay pasok sa Top 12 ng Miss World 2019 pageant.


Ayon sa Miss Universe Philippines, ang swimsuit challenge top three ay pinili base sa mga boto mula sa publiko sa pamamagitan ng Miss Universe Philippines app at ng judges.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 16, 2022


ree

Pinatikim si Jolina Magdangal ng generosity ni Asia’s Songbird Regine Velasquez habang nasa dressing room ng kanilang morning talk show sa Kapamilya Network, ang Magandang Buhay.


Ini-reveal ni Momshie Jolens sa kanyang Instagram kung ano ang ginawa sa kanya ng special guest co-host nila sa MB na si Momshie Regine.


“Share ko lang... May isang taong very generous. 'Pag nakita n'ya na bagay sa taong ito kung anumang gamit meron s'ya, ibinibigay n'ya. At isa na nga ang mga super gaganda at branded shoes n'ya. May mga kaibigan ako na nabigyan na n'ya ng shoes kasi magka-size sila. Pare pareho silang size 6. Kaya sabi ko, naku, malabo na ako kasi 4 1/2 ako (hahaha! Manika lang),” caption ni Momshie Jolens sa kanyang latest IG post na larawan ng isang pair of glass shoes.


Matagal na palang dasal ni Momshie Jolens na maranasan din niya ang ginagawa ni Momshie Regine sa iba nitong celebrity friends.


“PERO!!!!! Totoo nga ang kasabihang 'Never lose hope'. Nu'ng isang araw, pasuot na siya ng napakaganda n'yang sapatos, biglang sabi n'ya sa 'kin.. 'Sukat mo nga, Jolens.' Bigla akong kinabahan, kaya dinahan-dahan ko ang pagsuot ng sapatos na parang nu'ng isinusuot 'yung Glass Shoes ni Cinderella, at ang naiisip ko... 'Ito na yata ang moment ko,'” karugtong ng caption ni Momshie Jolens.


Laking-gulat ni Momshie Jolens nu’ng mag-fit ang mala-glass shoes ni Cinderella na ipinasukat ni Regine sa kanya.


“KUMASYA!!!!!!! Fit na fit!!!!!! At narinig ko nga ang matamis na... 'Sige, sa 'yo na.' Muntik akong mapakanta ng This is the Moment ni Erik Santos.”


Dahil d’yan, tinawag ni Momshie Jolens si Songbird as her fairy godmother.


“To my Fairy Godmother (at Fairy Godmother ng karamihan) Ate @reginevalcasid, maraming salamat!!! 'Di ako makapaniwala na may nagkasya sa 'kin na shoes mo kaya inilagay ko siya sa side table ko. Hahahahaha! I love you, Ate!!!”


Sa last part ng caption ni Momshie Jolens, may pa-survey siya sa kanyang IG followers.

“Isusuot ko ba o ipapa-glass box frame ko? Ano sa tingin n'yo…comment na!”


Nasolusyunan agad ang tanong ni Jolens nu’ng mag-comment si Regine sa kanyang post.


“Ang cute mo, Jolens, but you have to wear it, nasisira 'pag hindi, eh, love you."


Nag-reply naman si Momshie Jolens kay Regine, “Yes, ate.”


May isa pang celebrity na IG follower din ni Momshie Jolens ang nag-comment sa post niya kahapon.


“Mare super-ganda, kahit 'di naman na ako nagsusuot ng ganyan, super-nakakatuwa nu'ng nakita ko sa feed ko,” comment ni Rica Peralejo na dating kasama ni Momshie Jolens sa Ang TV children show ng ABS-CBN.


Nag-reply din si Momshie Jolens sa comment ni Rica.


“True!!!!! Pero maiba tayo... kelan kaya tayo magkikita sa rally?” tanong ni Momshie Jolens kay Rica.


Ang rally na tinutukoy ni Momshie Jolens ay ang big campaigns para sa kandidatura nina VP Leni Robredo at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan this coming election.


Pareho kasing mga supporters sina Jolina at Rica ng team nina VP Leni at Sen. Kiko na mas kilala bilang Kakampinks.


Sagot ni Rica, “MESSAGE 'PAG 'ANDU'N KA, SASABIHAN KO SILA, KAILANGANG KASAMA AKO, reunion pala 'to, ih.”

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 15, 2022


ree

Ibinida ng isang Filipino fashion designer na nakabase sa New York ang telang gawa sa saging.


Ipinanganak at lumaki sa Davao del Norte, si Joy Soo ay dating certified public accountant, na kamakailan lamang ay nagbalik upang ipagpatuloy ang first love na fashion designing. Nagsimula siya ng kanyang sariling brand na Musa Fabric, na nasa tatlong taon nang gumagawa ng mga damit at accessories.


Sa ginanap na New York Fashion Week, nagsagawa ng fashion show si Soo at doon ay featured ang kanyang designs na gawa sa 50% banana fabric.


“Iyong mga tao na nag-watch ng fashion show were so amazed. Alam ko amazed na amazed sila kasi iyong designs, in-incorporate ko doon iyong tribal designs and hindi nila nakikita iyong mga design na iyon doon,” pahayag ng designer sa isang TV show.


“Talagang fulfilling siya. Dito ko nakita ang fulfillment sa work ko. Nakapagbigay sa kanila ng new hope and new life and new inspiration itong pag-weave ng musa fabric,” dagdag ni Soo.


Maliban sa mga PDLs, ang indigenous people sa Davao tulad ng Ata Manabos at Dibabawon , ay mga benepisyaryo rin ng mga obra ni Soo.


Ipinaliwanag din ni Soo kung paano ginagawa ang banana fabric: “Ang process nito is iyong mga waist material na na-trunk ng banana, pinuputol at pino-proseso siya. Ang tawag doon ay decortication.”


Kung mayroong pangarap si Soo sa fashion industry ng Pilipinas, ito ay ang tangkilikin ng mga Pinoy ang ating local products at designs bago pa man ito kagiliwan sa iba’t ibang bansa.


"We have to be supportive of our own brand. Iba ang feeling if you are wearing your own product. Let's support local dahil sa totoo lang, one single purchase of local product will make a difference for so many people," ani Soo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page